A/N: Hi mga kababayan! Itong istoryang ito ay punong puno ng kalandian,kahanginan at kabobohan ni Ella. Sabay sabay nating patayin si Ella echos! Sabay nating subaybayan kung anong mang yayare sa isang Feelingera. Btw madami typos katamad mag edit lam niyo yun? Haha. Enjoy mga kabebe. 😍
******
Dear Diary
Bakit ganoon? Ang ganda-ganda ko? Pero hanggang ngayon wala pa din' akong boyfriend? Yung mga tao kasi dito mga mukang bisugo tapos ang mga amoy parang mga sinaunang tao kaya ayoko sa mga manliligaw ko dito.Hindi ko sila type.
Isa lang naman Ang gusto ko eh.
Ang FafaBryan ko! Siya lang at wala nang iba. BrY4n Lu4nG zH4pHu4t Nu4h! Ang gwapo gwapo niya kasi Diary. Yung pandesal niya sakanyang tiyan. Nakakalaglag panty.Nako pag nakita ko siya sa personal? Ibibigay ko sakanya ang bataan.
Kanina naglalakad ako pauwi sa bahay namin galing kasi ako sa palengke bumili ako nang mga harina.Syempre diary nadaanan ko nanamaman sila Sakuragi sa daanan. Hindi naman sa nag fe-feeling Diary patay na patay sakin tong tatlong bisungot na toh.
"Hi Ella ako na mag dadala niyan" Sabi ni Sakuragi
"Ganda talaga ni Ella. May lima ka ba jan?" Sabi naman ni Vejita
"Wiiitweew! Chix!" Sabi naman ni Abdul Jakali
"Tse! Ampapanget niyo bago niyo makuha ang aking pusong mamon gawin niyo muna ang mga sasabihin ko! Sakuragi ikaw uso maligo amoy kang mandi-mandirigma! Ikaw naman Vejita kumain ka naman nang masusustansya tatlong ubo na lang ata bibigay na katawan mo! Ikaw Abdul Jakali ano yang buhok mo? Di mo-ikinagwapo muka kang bunot! "
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Ansakit nila sa pimples Diary. Ang babaho nila ayoko nang amoy at muka nila kadiri. Nakarating na ako sa bahay kaya inilapag ko na ang harina sa lamesa. At dumiretso na ako sa kwarto ko.
At nakita ko ang lalaking pinakamamahal ko ang pureber ko. Diary tinititigan niya ako habang nakangiti sakin inaakit niya ako Diary.
"Na-miss mo ba ako? Ako kasi na miss kita bebe ko! Pakiss ngaa"
Lumapit ako sa pader at hinalikan ang malaking picture ni Bryan feeling ko naka-slow motion ang lahat Diary at feeling ko dahan dahan din nalalalaglag yung panty ko joke lang diary. ang gwapo gwapo talaga nang Boyfriend ko. Nakadikit lang yung ulo ko sa pader.
"Bebe ko? Bakit ang gwapo gwapo mo? Bagay na bagay talaga tayo Bebe Bryan ko! Gwapo ka maganda ako. Pak na pak."
Hinalik halikan ko ulit yung picture niya sa pader ko. Hindi nakaksawa diary. Gusto din naman niya eh nakangiti pa din siya hanggang ngayon.
"Ehem! Pagtapos ka nang pagsamantalahan si Bryan pumunta ka nang bakery walang tao sa bakery."
Nagulat naman ako sa biglang nagsalita nun akala ko nagsasalita na si Bebe Bryan ko.
"Tita naman! Nakakaloka ka akala ko nagsasalita na si Bebe Bryan ko. Pero Tita diba po pahinga ko ngayon?"
Tinignan lang ako ni Tita kaya napatayo na lang ako at pumuntang bakery. Habang papunta akong bakery. Feeling ko punong puno na yung ilong ko nang kulangot kaya nag dial muna ako.
BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
RandomDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...