*Iya*
Bigla na lamang nagising si Iya mula sa pagkakahimbing ng tulog. Nag-inat siya at tsaka bahagyang bumangon at naisandal ang likuran sa headboard ng kama.
Justin… Anupa’t nang pumasok sa isipan iyon ay agad na lumabas ang ngiti sa kanyang mga labi.
“Last night was indeed special.” Mahina niyang sambit sa sarili. Nagtaklob siya ng kumot at isinubsob ang mukha sa unan na hawak tsaka naglabas ng niloloob. “KINIKILIG TALAGA AKOOOOO!!!!!! GRABEEEE!!!!!” sigaw niya.
“BAJ!!!!!!! ANG GALING MO TALAGANG MAGPAKILIG!!!!! I LOVE YOU! I LOVE YOU!! I LAAAAAB YU!!!!! WAAAAAAAH!!!!” sunud- sunod na bulalas niya habang nagpapapadyak sa sobrang kagalakan.
Kinalma niya ang sarili at inayos ang nagulong buhok, pagkatapos ay kinuha niya ang isang maliit na litrato sa ilalim ng unan niya. “Hi BAJ, nakatulog ka ba ng mahimbing?” ngingiti-ngiti pa niyang sabi sa picture.
Pumunta siya sa isang sulok na carpeted area sa kwarto niya, doon nakalagay ang mga regalong natanggap niya kahapon. “Hello Dream House!!” masaya niyang bati sa malaking doll house na nasa harapan niya, nagmula iyon kay Justin.
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng laruan. It’s quite funny na napagkamalan ng buong basketball team na 7year old celebrant ang youngest sister ni kuya Cedric which was me. “No wonder kaya puro pambata ang mga regalo nila sa akin.” Nakangiti pa din niyang sambit. “Ikaw talaga BAJ, masyado mo na akong pinapakilig!!! Keep up the good work!” sabi niya nang balingan ang litrato ng binata.
Hanggang ngayon ay hindi pa din niya makalimutan ang lahat ng nangyari kahapon sa party niya, buong akala niya’y magiging invisible pa din siya dito gaya ng naging ganap niya sa loob ng campus ng CSU sa araw-araw niyang buhay. Last night was sparkling, good thing he didn’t let it go.
“Iya, can I have this dance?”
Hindi niya alam kung paano magre-react sa sinabi nito, tila halu-halong emosyon ang nabalot sa buong sistema niya.
BINABASA MO ANG
F.L.A.M.E.Sweethearts
Teen FictionHilig na talaga ni Iya ang pagsulat ng tula-lalo na't ang subject niya lagi sa mga issues ng TFI ay ang pinakatatago niyang pag-ibig para kay Justin Alexander Benedict Gutierrez, ang captain ball ng basketball sa CSU. She had a big crush on him, bak...