Dear Diary,
Maloloka ka sa sasabihin ko! At pakiramdam ko hindi ka din makakapagpigil at maiisipan mo ding sunugin ng buhay si Karen sa sobrang kalandian. Ansaya niyang ibaon sa lupa para magsama sama na sila ng mga kamag anak niyang uod. Ewww. Kanina kasi diary pinalabas silang dalawa sa classroom ng teacher naming unano.
Syempre diary nintriga ako! Kaya sumama ako pero wala namang nakapansin saakin na nakasunod ako sakanila,Namern kaya ko kasing mag invisible! Maynkapangyarihan kasi ako bukod sa kilikili power,kaya ko rin maging invisible.
(Ambisyosa:Ay talaga Ella kaya mo mag invisible? O baka naman maitim ka kaya hindi ka napansin. Tsk tsk.)
Paksyet tong author na to bigla bigla na lang sumusulpot,isa pa itong author na to diary,pakiramdam ko magkakampi sila ni Karen laban saakin. Kasi parehas silang pabebe ni Karen ang saya nilang ipatapon sa bundok tralala. At dahil nga sa pabebeng author naiba ang topic kayanibabalik natin.
Nakarating na kami sa gym at nakita ko din duon si Sena at Perla at duon don pumunta sila Bryan,at napagalamanan kong nag practice pala sila para sa Ms and Mr Charming ng bulok na paaralang ito. Habang nanonood ako ng practice gusto kong sugudin si Karen at bugbugin sa harap ng madamibg tao. Naiirita talaga ako sakanya sakit niya sa bangs! Ay wala ng pala akong bangs diary nakalimutan ko.
"May gusto ka nga talaga kay Bryan." Rinig kong boses na nasa likod ko dahil biglang may nagsalita na kung ano sa likod ko habang nanonood ako ng practice. Lumingon naman ako at nakita ko si..
Hulaan mo nga diary kung sino ang nakita ko.
A.Empoy
B.Nikko
C. Paulo
D. Mangkanor
Ang tamang sagot ay B. Andoon din siya kanina habang nanonood akonng practice. Sumonod din pala itong si Nikko sa gym diary akala ko ako lang. "Ano namang ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.
At ngumiti lang siya sa akin' diary ang puti puti ng ipin ni Nikko diary,pareparehas sila nila Paulo na sobrang puti ng ipin. Nakakahiya tuloy ngumiti kapag kasama ko sila. Naknang tokwa,hindi kasi saakin uso ang mag toothbrush. Anyways,pinanood ko pa din ang practice nila Karen at magkaholding hands pa silang dalawa. Eto namang si Karen feel na feel ang paghawak sa kamay ni Bryan ko! Feeling pretty eh mukha namang engkanto. =__=
"Nanonood ka ng practice tapos nagagalit ka,kung ako sayo wag ka na lang manood para hindi ka magalit." Inirapan ko na lang si Nikko diary,dami niya kasing alam at masyado siyang pakielamero,pake niya ba kung nanonood ako diba? Rawr,
"Eh gusto ko manood eh! Tsaka ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong sakanya at ngumiti lang siya saakin. "Wala lang,nakita kasi kita na pumunta dito. Sinundan lang kita."
Ay enebeyen! Pakiramdam ko ang haba haba ng buhok ko sa kilikilinay echos! Mahaba ang buhok ko sa ulo. Pero hindi ko pinaramdam na kinilig ako sa sinabi niya. Paksyet ang hirap maging LOYAL kay Bryan,pinaliligiran kasi ako ng mga gwapo eh! Hirap maging pretty diary. Tsk!
Pagkatapos naming mag talk tinuon ko naman ang tingin ko kanila Karen at ngayon ay napansin na ako ni Karen at breaktime na nila kaya nilapitan niya ako.
"Anong ginagawa ng isang panget dito?" Mataray niyang tanong saakin. Syempre papakabog ba ako? Syempre hinde kaya inirapan ko din siya at tinaasan ng kilay. "Panget? Diba ikaw yun? Oo nga no? Anongbginagawa mo dito?" Mataray ko ding tanong sakanya. Ay nakita ko namang lumaki yung butas ng ilong niya na para bang malalanghap na kaming dalawa ni Nikko.
