Facebook page: Nicksnix Wattpad
A/N: THANKS FOR EVERYTHING GUYS AS IN SUPER THANKS FOR READING AND BEING PATIENT. LAST 1 OR 2 CHAPTERS LEFT.
Chapter 29: Confront
Alex's POV
Nagulat ako. Gulat na gulat. Yung hindi makapaniwala. She kissed me. She loves me. And now that she's with me, hinding hindi ko na ito pakakawalan. Para bang lumilipad na ang utak ko sa langit.
"Ano ba gusto mo?"
Tinatanong ko siya ng flavor ng sorbetes. Sabagay dito naman kami nag momol sa park, why not eat ice cream diba.
Momol? As in make out make out lang.
Ang saya saya ko. Sobrang sobra. Parang umaabot na ang ngiti ko sa magkabilang tenga.
"Wag ka na ngang ngumiti. Para kang weirdo."
Natawa na lang ako. Hindi ko mapigilan eh. Ang saya ko lang talaga. Lumapit na rin siya sakin, nakabalik na rin ako sa kanya.
"Huy naghihintay si kuya manong!" sabi ko dahil natatagalan siyang magdecide.
"Gusto ko talaga ng vanilla pero san ka naman makakita ng streset ice cream na may vanilla flavor, cheap kasi ng binibenta niy-"
"Psst. Naririnig niyaaa.." Tinigilan ko siya bago pang malungkot si manong na nagbebenta ng ice cream.
Sabi niya strawberry na lang, nagstrawberry rin ako. Masarap ang strawberry pramis.
Umupo kami sa swing ng park. Kung saan nag away at nagkabati silang dalawa ni Mizuka.
Pero hindi pa rin nawawala ang kilig feeling sa loob ko. Ewan ko ba, hindi ko siya mapakawalan eh. Hinahawakan ko pa rin ang kamay niya dahil na sa kabilang swing siya habang kumakain ng sorbetes niya.
"I love you." sabi ko.
Bigla na lang siyang napahinto sa kakakain. Kumunot noo ko, ano ba naman. Rereklamo nanaman siya? Kami naman ah!
"Marinig ng mga tao at ano ba.." sabi niya nang mahina na parang may tinatagong sikreto.
"Asus," binatawan ko ang kamay niya.
"Ngayon ka pa nahihiya, kanina eh hinalikan mo nga ako nang grabe kulang na lang pumunta tayo sa condo mo at kainin ako- ah!"
Napa-aray ako dahil sa palo niya. Grabe siya, ipinagmamalaki ko lang naman na girlfriend ko siya!
"Psst. marinig nga kasi ng mga tao."
Sumimangot lamang ako. Eh ano ba kami? Girlfriend ko na ata to, baka nakakalimutan niyang hinalikan niya ako.
Edi okay. Kung ayaw niya edi huwag! Nakakainis na siya, bwuisit. Bakit niya ba ako hinalikan?! Ginulugulo lang niya lalo ang isip ko.
"Nahiya ka pa, ano nga ba ako sayo ha?"
Hindi ko na siya pinansin. Tiningnan ko na lamang ang mga batang naglalaro sa playground. Kaso parang walang epek ang pagiging hard to get ko. May pa silip silip na lang akong nalalaman. Kasi parang hindi niya ako tinitingnan.
Ahh, edi bahala siya. Pakipot na kung pakipot. Hindi ko na talaga siya pinansin at inenjoy ko na lang ang sorbetes ko.
Maya maya napansin kong gumagalaw ang kamay niya. Nakikiliti ako medyo, shet ano ba toh! Dahan dahan umaakyat ang mga daliri niya sa braso ko.
"Sorry na."
Hindi pa rin napahinto ang pagkikiliti niya at nakikiliti na talaga ako. Hindi kong mapigilang ngumiti kaya pinipilit ko na lang ang bibig kong hindi. Ano ba to, ba't ba ako nadadala.
BINABASA MO ANG
Revenge Is Sweet (COMPLETE)
RomantikA sequel to I Hate My School Life Book: Revenge Is Sweet. After how many years of suffering at paghihintay, a story was revived. When everything was falling apart, she was left alone. She waited, but no one came back. And when everything has changed...
