Continuation.....
***
Lumabas na ako sa clinic at naglakad na papuntang room. Nakita ko naman na magkasama sila Sena at Paulo.
"Ella!!" Tawag saakin ni Paulo.
Lumingon naman ako at lumapit sakanilang dalawa na naglalandian na sa harapan ko. Pag ako nainis sa kanilang dalawa tatakbo ako bilang presidente tapos lahat ng makita kong naglalandian ipapatapon ko sa mars.
"Bakit mo ba ako tinawag?"
"Itatanong ko lang sana kung maayos ka na?"
"Oo maayos na ako! See? Kaya ko pang tumalon talon."
Tumalon talon naman ako at nag sayaw sayaw pa ng kaonti at umupo sa tabi ni Paulo.
"Maganda ka pala talaga." Sabi ko kay Sena.
"Me?"
"Ay hinde! Baka ako? Sino pa ba maganda dito? Baka ako hane?"
Bigla naman akong inapakan sa paa ni Paulo.
"Aray!!"
Ang sakit pakiramdam ko nabali na yung mga butobuto ko sa paa eh.
"Hahaha! Mapagbiro ka talaga Ellapot." Sabay gulo nuya ng buhok ko.
Ngumiti na lang ako at tumingin kay Sena na nakatingin din saakin at nakangiti.
Bakit ba to nakangiti? Pinapaniinggit niya ba saakin yung bakal sa ipin niya? Baka higitin ko yun ng mabungi siya.
"Hahaha! Thank you by the way you are beautiful too."
"Hahaha! Nako Ellapot wag kang maniniwala diyan kay Sena mapagbiro lang din yan."
Sinamaan ko naman ng tingin si Paulo. Minsan na nga lang may pumuri saakin gagawin pang biro abay gusto ata ni Paulo na ipakulam ko siya.
"No I'm not! Im serious."
Naoatingin naman ako kay Sena at nakataas pa yung kanang kamay niya.
"Nako Sena mag pa-check up ka na kaya?" Singit ni Paulo.
"Bwisit ka talaga Paulo. Tse,nga naman wala bang deperensya yang mga mata mo?"
Umiling naman saamin si Sena.
"I mean it. You are beautiful." Sabay ngiti niya saakin.
Ginantihan ko na lang siya ng ngiti.
"Sige mauna na ako ah? Bye Paulo bye Sena.," tumayo na ako at naglakad papalayo sa dalawang labberds.
Nabwibwisit na ako! Ako ang bida sa istoryang ito tapos ako ang walang love life? Aba kakaiba to ah.
Uwian na kaya naglakad na ako papauwi habang naglalakad ako papauwi napansin ko naman na may lalaking nakatalikod habang may kausap sa telepono.
Pero kilala ko yung likod na yun. Totoo bang siya yun oh? Guniguni ko lang? Siya talaga yun eh.
Hindi ako pwedeng magkamali dahil una pa lang nakaplano na to sa isip ng author. Kaya hindi ako pwedeng magkamali.
Lunapit ako sakanya at kinalabit siya.
"Ay aswang!"
O.O
"Hindi ako aswang.."
Binaba niya na yung telepono niya at tinignan lang ako mula uloo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
DiversosDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...