**
"Ay jusme!" Sigaw nilang tatlo.
Gulat na gulat siguro sila na makita si Bryan na kasama ko. Syempre alam nilang crush na crush ko itong si Bryan diba? Tapos makikita nilang kasama ko.
"Tita,Sakuragi,Abdul at Vejita,nobyo ko po." Bigla naman ako tinulak ni Bryan kaya nag peace sign ako at nag mano kay Tita.
"Biro lang! Tita pwede po bang dito daw po si Bryan matulog? Naubusan po kasi siya ng gas,hinatid niya po kasi ako."
"Hoy Ella! Hindi ka ba nahihiya sa pinagsasabi mo? Nasa harap ka ni Bryan nag fe-feeling ka pa din? Nako Bryan,pagpasensyahan mo na pamangkin ko,napaka ambisyosa."
"Uhmm Tita actually totoo po yung mga sinabi niya,hinatid ko po si Ella pauwi." Magalang na sagot ni Bryan,kaya mas lalo akong naiinlove sakanya ngayon.
"Hinatid mo talaga si Ella?! Aba anong pinakain sayo ni Ella?" -Sakuragi
"Hay nako Sakuragi,epal ka nanaman! Shut up ka na lang." Inirapan ko naman si Sakuragi at inabot na ang tuwalya na ibinigay saakin ni Tita.
"Ella! Kamusta ang isang milyon natin? Makakapag-jollibee na ba tayo?" Tanong saakin ni Vejita. Naalala ko nanaman yung isang milyon na naging bula,paksyet kasi ng master buten at ni yao na yan,UMASA TULOY AKO! paksyet silang dalawa sagad! Umupo naman ako sa sofa at nagbuntong hininga magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Bryan.
"Hindi po totoo ang isang milyon na dapat makukuha ni Ella,Scam po ang tawag duon,niloko lang po si Ella kaya wala pong isang milyon na makukuha,mabuti na nga lang po eh nakita ko si Ella."
"Nako! Anak mabuti andun si Bryan, bobo mo talaga nak." Sabay turo saakin ni Tita.
"Ahh kaya pala mukha kang naluging intsik? Okay lang yan butter luck next time." Sabay tapik pa ni Abdul sa likod ko.
"Butter daw? Bitter kasi!" -Vejita
"Parehas kayong bobo! Bigger kasi." -Sakuragi
Nakita ko namang natatawa na si Bryan sa tatlong hunghang ng Sitio Matae walang titibag sa tatlong ito.
"Paguntoguntugin ko kayong tatlo! Pareparehas lang kayong boblaks! Better luck next time!" Singit ni Tita.
"Ahh ganun ba? Bobo kasi ni Abdul ingles ingles hindi naman marunong!" -Sakuragi.
Sus! Parang siya hindi nagmagaling kanina. Nagmamalinis nanaman tong manok na amoy mandirigma.
"Nako pasensya ka na Bryan sa tatlong iyan,mga bobo ng taon kasi yan. Sige Ella sa kalsada ka na lang matulog sanay ka naman na,chos diyan ka sa salas, tapos si Bryan sa kwarto mo."
Tumango naman ako at ngumiti kay Bryan,pero sa kalooblooban ko naiinis ako kay tita napaka killjoy guusto ko tabi kami eh. Kaya sinimangutan ko naman si Tita.
"Uhmm mas okay po kung tabi na lang po kami ni Ella,nakakahiya naman po." Kumento ni bryan.
O.O tabi kami ni bryan matulog? Tumingin naman ako kanila Sakuragi at nakatingin na saakin at nakangiti sila ng nakakaloko. Kaya nginitian ko naman sila.
"Ang harot mo!" Sabay sabunot saakin ni Sakuragi kaya kinurot ko yung kamay niya at tumayo na ako.
"Ayos lang ba talaga sayo na tabi kayo ng pamangkin ko? Baka i-hokage ka neto habang tulog ka nakuh!" Tanong ni Tita.
"Ay nako totoo yan! Dati ng tabi kami ni Ella nagising na lang ako yakap yakap ako!"-Vejita
Bwisit na mg to! Ilaglag daw ba ako sa harap ng boypren ko? Chos haha! Hindi ko pa siya nobyo mga kabebe paparating pa lang kami dun yiee!
BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
AcakDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...