Si 13

30 3 0
                                    


***

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad dahil gusto ko taalaga makita ang bahay ni Empoy. Malay ko ba kung anong klaseng tao yung si Empoy.

Baka mamaya aswang!

"Ate? Saan po ba ang bahay ni Empoy?" Tanong ko sa babaeng naninigarilyo.

"Empoy? Walang Empoy  dito miss."

"Nako! Ate baka hindi niyo lang kilala basta medyo matangkad! Mabaho,madumi tapos panget."

"Nako! Miss pasensya na talaga pero wala talagang Empoy na nakatira dito. " tumayo naman ang babae at pumunta na sa mga nagsusugal.

Pesteng Empoy na yan saan bang lupalop ng Pilipinas nakatira yung bisugong yun? May bahay ba yun? Nako! Baka batang gala lang ang isang yon. Nakakaawa naman.

"Ella" Luumingon naman ako at nakita ko si Empoy.


"Uy Empoy! Saan ba ang bahay mo? Hindi ko makita eh!"

"Bakit mo pa kasi hinahanap yung bahay ko?! Wala akong bahay! Ano masaya ka na?" Sigaw niya.

"Hoy Empoy! Wag mo ako masigawsigawan hindi mo lang alam ang nararamdaman ko pag sinisigawan mo  ako!"

"Bakit Ella? Nasasaktan ka ? sorry na lalabs."

"Kung hindi ka naman kasi ubod ng pagiging feeling! Ang nararamdaman ko kapag sinisigawan mo ako ay galit! Bakit galit? Kasi pakiramdam ko lahat ng lawaay mo nasa balaat ko na! Talsik mo lumalaway."

"Mali ka lalabs! Laway mo tumatalsik."

"Gusto mo ikaw ang tumalsik?"

Ngumiti naman siya sa akin at hinawakan ang braso ko at hinila ako papunta sa kung saan at nakita ko ang isang palaruan.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.



"Laro tayo lalabs! Yiiiiee."

Hinila niya naman ako at naglaro kami ng kung ano ano at naghabulan kami at binuhat niya pa ako.

"Lalabs gusto ko lagi lang tayong ganito no?"


"Pwede naman eh. " hinawakan ko yung kamay niya at umikot kaming dalawa habang magkahawak yung kamay naming dalawa.


"Mahal na mahal kita Ella.." Sigaw niya at nginitian ko lang siya.

Natigil naman kami at bumili kami ng softdrinks at chichirya. Pero bigla siyang tumahimik.

"Lalabs? Gusto ko ng sumuko." Napatingin naman ako sakanya at nakayuko na siya.

"Susuko saan? Papakamatay ka na? Wag mo ako idamay mahal ko pa buhay ko."

"Hindi sa ganun. Gusto na kitang sukuan lalabs,sa tagal ng panahong hinintay kita ngayon ko lang naintindihan na hinding hindi ka magkakagusto saakin."

Napansin ko naman na may tumulong luha sa mga pisngi niya. Hindi ko alam pero bakit nakakaramdam ako na gusto kong punasan yung mga luha niya.

"Alam mo Lalabs? Minsan nga na iisip na lang ako sa panaginip ko na mahal mo din ako. Kanina nga eh habang hawak mo yung kamay ko ang sarap sa pakiramdam Ang hirap pa lang hanggang imahinsayon lang pero mas mahirap ipagsiksikan ang sarili sa taong hindi naman ikaw ang gusto. "

Pinunasan niya naman yung luha niya at tinignan ako.

"Sige hindi nga ako gwapo. Hindi din ako mayaman hindi din ako mabango pero lalabs kaya kitang mahalin. Ayaw kitang sukuan para pag sinaktan ka ni Bryan maalalayan kita at matauhan kan andito ako parati...."

Diary Nang Ambisyosang FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon