Nakahiga ako sa kama ngayon at nakatingin lang sa kisame at hinihintay na may malaglag na butiki sa malapad kong noo. Pero wala pa din.Hindi ko nga mawari bakit hindi ako makatulog. Tumayo naman ako at lumabas ng kwarto. Umupo naman ako sa sofa at sakto naman ang pagdating ni Tita.
"Oh Ella? Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Binabantayan ko po kasi ang sarili ko."
"Adik ka ba? Ikaw tumino tino ka na! Bukas botohan na at mananalo na si Duterte."
Inirapan ko naman si Tita at binuksan ko na lang ang t.v at nanood ng para sa hopeless romantic.
"Jusme! Kung pumapayag ka ng patawarin at magmahalan na ulit kayo edi sana masaya! Mga tao nga naman!" Sigaw ni Tita.
Dahil nagdradrama na ang babae matapos sila magkita at masugatan niya yung lalaking dati niya atang karelasyon.
"Tita sabi po kasi ni direk huwag muna daw magpatawaran."
"Close kayo ng direktor?"
=_____= alam ko na kung saan ako nagmana.
"Opo! Textmate ko po yung direktor niyan. Kakatext niya lang chill ka lang daw sa dulo daw magkakatuluyan sila."
"Aba! Ang galing naman anak. May ka-kilala kang direktor." Tuwang tuwa na sabi ni Tita.
=___________=
"Nga pala,umalis si Empoy saan ba yun pupunta? Daming karitong dala."
"Ay pupunta po iyon sa Mars kikitain yung mga alien niyang kamaganak."
"Loka ka talaga! Binigyan ko nga ng pera para may pamasahe papunta sa pupuntahan."
Hindi ko na pinansin si Tita at nanood na lang ako ng palabas. Ay putek! Bang daldal kasi ni Tita hindi ko an nasubaybayan bakit graduate na ang babae?
"Oh! Sila na nga talaga." Singit nanaman ni Tita.
"Oo nga kulet!"
"Anak? Kamukha ni Empoy yung lalaki ano?"
Tinignan ko naman yung lalaki at bigla na lang ako natawa.
"Hahahahaha! Havey na havey ang joke ni Tita."
"Hahahahha! Biro ko lang talaga yun. Nako mabuti ng wala na yung manliligaw mong yun! "
Ngumiti na lang ako nanunod ulit. POSTPA!! Bakot nasa barko na sila!? Kairita naman tong Tita ko hindi ko na nasubaybayan ang mga pangyayare.
"Oh! Nag-propose yung lalaki!! Ayy jusko.." Sigaw ni Tita.
"Tita! Nubayan,kala mo teen ager parin kilig na kilig parin?"
"Naalala ko kasi yung pag alok saakin ng Tito mo saakin ng kasal."
"Paano ka ba niya niyaya? Nagkaintindihan ba kayong dalawa? "
"Aba'y syempre! Ganto aksi yun,hinila niya ako sa isang sulok kung saan wala masyadong tao kasi nasa kasiyahan kami noong mga oras na iyon. At todo ang kilig ko noon ng bigla siyang lumuhod at bigla siyang naglabas ng isang box at singsing ang nasa loob." Kilig na kilig na kwento ni Tita,
"Tita dapat hindi niyo pinapalitan yung apelyido niyo. Chimpang Mendoza parin dapat sana kaso Chimpang Ching yung pangalan mo ngayon."
"Ayos na yun! Mas maayos naman saakin no! Eh sa ina mo nga Mandarugay. Ang baho baho ng apelyido ng ama mo."
BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
De TodoDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...