Ambisyosa 9

19 4 0
                                    


"Ella? Ella?"

Rinig kong boses ng isang lalaki.


"Ella? Huyy!"


Nagising ako nung bigla niya akong yugyugin ng napakalaks at dahilan ng pagkagising ng puso,laman loob,labas loob chos. Basta nagising ako bigla.



"Ang hirap mo pala gisingin,pero tignan mo kinuhaan kita ng picture,tulo laway hahaha!"


Pinakita niya sakin yung cellphone niyang napakalaki at nakita ko yung mukha ko dun na nakanganga at naglalaway,ang oanget ko pala talaga.


"Burahin mo yann!'' Sigaw ko.


"Eh, bakit ko buburahin? Ang ganda mo nga dito eh."


Sinamaan ko na lang siya ng tingin at hinataw ng unan.



"Burahin mo na kasi yan!"



Ngumiti lang siya at tumayo sabay tingin sa salamin. Inayos niya yung buhok niya pagkatapos ay tinignan niya ako.


"Sama ka sakin?"



"San?"



"Wag dun mainit nga dun eh!"




=.=



"Huy Paulo ang aga aga wag mo ako banatan ng mga makukunat mong jokes. Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising!"



Tumawa naman siya at umupo ulit sa kama.



"Sorry na."



"Tse! Bakit ka nga pala nandito?"


Tumingin siya sakin at bigkang gumapang papunta saakin. Jusko,eto na ba ang spg na scene? Humagad. Ready na ba ako? Sige girls scout naman ako dati kaya laging ready.

"Uy a-anong ginagawa mo?"



"Wag kang malikot."



Tinignan ko lang siya habang papalapit ng papalapit sakin at papakapit ng papalapit at papalapit sakin.


*pak*

O.O


napahawak naman ako sa pisngi ko at ramdam ko pa din yung palad dun ni Paulo. Sinampal niya kasi ako,walangya akala ko hahalikan niya na ako hindi pa pala. Paasa ampupu.


"Aray ko ah! Bakit mo ginawa yun?!"



"May lamok kasi Ella!" Tumayo na ulit siya at inayo ulit yung buhok niya. Yung totoo? Wala na ba diyang ibang gagawin kundi ang tumayo,umupo at magayos ng buhok? Robot ba itong si Paulo at paulit ulit lang din ang ginagawa?



"Tumayo ka na kasi jan,maligo ka na!''



"At bakit naman ako tatayo at maliligo?''




"O sige wag kang tatayo! Humiga ka lang jan habang buhay,pabebe ka pa! Dalian mo na,maligo ka na dahil ang baho mo na!''



Hinila niya ako sa braso ng malaks kaya nalaglag ako sa kama. Yung totoo? May galit ba sakin itong isang to? Kanina pa to ah.


"Dahan dahan lang naman Paulo ang sakit kaya! Jusme." Sigaw ko.



*boooggshh*


Nagulat naman ako ng biglang may inuluwa yung pintuan ko ng mga taong nilamon na ng sistema. Sila Tita at sila Sakuragi.


"Anong masakit anak?" -Tita



Diary Nang Ambisyosang FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon