Chapter 4 *Andyan na siya.....*

453 13 0
                                    

“Fried noodles, strawberry yogurt, pineapple juice and vegetable salad please.”

Naroroon si Iya at Yen sa school cafeteria, nagkakasabay talaga sila ng lunch break every Wednesdays. Kinuha na niya ang order niya at sumunod na siya kay Yen sa upuan nila.

“Ang dami mo namang in-order Iya, sisintensiyahan ka na ba bukas? Kaya mo yang ubusin?”

Tiningnan niya ang kaibigan. “Healthy naman ito eh.. Kayang kaya noh.” Buong giting niyang sagot.

“Hmmm… ewan ko sa’yo, ang sabihin mo eh kina-career mo ng sobra yang inFATuation mo kay BAJ, kaya nagpapakaFAT ka, tama ba?”

Inirapan na lamang niya ito. “Tigilan mo nga ako Yen jan sa mga non-sense mong mga kaalamang kung saang lupalop pa ng Pluto mo nahagilap.” Kinuha na niya ang chopsticks at sinimulang kainin ang Fried Noodles.

“Grabe ka naman, ikaw lang ang nakapaglalakbay ng ganoong kalayo noh! Hanggang kay Jupiter lang ako noh.” Sabi nito na ang tinutukoy ay iyong gitara nitong minamahal.

“Ha-ha” pasadya niyang tawa. “Lalangawin ka jan sa ka-kornihan mo Yen, magbagong buhay ka na.” Aniya habang pinagpapatuloy ang pagkain sa noodles.

Siya naman ang inirapan nito. “Nagsalita ang inaalikabok naman sa ka-kornihan.” Sabi nito na wala talagang balak patalo sa usapan. “Pero maiba ako Iya, I heard magiging culinary apprentice ang iyong beloved big brother dito ah?” sambit nito habang nilalantakan ang hamburger na hawak.

“Ha? Sino dun?”

“Hala. Alangan namang yung Kuya Brix mong engineer ang kumareer sa pagtuturo sa pagluluto? Malamang eh di si ever-the-serious-and-matinik-sa-chicks-na-chef-hottie mong Kuya Cedric ang papasok dito noh!? ‘Di mo alam?”

F.L.A.M.E.SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon