Dear Diary
Nakakabwisit talaga yung mga lalaking yun. Yan tuloy napapunta ako sa Clinic nang wala sa oras. Gawin daw bang ring yung muka ko? Basta pag niligawan nila ako? Isa isa ko sila ibu-busted. Sure naman akong liligawan ako nang mga hinayupak na yun. Pero sorry na lang sila hindi ko sila type.
Pumunta na ako sa room namin at pumunta na sa upuan ko.
"Girl anyare sa face mo? Anlaking pimples naman niyan." Sabay turo niya nang bukol ko.
"Eh yang pagmumuka mo anyare din? Pinaglihi ka ata sa sama nang loob eh!"
Langhiyang baklang toh. Akala mo kung sinong maganda kung maka-echos nang face ko. Mas maganda ako sakanya no. Andaldal nang duwendeng teacher namin diary. Gusto ko na ngang lagyan nang scotch tape yung bibig.
Nakatulog na ako sa sobrang daldal niya kaya nagising ako uwian na. Kinuha ko na yung bag ko at tumayo na. Nakita ko namang natutulog pa din si Bryan.
Nagsilabasan na silang lahat pati yung unano kong teacher. I-lock ko na kaya ang pinto at sunggaban ko na tong si Bryan. Charot lang. Nilapitan ko si Bryan at kinalabit. Kaya nagising siya.
"Hi Be-ay este Bryan hindi ka pa ba uuwi?" Tinignan niya lang ako tumayo na.
"Bryan! Bakit mo naisipang lumipat nang school?"
Pero hindi niya pa din ako pinapansin.
"Uhmmm Bryan bingi ka ba? Pipe ka ba?"
Bigla naman siyang tumigil at tinignan ako. Lumapit na siya sakin kaya napaatras ako. Hanggang sa naramdaman kong pader na yung nasa likod ko pero papalapit pa din siya ng papalapit. Alam ko yung mga eksenang ganto Diary. Yung kokornerin nang lalaki ang babae sabay hahalikan. Humaygawd.
Nilagay niya yung kamay niya sa pader para hindi ako makatakas. Symepre hindi talaga ako tatakas kahit hindi niya ilagay ang mga kamay niya dun hindi ako tatakas.
"Hindi ako binge naririnig kita. At lalong hindi ako pipe nagsasalita ako. Hindi ko lang talaga kinakausap ang mga katulad mong takot sa tubig at takot sa suklay. Tsaka diba ikaw yung babaeng muntikan namin masagasaan? "
Ay syet oo nga pala. "H-hindi ako yun."
"Talaga?" Mas lalo niya pang nilapit yung mukha ko sakanya Diary. Hokage din pala itong bebe ko, mana sakin.
"Oo nga! " pagsigaw ko.
Kinagat niya yung labi niya at lumapit na yung mukha niya sakin. Shutanginerns handang handa na ako sa mangyayare samin peksman. Handa na akong maging batangina basta si Bryan ang ama. Sorry diary mukang spg ang next. Hihi
Ngumuso na ako at nakapikit ako. Pero bakit antagal? Paksyet baka maging si Empoy nanaman to. Minulat ko na yung mga mata ko at shutanginerns. Wala na siya Diary.
Para lang pala akong tanga dito na naka nguso. Inayos ko na ang sarili ko at naglakad na. At nakita ko pa siyang pababa sa hagdan. Siguro kaya hindi niya ako hinalikan muna para sa tamang panahon. Pak ganern. I love you na talaga Bryan!
Naglakad lang ako pauwi para tipid. Pero hindi pa din talaga ako maka move on sa muntikang kissing scene namin. Shutanginers kasi nang author hindi pa kami pinagkiss. Nakauwi na ako at diretso kwarto ko at nakita ko nanaman si Bryan.
Ang gwapo niya talaga. Hindi na ako magtataka kung habulin siya nang babae at bading kasi sobrang gwapo niya. Tumingin naman ako sa mukha ko sa salamin maayos ayos na ang mukha ko kaso nga kang yung bukol ko. Hinayupak na yan.
BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
RandomDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...