Chapter 28: Deeply

226 4 0
                                    

Chapter 28: Deeply

Facebook page: Nicksnix Wattpad

Nicole's POV

What the heck? Bakit ba sila magkasama! Paano?! Siya pang may ganang makipaglandian ha, ah talaga lang. Sarap sabunutan ehhh! Hello?! Nandito ako para makipagbati tapos eto ang maabutan ko, wow lang.

"Will you marry me?"

Actually, WHAT THE ACTUAL FUCK.

Flashback

"Kim hanapin mooooooo! Naiinip na ako!"

Sigaw ko sa kanya while scanning through my social medias. Nandito kasi kami sa unit ni Mizzy, where they are currently living while trying to fix their house and where they had sex, yes.

"Teka lang po mam, di na man ako si The Flash."

I rolled my eyes and continued scanning. Alam ko hindi madaling magtrack ng phone, pero pwede pakibilis bilisan lang?

"Excuse me, bilisan mo. Eh kung mapano pa yung fiance mo sa kalsada sige ka."

Narinig ko na lang bigla ang paglakas ng type niya sa keyboard ng laptop niya sa may mesa. Ayan naman, para sa minamahal. Tae talaga ang couple na to.

Bigla na lang may naktia akong pic sa instagram. Isang random girl lang naman pero yung pic niya, mukhang si Mizuka yung sa may likuran niya. Tinawag ko kaagd si Kim.

"Hooy! Tingnan mo toh dali!!"

Mabilisang lumapit si Kim sa kinauupuan ko. Tapos sabay naming tiningnan ang screen ng phone ko, a girl in a park. Tapos may parang dalawang tao rin sa likod, not minding the other person but I was sure of the person. It's Mizuka.

Park... Teka, familiar ah. Is that what I think it is? Yung malapit sa old house ko?! Kung saan ko nakita ang kapatid ni Xander..

I immediately turned my face towards Kim.

"Kim, lend me your keys."

I realized that I know where she is.

........................

Present

Tapos heto ako ngayon, susunduin sana si Mizuka pero kasama pala ang mokong to?! Ngayon magpro-prose? What a great time. I am not ashamed for slapping him.

"Galing rin ng timing mo noh?" Sabi ko kay Alex na nakaluhod pa rin.

Ngiti lang naman ang sagot niya. Ehehe, SARAP SABUNUTAN LANGYA! Oo, nginitian niya lang naman ako. LANG NAMAN. Na parang okay lang, na parang wala kaming problema at na parang kami lang ang nag-uusap. Ang bastos niya ah! Kami ni Mizzy nag-uusap eh tangina naman!

"HOY, GAGO KA BA?"

"Hindi." Sabi niya sabay ngiti.

HA! Napalakas kong sigaw na para bang frustated. AS in. NAKAKAINIS. ANNOYING.

"Huwag mo nga akong pilosopohin!"

"Hindi naman kita pinipilosopo ah!"

"Eh ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?!" sigaw ko dahil feel k tumataas ng blood pressure ko.

"Nagpro-propose sa taong pinakamamahal ko."

"Hindi pa kaya tayo bati!"

"Hindi na yun importante." WAW.

SABI NIYA HINDI NA RAW IMPORTANTENG MAGKABATI KAMI. NABABALIW NA BA SIYA?!

Ay ewan ko. Baliw na siya! Sonrang baliw! Di ko na maintindihan ang mundo.

Revenge Is Sweet (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon