Kinaumagahan. Commute ako. Wala si manong drivers. Day off nila pati yung konti naming maids. I called a cab at umalis na. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Brian na hindi siya marunong mag-drive. Matawa-tawa tuloy ako sa cab. Yung driver naman siguro akala, nababaliw na ako.
Mabilis na akong nakarating sa campus. Hindi ko pa nakikita si Cloeh, neither Josh. Kaya punta muna ako sa locker room.
“Hey!” someone called. Si Brian tumatakbo. “Good morning!” then, he raised his fist.
Weird? “Ano yan?”
“Friends na tayo, diba?”
“O ano naman?”
Kinuha niya naman yung kamay ko. Did a fist. “Tawag dito, fist hit” and hit my fist controlling mine, too. “Sign na friends na tayo.”
“Ahh ok.” Slow ko dun ah.
“Mukhang may nagkaka-ayos dito ah” si Josh.
“I smell something fishy!” dagdag na pang-asar ni Clow.
Ngumiti naman ako at parang wala lang. “Bati na nga kami, eh”
“Oo nga” support niya. “Hirap ata kapag laging sinusungitan ni Kyle.”
Tapos nag-tawanan kami.
Hindi na ako nakadaan ng locker room kasi nag-ring na yung bell. Diretso class na kami.
Nagpa-transfer na ng class si Josh sa class namin. Buti nga at pinayagan pa siya.
Hindi ko alam kung anong ginawa niya dun sa masungit na schedule teacher at pinayagan pa siyang mag-iba ng sched at igaya sa amin. Nevermind.
After ng first three subjects, break time na syempre sama-sama na kaming tatlo and also with the new, si Brian. Kabilang na siguro.
Nasa mini park kami ng campus, at para kaming may picnic. Syempre re-review din kami for the next class. May test kami for today. Though ilang beses ko ng ini-memorize yung notes ko, kailangan ko pa ring pakibagay.
“Hi Ms. Kyle!” si Stephen. Kasama ng mga varsity players. Kahit na hindi pa nangyari nung Saturday. Lagi niya akong gini-greet at tinatawag na Ms. Kyle. As usual, dinedma ko lang. Nag-start yun nung tawagin niya akong mister.
Stephen’s POV
“Dude! Mukhang nauunahan ka na ng transferee na yun ah” sabi ni Mike.
Kakatapos lang kasi ng game practice at napadaan kami sa mini park. Napansin ko naman kaagad na nandun si Kyle kasama nga yung transfer student. Hindi ko akalain na magkaka-rival pa ako.
“I have my plans” I winked.
Dinaanan namin sila.
“Hi Ms. Kyle!” I greeted. Lumingon naman siya, smiled pero dinedma pa rin ako. Ganun naman palagi. Tapos umalis na rin kami. I saw the guy’s i.d. His name was Brian Ferrars, matalas ata paningin ko. Maybe hindi ko kailangan ng kahit na anong bad habits for that stupid guy. Mukhang mahina naman at walang laban so patas ang tema ko ngayon.
“Dedma ka pa rin, dude” asar ni Dino. “Bilisan mo baka masira ang history record ng certified heart-breaker.”
“That’s ridiculous!” imposible yan. Hindi pa pinapanganak ang rival ko sa katagang iyan.
Tama! Mukha ngang na-uungusan niya ako but still nasa akin pa rin ang aces na magpapabagsak sa kamay ko si Kyla Claine Montalez.
Balik na naman kami sa practice. It took hours after at matapos ang practice game naming for today. Lahat kami sa team, tambay muna sa court.
“Hoy! Stephen! I saw you last Saturday with Kyle, ah” tsismis ni Peter. “Sa may Leaf Café.”
Pa-easy-easy lang ako habang nag-pupunas ng pawis. “Yun ba?”
“Mukhang mag-seseryoso ka dyan ah” si Dino.
Napatawa naman ako.
“Oo nga naman, Dino. Ikaw na rin nagsabi na certified chickboy itong si Stephen.” Sabat naman ni David.
“Serious for a girl, I don’t think so” sa mga sinabi ko, feeling ko wala na akong karapatan na maging seryoso sa pag-ibig.
Nanahimik naman kaming lahat.
TAHIMIK! TAHIMIK!
Binasag naman ito ni Jerick. “Paano kaya kung mag-pustahan tayo?”
“You mean, pustahan between Steph and Kyle?” palinaw ni David.
“Oo. Kapag nayaya mo si Kyle sa prom at napasagot mo siya…” napatigil siya.
“Anong reward ko after?”
“Ano bang pwede?”
“Black brand new sports car mula sa team pero kapag talo ka, isusuko mo ang pagka-MVP mo.” sabat ni Peter. “Ano deal?!” yun lang ba?! Sisiw lang sakin ang lahat.
“Deal!” sagot naming lahat.
Nag-ayos na kaming lahat para maka-alis ng ng gym. Bigla naman akong nilapitan ni Dino.
“Sana hindi ka nagkamali sa plano mo” bulong niya. “Sige, una na ako!”
Umalis na nga siya at naiwan ako mag-isa sa gym. May punto siya pero bahala na. Sabi nila hindi naman natin hawak ang hinaharap. Ang alam ko lang dapat mapasagot ko si Kyle.
BINABASA MO ANG
Meant to be Together
RandomMeant to be Together written by mr.whize Copyright © 2011 mrwhize. All Rights Reserved. No part of this story either text or photo may be reproduced, copied, modified, or by any means, without indicated permission in writing from the author.