Alex's POV
"Ano na ba ang nangyayari sayo Alex?!"
Wala na akong pake. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.
I combed my hair using my fingers.
"Alex umayos ka!"
Napuno na ako sa kakasigaw nila sakin. Eh pano naman kasi, pano ako aayos ha?! Ngayon wala na si Nicole sa tabi ko.. wala na siya.
Wala na ang taong makapagpapasaya sakin. Anong silbi ng buhay ko? Anong silbi ng buhay ko kung wala siya. Kung wala na ang taong minamahal ko.
I slammed the table.
"Ano ba Mizuka! Tumigil na kayo! Hayaan niyo naman akong maging malungkot sa pagkawala ni Nicole! Ba't di kayo umiiyak ha?! Ano bang problema niyo! Wala kayong awa noh?!"
Mizuka pulled a chair beside me.
"Alex.. hindi sa ganon. Sa tingin mo gusto ni Nicks na maging ganito tayo? Y-yung, ganito ka? Hindi niya ito gusto Alexander. Huwag kang umiyak please, for her sake."
Tiningnan ko lamang si Mizuka, namumuo na rin ang mga luha sa mata niya.
"I-I can't.." Mahina kong sabi.
I clenched my fist.
Ba't ba ganito talaga ha? Why should this happen?! Bakit kailangan niya pang mawala sakin?! Bago lang kaming kasal.. hindi pa kami nakakabuo ng pamilya. Bakit?
Why does it have to be her huh? Ba't di na lang ako, bat't di na lang ako..
Sinuntok ko ang aking dibdib, nang paulit ulit.
"Alex.." Sinubukan ni Mizukang pakalmahin ako ngunit hindi ko magawa.
Why? Ba't ang sakit sakit. Ang sakit sakit pala mawalan ng minamahal. Bullshit. I can't take this anymore.
Another tear escaped my eye. Sinuntok ko nanaman ang dibdib ko.
"WHY DOES IT HAVE TO BE HER?!"
Sabi ko habang tinatamaan ang dibdib ko nang paulit ulit.
"Alex! Tama na!"
Dumating sina Kim at sila Gaby, Jeri at Sheen sa kwarto namin ni Nicole.
Oo, kwarto namin.. pero hindi na ngayon.
"Alex please!"
Pinigilan nila ako sa pagsusuntok sa sarili ko.
"No! Please let me h-hurt myself.."
Hinawakan ni Kim ang mga kamay ko. Nagpupumilit akong makawala.
Ba't ba sila ganito? Okey lang ba para sa kanila yung namatay na si Nicole? Ang mahal ko?
Isang buwan na nang nawala na siya. Pero parang okey lang sa kanila? Ngunit hinding hindi para sakin.
"Stop! Please let me!!" I begged them.
Hinawakan pa rin nila ang nga kamay ko.
Umiyak na ako nang tuluyan. Umiyak na ako. Naramdaman ko ang init ng bawat patak ng luha ko sa aking mga pisngi.
Hey Nicole, masaya ka na ba? Kasama mo na ba si Lord? Wala na bang baboy ang gugulo sayo diyan?
Inisip ko sa sarili ko, hoping that she would answer me. Please I need to hear you.
But there was none. Walang sumagot. Pinikit ko muli ang mga mata ko.
"Alex.." Sabi ng mga kaibigan namin ni Nicole.
BINABASA MO ANG
Revenge Is Sweet (COMPLETE)
RomanceA sequel to I Hate My School Life Book: Revenge Is Sweet. After how many years of suffering at paghihintay, a story was revived. When everything was falling apart, she was left alone. She waited, but no one came back. And when everything has changed...