Chapter Twenty-Two Point Two

23 0 0
                                    

Time check: 02:31pm.

Location. Campus.

You read it, right. Kahit medyo malapit na yung non-sense na party at dismissal time na, still inside campus pa rin ako. May inaasikaso pa kasi ako. Nagpapaka-busy para may excuses ako if ever hindi ko ma-isipang pumunta.

Not until…

“Kyle!!!” si Cloeh. She looks shock, angry, excited basta mixed emotions. “What the he--”

I look at her narrowed eyes. “Why?”

“OMG!! Anong oras na andito ka pa?! Sabi ko na nga ba eh! Buti nalang dumaan ako dito.” She just said for about fifteen seconds. Nasa student council room kasi ako, doing paper works para sa school’s paper. Bigla siyang lilitaw ng ganito.

“2:45pm palang naman eh. Any problem with that?” pang-aasar ko kasi ayoko talaga pumunta.

“Hay naku! Tara na nga!” hinatak na niya ako and run out of the room. “Marami pang oras.”

“Hoy ano ka ba?!” nagpatuloy pa rin kami sa pagmamadali.

Tumigil naman kami sa saglit. She texted someone and then, may nag-park na car sa harap namin. Kay Cloeh.

“Tara na!” she pulled me inside her car.

Ang bilis ng pagpapatakbo ng kotse kaya in a minute…

“Anong gagawin natin sa bahay namin?” may balak na naman itong babaeng ito.

Nanguna siya papasok ng house. “Aayusan kita!” and we got inside.

Yun na nga wala na akong nagawa. Lahat ng damit na pinamili niya para sakin eh pinsasuot niya sakin.

“Wear this!” she commanded. A rosy red gown with ruffles at the bottom. “Wag yan… This one!”

“No!” 

“This!”

“Not that one”

“Ito”

“Pangit!” 

“Try this!”

Puro siya ang nasusunod… ako ito nag-ala model ng hindi oras.

“Enough!” I gave up. “Nasukat ko na lahat. Wala pa rin. Hindi na talaga ako pupunta.”

Then, she giggles.

“Bakit?”

“There’s one left.” Eh nasubukan ko na nga lahat eh. Doesn’t she mean, may secret pa siyang binili.

As her fingers snapped, group of girls entered my room.

“Alam ko namang, aayawan mo lahat yan. So I talked to tita to ask na pagawan ka ng gown for tonight” sabi na nga ba!! Kinuntyaba pa si mom.

Wala naman akong nagawa kundi tanggapin ang kapalaran ko na ang mom at bestfriend ko ay and ‘totoong’ mag-best-est friend sa earth.

Yung mga lumitaw na babae kanina ay unti-unti na akong nilalapitan.

“Hey! Cloeh ano ba itong mga balak mo…” they continue to walk toward me.

“Cloeh… grrr…”

Meant to be TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon