Buhay 34

29 3 0
                                    


"Ano na? Ano bang gustong idamit sa prom niyo?" Tanong saakin ni Tita. Andito kasi kami ngayon sa lugar kung saan punong puno ng mga naglalakihang dress. Kung ako papapiliin mas gusto kong wag na lang magdamit para diretso kami sa Sogo mag cecelebrate ng new year! Chos.

"Eto maganda to! Eto na lang?" Sabay turo ni Tita sa brown na gown. "Ano Tita? Makikita pa kaya ako sa prom night niyan?" Hindi kasi ako ganun kaputian kaya gusto kong ibahin ang kulay baka kasi sabihin may lumulutang na damit.

"Eh ikaw kasi pinapapili kita tapos hindi ka nagsasalita! "

Hayyy nako ito talagang Tita ko. Syempre nagiisip din ako ng pwedeng maisuot diba? Hindi yung bara bara kung pumili ng idadamit. Hindi kasi ako kagaya ni Tita na pang krungkrung mag damit. Hayys.

Nilibot ko naman ang mga mata ko sa mg gown dito at may nakakuha ng paningin ko! Jonginers,isang gown na butas sa likod at palobo sa bandang baba pero fit sa bewang! Ang lakas naman maka miss universe naman neto.

"Eto Tita! Gusto ko ito."

"Ehh anak yung mga ganyan kasi may pinagbabagayan! Sa tingin mo ba bagay saiyo yan?"

"Oo naman noh! Lahat ng damit bagay saakin kasi pretty ako Tita." Sabay kindat ko kay Tita pero inirapan lang ako nito. Nakuh! Pati ba naman si Tita galit na sa kagandahan ko? Iba talaga ang kagandahan ko nakakaasar!

"Miss eto nga! Gagamitin niya sa prom sa Friday bukas na iyon tapos pwede din bang isali na ang make up." Tinignan naman ako ng babae mula ulo hanggang paa. Yan! Maiinggit siya sa kagandahan ko,maglaway siya!

"Sigurado po kayong eto ang isusuot niya?" Tanong ng babae. Abat ayaw ata ma ipasuot saakin ang gown na napili ko! Hampasain ko kaya ito ng bakyang may takong? Kainis ah.

"Nakuh! Sabi ko nga dito sa anak ko na may pinagbabagayan ang ganyan pero makapal kasi ang feslak niyan kasing kapal ng libro at mataas ang confidence niyan kasing taas ng Mt.Everest,kaya iyan ang susuotin niya."


Ngumisi naman ang babae at napatingin siya saakin at inirapan ko lang siya. "Sige po ma'am, friday ng gabi for her prom! Then make up. 3,999 pesos ma'am.''

At dahil rich kami kumuha agad si Tita ng pera at sinampal sa babae yung money namin chos! Kumuha lang si Tita ng pera at binayad duon sa babae at umalis na kami.

"Iksaytid na ako tita!"


"Ella seryoso ka bang si Bryan ang nagyaya saiyo? "


"Oo naman Tita! Trust is the best policy." Sabay ngiti ko kay Tita pero binatukan niya naman ako. "Aray Tita! Bakit mo naman ako binatukan!?"

"Ang bobo mo eh! Honesty is the best policy ayun ang tama! Saan mo naman napulot ang trust is the best policy?"



"Ay! Ewan ko din po Tita baka diyan sa tabi tabi."



"Kitam? Si Bryan yayayain ka na maging date sa prom? Sa kaengotan mong yan? Sa kabantutan mong yan? Sa kadugyutan mong yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Tita saakin,

"Ay? Ang echos mo Tita! Hindi naman ako engot ah,im brainy kaya and take note pretty din ako! Kaya siguro niyaya niya ako na maging ka date sa prom!"

Nag poker face naman si Tita at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad habang naguusap. Madami kaming pinaguusapan tungkol kay Bryan at kay Nikko. Nagulat si Tita sa nalaman niyang magkapatid si Bryan and Nikko at mas lalo siyang nagulat noong sabihin ko na si Nikko ay may gusto saakin. Syempre talagang magugulat iyon dahil pinagaagawan na ako.

Ngayon na kasi na rerealize ang gandang aking tinataglay at tinatagong lihim sa loob ng madaming panahon! Pak ganern <3 Iba talaga ang dating ko sa mga boys,kaya sadyang pag aagawan talaga nila ako. Well pretty eh.

"Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo anak?!"


"Mukha ba akong hindi seryoso? Namern! Seryoso ako Tita." At ngumiti ako kay Tita ng pabebeng ngiti,triny ko lang naman kung bagay saakin yung pabebe smile. At dahil nga pretty ako,nakngtokwa! Bumagay <3



"Baka naman ginayuma mo yung dalawang lalaking iyon nak' masama yung ginawa mo ha! "



"Ay grabehan ka naman Tita! Hindi naman ako mangkukulam para mang gayuma noh! Tsaka wala naman akong ginagawa para magkagusto sila saakin pero nagkagusto pa din sila saakin."



"Kasi nga ginayuma mo nga!"




"Ang bitter mo naman Tita! Wag mo nga akong igaya saiyo Tita,alam naman nating lahat na ginayuma mo lang si Tito Mat kaya pinakasalan ka,dibadiba? Kasi naman dati siguro para kang babaeng kakatakas ng mental sa kabuangan!"


Inirapan lang ako ni Tita at naglakad na lang kami ulit pauwi ng bahay at naabutan nanaman namin sila Sakuragi sa labas at nagtatawanan sila kaya umupo naman kami ni Tita sumandali para makitawa kanila Sakuragi.


"Oh anong meron? Bakit ang saya ata ng mga tambay ng Sitio Matae?" Tanong ni Tita.


"Kasi naman Ka-Chimpang,nakita namin si Kikay at si Mangkanor kanina,ang happy happy nila tapos etong si Abdul parang namatayan ng sampung ninuno! Hahahahah." Tawa nilang dalawa ni Vejita.


"Ka-Chimpang pabalikin mo na si Kikay ng buhay ko! Hindi ko kayang wala siya." Pagmamakaawa ni Abdul kay Tita.



"Hay nako Abdul mag move on ka na diyan kay Kikay! Wala ka naman mapapala duon! Hindi naman naliligo iyon,anong ipapamana at ipangdadagdag niya sa pera niyo kung sakaling magkatuluyan kayo? Nakuh! Libag lang ang maiiaambag noon." Sabi ni Tita kaya nagtawanan namn kaming tatlo pero ganoon pa din si Abdul.



"Abdul ano ba?! Huwag ka ngang magpakabaliw sa Kikay na iyon. Madami pang iba diyan,huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw naman saiyo!" Sigaw ko.


Nagtinginan naman silang tatlo saakin. "Lakas mong makahugot ah? May pinagdadaanan ka ba?" Tanong ni Vejita saakin.



"Wala noh! Sinasabi ko lang naman ang katotohanan kay Abdulbat kung maaari isasampal ko pa sakanya! Magsipag ka kasi Abdul para magustuhan ka ng taong nagugustuhan mo hindi yung nakaupo ka lang diyan at pinagmamasdan siya. Ano masarap bang pagmasdan na nakuha diya ng iba?! "


Jonginers! Bakit ang lakas kong makahugot? Anong nangyayare saakin? Hindi kaya ipinakukulam na ako nila Karen? Jusko! Sana naman hindi. Ipapasalvage ko talaga yung dalawang butiking oabebeng mga yun! Tumayo na ako dahil sumasakit ang puson ko.



At nag cr naman agad ako at pagihi ko. CONFIRM. =_= meron nga ako. Nakakainis naman kung kelan malapit ang prom dinatnan pa ako. Hayaan na nga mag all day no check na lang ako with modess ay whisper pala iyon.


Kumuha naman na ako ng napkin at naglagay na at lumabas na ng banyo at sumayaw sayaw ng all day no check dance para feel na feel mo diba? Ay nako! Para na akong gago neto.


Dear Diary,

Isang araw na lang! Jongina <3 excited na excited na ako sa magaganap bukas ng gabi. Ang simula ng pureber namin ni Bryan at kung magkakataon ang aming perst kiss ay mangyari na,yieee! Nakakainis naman kinikilig ako habang nagsusulat! Punitin kaya kita? Joke lang diary labs na kabs kita eh! Sige bukas na lang mwah!


Ang kinikilig,

Ella

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary Nang Ambisyosang FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon