**
Dear Diary,Pakiramdam ko ako na ang pinaka magandang nilalang sa balat ng saging! Ay este ng lupa pala,paano ba naman kasi diary ay paker kinikilig pa din ako nu bayan!
Ganto kasi yun diary sandali kinikilig putragis! Maghintay ka pupunitin kita eh. Eto na talaga,sandali na lang talaga! Paksyet,sandali kinikilig pa din ako. Gusto ko tuloy pumunta sa isang sulok tapos makipag usap sa mga tropa kong ipis at daga.
Iba talaga ako kiligin diary para akong hihimatayin sa sobrang kilig! Ganun kasi ako diary,pero hindi ko talaga ma gets bakit hindi ako hinimatay noong sumakay at nakatabi ko si Bryan sa kama. Siguro magaling lang talaga ako magtago ng kilig sa katawan.
Eto na ikwekwento ko na sayo kanina kasi nag practice nanaman sila Bryan ng para sa Prince and Princess Charming an hinayupak na yan' hindi ako pinili para maging pakner ni Bryan,we are bagay pa naman to each other tapos hindi kami pinagpakner! Anyways,itutuloy ko na ang kwento ko para hindi ka na mabitin.
At syempre ano pa bang aasahan mo saakin? Nanood lang naman ako kanina ng practice. Masyadong busy ang paaralan ngayon dahil next week na ang kaechosang nalalaman ni Saitama kaya masyadong walang klase ang ganap. Ang iba naman na estudyante dito ay naglalaboy na kasama ang mga boypren at gelpren nila papunta sa Sogo at magce-celebrate ng New year,chos! At yung iba naman kagaya ko nanonood ng practice nila Bryan.
Habang busy ako sa kakanood at pagpapatansya sa bebe Bryan ko biglang may humarang sa akin na maliit na insekto diary yun ang adviser naman na si Ms.Unanyo.
"Imbis na pagpantasyahan mo si Bryan,tulungan mo na lang kami sa pagdala ng mga kagamitan para sa Prince and Princess Charming!"
Tinignan ko naman ang mukha ni Ms.Unanyo. nakakatakot diary sa kahat ng napanood kong horror movies sakanya talaga ang pinaka nakakatakot eh! Tumayo na lang ako sinundas si Ms. Unanyo. Hanggang sa makarating na kami sa isang room at nakakita ako ng isang box na punong puno ng iba't ibang uri ng papel.
"Ako po ang magdadala niyan Ma'am?" Tanong ko kay Ma'am Unanyo. Pakiramdam ko kasi may galit talaga saakin si Maam Unanyo. Bakit ganoon diary? Lahat ng nagiging teacher ko e,parang may galit saakin? Ganun na ba ako kaganda para magalit sila?
"Oo kung ayaw mo naman okay lang. Sayang ipupunta mo pa sana yan malapit kay Bryan." Sabi ni Unanyo at para akong aso na napanganga na lang. Yung asong gustong gusto ng buto? Yung asong nauulol! Joke lang diary hindi pa naman ako nauulol slight pa lang.
"Talaga Ma'am? Dadalhin ko malapit kay Bryan?" Ang saya saya ko kasi mapapalapit nanaman ako kay Bryan ko! Tadhana na ang gumagawa para magkalapit kami so it means na mean to be kami para sa isa't isa? Ayjusme! KiligAkow!
"Oo kung bubuhatin mo iyan papuntang stage. At huwag mo basta basta bibitawan at ilalaoag kung saan saan iyan." Ngumiti naman ako at agad na kinuha yung isang kahon,diary kahit mabigat tiis ganda lang tayo para toh kay Bebe Bryan kaya,kayang kaya ko to!
Naglakad na kami palabas ni Unanyo at pabalik na ulit kami sa gym at nakita naman ako ni Nikko nun na nagbubuhat ako ng isang kahon na sobrang bigat. Kaya nilapitan niya ako.
"Oh Ella? Bakit ikaw ang nagbubuhat niyan? Ikaw na ba ang bagong janitor ng paaralang ito?" Tanong niy saakin.
"Abnormal ka ba? Itong gandang to pang janitor lang? Hindi ba pwedeng tagadilig muna? Chos haha." Ngumiti na lang ako diary kahit pesteng bigat na bigat na ako.
"Nahihirapan ka na Ellapot. Ako na ang magbuhat niyan." Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Paulo na nakapamulsa at nilapitan ako at humarap kay Nikko.
Akala ko pa naman TUTULUNGAN NIYA AKO DIARY KASI DIBA SABI NIYA SIYA NA DAW ANG MAGBUBUHAT? Eh kaso diary langhiya,echos lang pala.
"Ikaw naman pre,kinausap mo pa talaga? Dapat kinuha mo na kaagad diba?" Maangas na sinabi ni Paulo kay Nikko at hawak ko pa din ang kahon na sobrang bigat. Nakatanga lang ako sa kanilang dalawa. Diary lesteng dalawang to walang balak ata akong tulungan.
"Huwag mo nga akong pangunahan! Gagawin ko naman yun kung hindi ka lang nagmagaling!" Maangas din na bulyaw ni Nikko kay Paulo. At napansin ko namang nagtitinginan na ang mga tao.
"Ang yabang mo ah! Bakit sino ka ba ha?!" Sigaw ni Paulo at kwinelyuhan niya na si Nikko at mukhang magsusuntukan pa ata sila. Magsusuntukan silang dalawa diary habang ako ay hirap na hirap sa pagbubuhat ng isang malaking kahon. Pwede ba munang tulungan muna nila ang dyosa bagonsila mag boxing?
"Eh taenamopala! Mas mayabang ka!" At tinulak na ni Nikko si Paulo kaya medyo napaatras si Paulo at ako naman ay hirap na hirap na sa pagbubuhat. Nagtulakan na sila kaya medyo nababangga na ako at na out balance ako dahil nabangga ako nila Paulo.
"Syeeet!!!" Sigaw ko at hinihintay ko na lang na mabagsak yung bewang at madaganan ako ng kahon na dala ko pero wala akong naramdamang sahig na pinagbaksakan ko. At nakaramdam lang ako ng mahigpit na paghawak sa braso ko.
Inilalayan niya naman akong makatayo ng maayos at humarap ako sakanya at kinuha niya yung kahon at inilapag. Napatitig lang ako sakanya habang nakatingin lang din siya saakin.
"Oemge! Ano bang meron siya? Bakit siya ang nilalapitan ng mga fafa natin? "
"Yuck! Kadiri!"
"Nakakainis siya!"
"Una si Paulo then Nikko tapos pati si Bryan?!"
Yan ang mga naririnig ko sa paligid pero wala akong pakialam sa mga sinasabi nila basta ang alam ko,nakatayo sa harap ko si Bryan habang nakatingin lang din saakin at ramdam konyung kabog ng puso ko diary.
At mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko ng bigla niyang hinawakan ang braso ko at inilagay niya nanaman ako sa likod niya.
"Hindi ko alam kung parehas kayong nagbobobohan o bobo lang talaga! " Sigaw ni Bryan kanila Paulo na ikinagulat nilang dalawa pati ako diart nagulat pati na din ang mga tao dito diary.
"ANONG SABI MO?!"
"WHAT?!"
Sabay na sigaw nila Paulo kay Bryan dahil kaperahas namin hindi namin inaasahang sasabihin ni Bryan ko sakanila iyon. Ikaw diary pag sinabihan ka ni Bryan ng bobo o nagbobobobohan ka. Anong mararamdaman mo? Wag ka na lang mag react nuh? Totoo naman kasi chos.
"Bingi ba kayo o nagbibingibingihan lang?! Bago kayo nagaway dapat inalala niyo muna yung babaeng nahihirapan! Mag aaway lang kayo tapos hinayaan niyo na si Ella?? Anong pagpapabobo yan?"
Kinuha naman ni Bryan yung kahon at hinila ako. At nagkatabi kami ni Bryan dahil hinihigit niya ako papalapit sakanya pero hinarang kami ni Nikko.
"Pre ako ang naunang nagalok ng tulong kaya ako na ang magdadala." At inagaw naman ni Nikko ang kahon kay Bryan. At dumating naman si Paulo at nakapamulsa. "Pre! Itatama ko lang pagkakamali mo! Hindi ka nagalok ng tulong dinaldal mo lang siya at ako ang unang nagalok kaya ako ang magbubuhat." At inagaw din ni Paulo kay Nikko ang kahon.
Napatingin naman ako kay Bryan at seryoso lang yung mukha niya. "Ako naman yung hindi bobo kaya ako ang magdadala!" At tuluyan ng kinuha ni Bryan yung kahon at hinila na ako.
"Pre! Kahon lang ang kinukuha diba?!" Sigaw ni Nikko kaya napatigil si Bryan sa paghihila saakin at tumingin saakin sabay ngumiti at tumingin kanila Paulo.
"Sorry! Nagpakabobo kayo,so the box and Ella are mine."
Para bang tumigil sa pagikot ang mundo ng biglang sabihin iyon ni Bryan at hatakin ako. Hanggang ngayon diary hinfi pa din ako maka move on sa nangyare saamin kanina,para akong nilulusaw sa sobrang kilig.
Ps. Nandun lang ako sa tabi ng stage habang nag pra practice sila Bryan bebe ko.Malapitan ko siya na napapanood! At halata namang inis na inis na saakin si Karen. wapakels haha!
-Ella
BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
RandomDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...