Chapter 25: Break Up

275 4 0
                                    

Facebook page: Nicksnix Wattpad

Chapter 25: Break Up

Mizuka's POV

Umupo ako sa higaan habang naghihintay kay Kim. I know bago lang kami nagkabati pero heto nanaman siya gumagawa ng gulo. Mahal niya ba talaga ako o hindi? Bakit hindi siya nagpapakita! Hello, monthsarry natin ngayon sir kaya pag di ka nagpaparamdam papatayin kita. Magkamatayan muna tayo!

Ding dongggg..

Tapos tumayo ako bigla, parang baliw na halatang may hinihintay. Binuksan ko ang pinto na may halong pakiramdam na masaya at galit, hindi ko rin alam kung bakit. Pero nawala lahat ng binuksan ko ang pinto. "Mam, flowers po yung inorder niyo po." Delivery man na may dalang bouquet of flowers tapos nakangiti pa. Kainis pati toh ngumingiti wala namang nakakatawa. 

Tinanggap ko na lamang ang bulaklak tapos pumirma sa papel na binigay niya. Ang nakapagtataka lamang eh, wala naman akong inorderng bulaklak. "Hmm?" Nasabi ko sa sobrang pagtataka then tiningnan yung maliit na letter nakapatong sa mga bulaklak. I opened it then ang sabi dun,

"3 words and your mine, I love you. - Soon to be hubby." Napangiti na lamang ako then shook my head. "Hays Kim." ang sabi ko sa sarili ko. Pero hindi pa rin ako masaya kahit ano pa ang gawin niya walang magbabago! 

Umupo na lamang ako sa couch sa may sala then naghintay naman habang tinitingnan ang bouquet. "Bakit pa napakabusy niya this past few weeks? Naghahanap ba siya ng away?" Alam niyo kung anu-ano na lang pinagsasabi ko sa sarili ko. Nakakainip maghintay tapos parati mong inaasahan na magkikita kayo araw-araw pero hindi naman pala. Fiance ko siya o hindi?

Ding dong..

"Ano ba nanaman? Hindi mo alam kung sino ang hinihintay ko kaya huwag kang paas-" Sabi ko papuntang pinto ngunit natigilan ako nung pagbukas ko. Siya na, ang hinihintay ko. Hindi na akong nagpatumpik tumpik pa kundi bigla ko siyang niyakap.

"Yeong.."

"Sinong paasa ha?" Bumitaw ako sa pagkakayap tapos binigyan siya ng masamang tingin pero niyakap ko siya ulit ng mas mahigpit. "Teka," Sabi niya tapos bumitaw siya sa pagkakayap at hinawakan ang mga balikat ko. "Ano nanaman? Gusto kitang yakapi-"

"Tama ba narinig ko? Tinawag mo akong Yeong?" tapos tumango na lamang ako then lumaki ang ngiti niya at niyakap ako pero hindi ko siya niyakap dahil nalilito ako sa sinabi niya. "Bakit?" Sabi ko habang niyayakap ako.

 "First time mo kasing sinabi ang first name ko." Ngumiti na lamang ako at niyakap rin siya pabalik.

"Mag-aasawa na tayo tapos hindi pa kita tinatawag ng Yeong, hindi bat insulto yun?"

Bumitaw siya sa pagkakayakap at sinabi ito sakin.  "Kim man o Yeong kahit san man sa dalawa, mahal pa rin kita kahit anong gawin mo. Pwede ngang baby eh." Tapos kinindatan niya ako. I chuckled then tried to squeeze his butt. Napasigaw siya sa pagkakabila. Kahit kailan nakakaaliw si Kim, namiss ko siya.

"Huy!"ang sabi niya tapos binigyan ko siya ng "bleh" face na mukha then tumakbo. Sinubukan niya akong habulin at napunta na lamang kami sa kwarto ko. Nakahiga ako sa kama tapos siya nasa taas ko. Tahimik lang kaming nagkatinginan, tapos kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari. 

Dapat bang umalis na lamang ako na parang walang nangyari? Go with the flow kung anuman ang mangyari? Or tanungin siya?

"Yeong, a-ano na ang mangyayari?" Tapos he gave me a smirk. "Do you really want me to answer that?" This time I knew what he was going for. I shook my head tapos ngumiti then he covered ourselves with a blanket.

Revenge Is Sweet (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon