**
Dear Diary,
Naloka ako sa last chapter hindi nauso ang space sa last na chapter. Hindi kasi uso sa napakamagandang author ang spacing pero wag kang mag alala diary,sinabi ko na sakanya na you want space. Kaya ihahampas niya sayo ang buong keyboard, chos.
Kanina nga pala nakasalubong ko si Bryan habang humihikab siya nalanghap ko pa nga yung hininga niya at amoy kangkong,nakuh! Siguro ulam niya kanina ay kangkong. Hinarang ko naman siya nun dahil nga isang linggo na siya hindi namamansin diba? Nasasaktan ang bebe heart ko jusme.
Para bang nadudurog sa tuwing makikita ko ang facebook niya na nag online siya pero di niya man lang ako kinakausap. Diba nakakatampo naman iyon. Diba dapat pag nililigawan ka ng isang lalaki,dapat lalaki ang unang gumagawa ng paraan?
At dahil hindi niya nga pala ako nililigawan hindi niya ako kinakausap o kung ano man. Hindi niya din ako tinetext,gusto ko naman mag txt sakanya kaso baka hindi niya ako replyan. Konti na lang talaga ibabato ko na kay Bryan ang Nokia 3210 ko,pupusta ako ulo ni Bryan ang mawawasak at hindi ang cellphone.
Kanina naman noong nasa classroom kami ikwekwento ko sayo ang nangyare diary,baka pati ikaw ingudngod si Karen sa putik. Pero chill ka lang ha?
Ganto kasi yam,nakikita kong katabi pala ni Karen ang bebe ko at parang tanga na lapit ng lapit kay Bryan sabay lilingon kay Paulo at Nikko,ansarap hampasin ng patola. =_=
"Breyen,pwede me be ekeng telengen dete se meth ke? Hende ke telege meentendehen pleees." Pabebeng sinabi ni Karen,wengyang Karen na ito nagmana ata sa author. Puro pagpapabebe lang ang alam.
Nako nako! Ilayo niyo talaga saakin yang si Karen Paspas baka masapak ko yan. "Breyen! Eng geleng geleng me nemen se meth! Nekekeenleb ke telege!"
=_= jusme! Itong si Karen talaga walang kasing kapal ang libag sa pagmumukha! Nabibismud tuloy ako ang aga aga. Ito namang teacher namin tuloy tuloy kang sa pagkwekwento ng talambuhay niya,naknangtokwa!
"Alam niyo ba ang anak ko? Sumasali yan sa mga palaro sa school nila,katulad ng chinese garter at natatalon niya iyon! Proud na proud nga ako sa anak ko." Tignan niyo? Anong kinalaman ng anak niyang nakakatalon sa chinese garter sa HISTORY NG PILIPINAS?!
Bakit ninuno ba ang anak niya para ikwento niya saamin ang kagagahan ng anak niya? Kwento ng kwento wala namang kinalaman sa topic namin. What kind of teacher, errr!
O pakyerns! Panis ka nanaman Diary nakapag ingles ako. Sabi naman saiyo Diary beauty with brains ako! Pake ganern. Binaling ko naman ulit ang tingin ko kay Karen at napahawak ako sa lapis ko at tumayo ako at tinusok iyon kay Karen charot! Hindi ganun ang nagyare diary,hindi naman ako mamatay hayop nuh ay este tao pala. Sorna,
"Can you please shut up ? Kahit limang segundo lang?" Rinig kong sinabi niya kay Karen kaya nathimik ang bingot na si Karen,yan kasi napakaharot! Hahaha buti nga sakanya.
"Okay get one whole sheet of paper!" Rinig kong sigaw ng teacher namin! O.o SERYOSO?! MAY QUIZ?! Ano naman ang isasagot ko sa mga katanungan niya? Ang pagtalon talon ng anak niya sa chinese garter? Ang pagiging seaman ng asawa niya? Tokneneng naman oh.
"Okay! Number one,who is the first president of the Philippines?"
Nako! Ayan pa ang tinanong eh hindi naman kami close nun,tskaa hindi kami friend sa facebook at lalong lalo na hindi kami textmate. Malay ko ba kung sino?
A. LapuLapu
B.Tilapya
C.Bangus
1. LapuLapu
Yan na lang sinagot ko hindi ko talaga kilala eh,bobo kasi ng teacher namin diary naiirita ako. Magtatanong ngnganyang kahirap eh puro anak,asawa,anak ulet at asawa ulet ang ikwinekwento niya. Kukang na lang gumawa ng sariling libro at iyon ang ituro niya tungkol sa pesteng buhay niya.
"Number two,ano ang pambansang laro ng Pilipinas?"
Ay ayan alam ko yan! Ang laging nilalaro ng anak niyang dugyot.
2.Chinese Garter.
Yes may one point na din ako diary,buti naman at dinalian niya ang isang tanong. Hayyss. Medyo kumikirot na ang maliit kong utak nakngtokwa!
"Number three sino ang ating pambansang kamao?" Tanong ng teacher namin. Napakamot naman ako sa ulo dahil hindi ko kilala kung sino iyon diary eh. Nakakbadtrip talaga.
"Diba si Manny Pacquiao?" Rinig kong tanong ng isang lalaki sa katabi niya at tumango naman ito, nako buti na lang naglinis na ako ng tenga at naririnig ko na ang mga kaganapan. Kaso potakte,hindinko alam ang spelling.
A. Manny Pacquiao
B. Mane Pakyaw
C.Marle Pakyerns
D. M4nNy P4kY4w
3.M4nNy P4kY4w
Ngumiti naman ako ng nakasigurado na ako na may dalawang puntos na ako. Talino ko talaga diary, DoNt m3xsz wItH tH3 bHoxz. Hihi :>
"Number four! Okay ito pang miss universe, Sino ang babaeng nagkamit ng titulong Miss Universe noong nakaraang taon? " sabay ngiti ng teacher ko. Ay weh? Nakuha ko na ba? Eh hindi pa nga ako sumasali? Imbento tong Teacher namin. Sarap kurugan sa lungs,
Pero kailangan may maisagot,dahil imbento ang tanong magiimbento na lang din ako ng sagot. Naalala ko naman noong nanood ng basket ball sila Sakuragi sa bahay at meron silang sinigaw na pangalan. Sige ayun na lang.no choise tayo Diary,
4. Lebron James
"Last,pag kayo ang naging presidente ano pa ang idadagdag niyo na batas dito sa Pinas."
Bigla naman ako naoangiti sa naisip ko,ang brainy brainy ko talaga diary! Kaya nga nagtataka ako bakita nasa last section ako. Pero dahil inggit nga saakin ang teacher ko dati kaya napunta ako sa last section,pero oks lang andito naman ang nag-gwagwapuhan.
Juskoday! Nalaman lang nila na last section ako nagpuntahan na sa last section,jusme! Isa isa lang ang tinatanggap kong manliligaw ehh! At dahil lahat sila gwapo,pwede namang pagsabay sabayin diba diary? Hihihi!
5.Ang ipapatupad ko ay A MUNA BAGO B or Aral muna bago bukaka na batas,because many teen ager got pregnant in young age. Because they choose to bukaka not aral. And also i want to establish that when you have a crush dapat your crush is crush ka din. Hihi <3
-bHoxZ 3lL4 mU4pAgmUah4l 24
Agad ko namang pinasa sa unahan ang papel ko dahil proud na proud ako sa sagot ko diary,syempre nag ingles ako dun kabog ang teacher ko. Hanggang diyaan na muna diary akoy inaantok na talaga tsaka hidni din naman ako pinansin ni Bryan buong magdamag.
Kasi naman natotorpe pa! Nakakaasar,kung sinasabi niya kaagad na mahal niya din ako edi sana rakrakan na diba? Nako ang landi ko nanaman nakakahiya sayo diary. So bye na muna diary.
Ps. NANINIWALA KA BA SA 11:11 DIARY? ANG WISH KO SANA MATAPILOK AT GUMULONG GULONG AT MABALIAN NG PAA SI KAREN AT PERLA. YUN LANG GOODNIGHT <3
Mu4p4Gm4Hal 24,
3LL4

BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
RastgeleDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...