Chapter 4: Slept With Him
Facebook page: Nicksnix wattpad
Alex's POV
Tiningnan ko siya habang lumabas siya sa cafe. She changed. Ang dami nagbago sa kanya. Totoong gumanda siya ng todo na parang isang dyosa. At totoo rin na masungit na siya. She's cold. Ganyan naman ang pagkakilala ng mga tao sa kanya diba? Pero hindi ganyan ang pagkakilala ko sa kanya.
"Alex, kukuha muna ako ng towel sa kotse." Ang sabi ni Jeri at lumabas rin sa cafe.
She changed. She changed. She changed. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko because I was the one who did it to her. Ako ang may kasalanan dahil hindi ko tinupad ang pangako namin at dahil iniwan ko siya.
Pero mahal na mahal ko parin siya hanggang ngayon. Mahal ko parin siya at hinding hindi ito magbabago. Oo, I felt joy nung nakita ko siya ngayon. But seeing her like that is sad because I know that im at fault.
Kung hindi niyo lang alam, araw araw ko siyang sinusulatan sa america. Binibigyan ko siya ng letter araw araw for 6 consecutive years. Pero wala naman palang nagbago.
Flashback
"Macy ano bah! Paulit ulit kong sinasabi na hindi kita mahal! Bakit mo ba akong pinipilit na mahalin ka?! Mahirap ba intindihin yun?!"
"Dahil mahal kita Alex! Mahal kita.. Huwag ka ng bumalik sa Nicole na yun."
"Kaya mo ba ako dinala dito?! Kaya mo ba ako sinama!"
Binitawan niya ang kamay ko at napaupo sa sahig. Ngayon iiyak siya. Ngayon pa siya iiyak? Ngayon pa niya tatanggapin na hindi ko siya mahal? Pero hindi ko naman talaga siya minahal at matagal na. Akala niya na magkakaroon siya ng pag-asa at mamahalin ko siya? Bullsh*t.
"Sabi mo susubukan natin? Pero hindi nga eh Macy! Baliw ka na! Hindi kita mahal! Matagal ko na ito sinasabi sayo pero ayaw mo tanggapin! Kaya aalis na ako!" I was about to leave the room pero sumigaw nanaman siya.
"SIGE FINE! LEAVE! Pero san ka nanaman pupunta? Para magpadala nanaman ng sulat kay Nicole?! Hindi ka talaga marunong sumuko anoh? Hindi ka na niya mahal! Ni isa hindi ka niya pinadalhan ng sulat dahil hindi ka niya na mahal!!"
I stopped. Yeah, it hit me. Tama naman siya. Hindi na niya siguro ako mahal. Ive been continously giving letters for 6 years pero hindi parin siya nagpapadala kahit isa. Siguro nakalimutan niya na ako, ako ang may kasalanan eh.
"Im leaving America. Im going back and dont stop me neither follow me." I said and got out of the room.
Mahal kita Nicole. Pero siguro hindi mo na nga ako mahal. Ito na ang huling sulat na ipapadala ko sayo. Kung naghintay ka ng more than 2 years mas nakakapagod maghintay ng 6 years. Pero hindi naman kita masisisi.
A tear came out of my eye.
Present
Kailangan ko nga siyang kausapin. Kailangan kong humingi ng tawad. Pero yun naman talaga ang ginagawa ko for six years. Ewan ko ba, hindi niya na siguro maalala.
"Alex okey ka lang bah?" I came to my senses at napatingin kay Jeri na basang basa parin ang buhok.
"Oo naman. Ikaw ba? Hindi ka nalalamigan?"
"Nope. Salbaheng babae yun." Ang sabi niya habang pinapatuyo ang buhok niya gamit ng towel. Umupo siya sa tabi ko.
"She's really out of her mind Alex. Mahal mo pa ba talaga siya? Hindi niya alam kung anong pinagdadaanan mo. Tapos wow ha. Kababago lang niya dating sa Pilipinas tapos yun ang gagawin niya sayo?!"
BINABASA MO ANG
Revenge Is Sweet (COMPLETE)
RomanceA sequel to I Hate My School Life Book: Revenge Is Sweet. After how many years of suffering at paghihintay, a story was revived. When everything was falling apart, she was left alone. She waited, but no one came back. And when everything has changed...