Tinignan ko naman si Nikko at nakangisi na siya. Hinawakan ko naman si Nikko sa wrist niya at hinila siya. "Tara na nga Nikko,bumaho dito." At lumipat kami ni Nikko ng pwesto kung saan mas kita ko ang my one and only bebe labs ko!
"Bumalik ka nanaman sa pagiging feelingera mo." Sabay pisil niyanng pisngi ko. Feeling close talaga tong si Nikko,pero dahil pogi nga siya diary kebs lang hihi :> Nagsimula na ulit silang mag practice at nagyayakapan na sila ngayon.
PAKSYET! AYOKO NA TALAGA MANOOD NON DIARY DAHIL NASASAKTAN ANG BEBE HEART KONG PATAY NA PATAY KAY BRYAN NA NAKIKITA KONG MAY KAYAKAP SIYANG IBA. ANG SAKIT SA ANIT! HUHUHU!
Tumayo naman na ako non at naglakad na papunta sa malayong lugar at nagmunimuni dahil nga nasaktan ang bebe heart ko sa nakita ko na may ibang kayakap ang Bryan Zamora ko. Para akong nalaglagan ng mabigat na bagay sa paa yung ganun sakit diary. Paksyet kasi niyang Karen na yan,bakit siya pa ang naka partner ni Bryan diary, kung andito naman akong pang Miss Universe ang ganda o walang kokontra,ang kumontra tatapalan ko ng diaper sa mukha. Kung ihahambing mo kasi mas di hamak na mas maganda at mas brainy ako kay Karen. Yang si Karen ang alam lang niyan magpaganda at humarot.
Hindi katulad ko na pretty na brainy pa! At kaya ko mag ingles at magaling din ako sa history ng Pilipinas,Sa math kahit hinfi totoo push na lang. Pero siya pa din ang pinili diary! Ang unfair ng mundo,kung sino pa ang panget siya pa ang napili. Kawawa naman kaming magahanda nuh,laging kinakawawa, hayys.
ANG HIRAP HIRAP TALAGA MAGING PRETTY DIARY! LAGI KANG INAAWAY NG MGA TIPAKLONG MONG KAKLASE. Pagumpugin ko sila eh. Pero hindi talaga maalis sa isipan ko ang nanguare kay Karen at Bryan! Magkayapak sila.
Diary bibigyan kita ng picture ni Karen at pwede bang ipa-salvage mo! O di naman kaya ipakulam mo na din sa mga nununo mo diary,ng mawala na sa buhay ko yang pesteng Karen PasPas na iyan! Patinna rin pala si Perla para ubos ang kontrabida ng buhay ko diary,nakakasawa na kasi sila.
Pero diary mas lamang pa din pala ako kay Karen,kasi ako nakatabi ko na matulog si Bryan ko at may nangyare na nga saamin eh,chos! Kinikilig naman ako pag naaalala ko yung nakatabi ko siya matulog diary. Tapos ang pagyaya niya saakin na sumakay ako sa kotse niya. Bango bango ng kotse niya amoy gwapo! Hihi <3
Hindi ko talaga susukuan ang Bryan Ko diary,kasi papatunayan pa namin ang pureber! Yiee <3 kami lang ang may pureber ng Bryan ko. Hintay hintay lang tayo diary,aamin na din saakin yang si Bryan.
Bryan + Ella = BryElla <3 bOoM pAnIs hihi
T3aM BrY3lLa <3 wUaLaNg tItiBugzZ kami lang talaga ang may pureber! Tignan mo a lang sa ending diary,magkakaroon kami ng many many anak! At masayang pamilya. Pak ganern.
Ps. Si Sena nga pala ang representative ng kabilang section. Kayansure akong mananalo siya sa palahok na iyan! Go S3Na!
Ang future Mrs.Zamora,
ELLA <3
![](https://img.wattpad.com/cover/67796661-288-k191772.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
RandomDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...