**
Tumatakbo ako papunta sa cr dahil ihing ihi na talaga ako,sasabog na yung pantog ko sa sobrang ihing ihi na ako ng biglang may mabangga ako.
"Aray ko naman!" Sigaw ko dahil nauna yung pwet ko sa pagbagsak.
"Ellapot! Kanina pa kita hinahanap." At hinawakan niya naman yung braso ko.
"Huh? Bakit?"
"Diba tuturuan mo pa ako gumawa ng cupcake? "
Napapikit naman ako napabuntonghininga dahil naalala ko yung sinabi ni Sena. Sayang naman kasi gwapo at mabait naman itong si Paulo,ewan ko lang ba bakit hindi magustuhan ni Sena.
"Osige,hintayin mo ako jan. Iihi lang ako." Tumakbo na ako papasok sa cr at duon ako nakahinga ng maluwag ng makaihi na ako sa wakas.
Lumabas na ako sa cr at nakita ko ang napaka gwapong mukha ni Paulo na naghihintay saakin. Jusme,ang gwapo gwapo talaga neto ni Paulo kung pwede lang dalawa ang pwedeng jowain pinagsabay ko na sila ni Bryan kaso very wrong ang magdalawahan.
"Tara na?"
Ngumiti naman siya at hinila ako papaunta sa parking lot. Kung saan nandun yung kotse niyang napaka-ganda na kasing ganda ko.,echos lang. Pinakbuksan niya naman ako pinto at sumakay na ako.
"Excited na ako gawan ng cupcake si Sena,gagawin ko iyon ng may halong pagmamahal."
"Nye! ang cheessy naman." Inirapan ko naman siya at nagsimula na siya magmaneho. Nakatingin lang ako sa kalsada at naalala ko nanaman yung inihatid ako ni Bryan papunta sa bahay.
"Oh bakit ka nangiti? Nababaliw ka nanaman." Hinampas ko naman siya sa braso,pero bigla siyang huminto kaya muntikan na ako mauntog.
"Hoy abnormal ka ba? Gusto mo ba akong mamatay?" Galit na galit kong tanong sakanya,jusme. May balak pa akong mapangasawa si Bebe Bryan ko no, kairita.
"Hindi pa! Eh ikaw kasi kitang nagmamaneho ako tapos hinataw mo braso ko,mamaya mailiko ko. Madisgrasya pa tayo."
"Okay,soryy na." Iniwas ko na lang ang tingin ko at nagsimula pa siya sa pag maneho ulit. Bigla naman siyang huminto sa tapat ng isang napakalaking bahay.
"Bahay niyo?"
"Ahh hinde,hininto ko lang naiihi ako." Bumaba naman na siya ng kotse at naiwan akong magisa dito sa kotse,inikot ko naman ang tingin ko dito sa kotse niya.
Tinignan ko naman ang lisensya niya. "Paulo Ian Salvador." Pagbasa ko sa pangalan niya. Napakagandang pangalan pang gwapo. Ihambing na lang sa pangalan Pellanina Wapaligo Mandarugay. Ang bantot,hindi ko alam sa nanay ko kung nag aadik din dahil sa dami daming pangalan na pwedeng ipangalan saakin ay ayan pa ang napili.
Bumalik naman na si Paulo sa kotse at pinaandar niya ulit. Habang nagmamaneho siya itinanong ko naman sakanya kung anong nagustuhan niya kay Sena.
"Ano nga palang nagustuhan mo kay Sena?"
Ngumiti naman siya at nagsalita. " Napaka-simple niya kasi,friendly,tapos mabait pa. Nasa kanya na ang lahat,beauty inside and out." Sabay ngiti niya ulit.
"Oo nga no? Buti hindi nagkakagusto si Bryan kay Sena."
"I will not let that happen! Kung magkakagusto man siya,I will sure na kami na ni Sena non,tsaka dapat kayo na din ni Bryan diba?"
Ngumiti naman ako at nakipag apir sakanya. Nagkakasundo talaga kami ni Paulo kaya bagay talaga kaming maging mag bestfriend.
Maya maya pa ay huminto na siya at lumabas na sabay pinagbuksan niya ako ng pinto. Lumabas na ako sa kotse niya at manghang mangha ako sa nakita kong napakalaking bahay. Limang beses ang inilaki ng bahay nila sa apartment na tinitirhan namin.
BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
AcakDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...