****
Dear Diary,
Waaaaaaah! Kinikilig ako na medyo naiinis na naiiririta na kinikilig ulit. Basta hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko,para bang naghalo halo na ang nararamdman ko diary. At hindi ko na mawari abg nararamdman ko kubg naiinid ba ako o kinikilig. Basta i can't understand my emotion right now.
Oha!! Anong say mo sa ingles ko diary? Ganto ba talaga kapag hindi maintindihan gumagaling sa pag ingles. Eto na talaga,ikwekwento ko na ang nangyare saiyo. Kanina kasi noong nag pra-practice si Bryan at Karen sa stage ay nanonood kami ni Paulo. Dahil pinapanood niya din kasi si Sena sa practice.
At nakikita ko nanaman ang babaeng pinaglihi sa sama ng loob kaya yang mukha niya ang sama sama. Hindi sa nagmamaganda ako sadyang pretty talaga ako. Alam ko na iyon dati pa,witweew. Tapos panay pa ang pagyapos kay Bryan ko. Nako,ginagahasa niya ang bebe ko. Wangya talaga tong echoserang palaka na to.
"Okay! Pahinga ng 10 minutes tapos magsibalikan na kayo dito okay?" Sigaw ng babaeng nag pra-practice sakanila. Kaya agad namang nag pahinga sa isang sulok ang Bryan ko. Humiwalay na saakin si Paulo dahil pinuntahan niya si Sena,syempre alam mo na diary nagpapakitang gilas na kay Sena. At ako naman nagpapakita pa lang ng pagmamahal kay Bryan para naman umamin na din siya saakin at simulan na namin ang pureber!
Habang nakaupo ako tapos tinititigan ko ang napakagwapong Bryan my one and only ko. Ng biglang humarang sa tinitignan ko ang napakapangit na si Karen diary at kasama niya pa si Perla na nakapameywang sa harap ko. Ang sarap tuloy nilang sipain dahil ang laki nilang kulangot na nakaharang sa magandang view na tinitignan ko, kainis!
"So may gusto ka pala talaga kay Bryan?" Ganyan ang sinabi ni Karen saakin habang nakaharang sa tinitignan ko. Hindi ko siya pinansin diary kadi hindi naman siya kapansin pansin.
"Hoy Ella! Kinakausap ka ni Karen!" Yan naman ang sinabi ni Perla na nagtataray saakin ngayon. Akala mo naman ikinaganda niya ang pagtataray. Masyado siyang trying hard kubg magtaray mukha siyang tilapya na naghihingalo.
At syempre hindi na ako nakapag pigil at pinag sasapak ko sa mukha ang dalawang dugong na nasa harap ko at syempre joke lang din yun diary,syempre sabi nila love your haters,tao din sila diary hindi lang halata.
"Hoy Pellanina, huwag ka ngang feeling maganda diyan para mang snob!"sabi yan ni Perla.
"Pellenina Wapaligo Mandarugay papansinin mo ba kami o ipapahiya pa kita?!" Naiiritang sigaw ni Karen diary.
Hindi ko pa din sila pinansin dahil nga nakatingin lang ako kay Bryan kasi nga ang gwapo gwapo niya habang natutulog sa isang sulok,gusto ko tuloy siyang sunggaban habang tulog. Joke syempre sa honeymoon na lang namin gagawin yun para mas pormal dibadibuh? Im so brainy talaga!
"HOY PANGET PANSININ MO AKO! HINDI KA MAGANDA PARA ISNOBIN KAMI! FOR YOUR INFORMATION MUKHA KANG UNGGOY NA NALILIGAW!" yan capital letter lahat para ramdam mo din ang galit ni Karen na medyo ramdam ko na din that time.
Minsan kasi diary dapat hindi mo na lang pinapansin ang mga kaaway mo,huwag mo silang patulan,ipagdasal mo na lang na sana matapilok suya tapos mabali ang paa,or di naman kaya MAKALIMUTAN NIYANG HUMINGA, ganun lang kadali diary diba?
"ANG KAPAL MO TALAGA ELLA PARA HINDI KAMI PANSININ!" Yan naman ang sinabi ni Perla at tinulak ako kaya nahulog ako sa kinauupuan ko at tumawa sila na parang mga paniki. Kaya tumayo na ako at hindi na ako nakapagpigil kaya tinarayan ko na din sila.
"Pwede manahimik kayo? Naiirita kasi ako sainyo eh! " mataray kong sinabi kanila Karen sabay irap para pak na pak diba?
"At sino ka para utos utusan kami?!" -Karen
"Ako lang naman si Pellanina Wapaligo Mandarugay the pretty and the most brainy here." Anong say mo sa ingles ko diary? Para na ba akong amerikana na natutong?
"Wow? Ang taas naman ng confidence mo! Hindi ko ma-reach! Pero ang pandak pandak mo!"-Perla
"Bobo ka talaga Perla! Paano mo maaabot ang confidence ko kung hanggang leeg lang kita? Kung pandak ako,ano ka naman? Duwende? Unano? Nuno sa punso? Garapata? And ikaw naman Karen,for your information pwet mo may lotion pag na impeksyon,congratulations!"
Natameme naman sila diary matapos ko sabihin ang mga salitang paniguradong tumagos sa buto nila at sapul na sapul at asar na asar sila. Lampake sakanila sila ang nanguna im just here quietly sitting at sinisilayan si Bryan tapos magpapakatanaga sila sa harapan ko? Tse.
Pero akala ko lang pala na natameme sila dahil tinulak nila akong parehas para mapaupo sa sahig ulit at una na ang pwet ko kaya masakit,napamura pa nga ako ng malakas kaya panigurado narinig ng unano naming teacher iyon.
"Wag mo kaming sinusubukan Ella! Hindi mo ako kilala pag nagalit!" Sigaw ni Karen.
Langhiyang Karen na yun no diary? Kala mo naman importante siya sa buhay ko para kilalanin ko pa siya! Neknek niya! Di siya pretty kaya hindi siya importante sa istoryang ito so hinfi na kailangang kilalanin pa! Suntukin ko kpsiya diyan ng manahimik na eh.
"Yeh! Tama si Karen. Huwag mo kami ginagalit." Singit nanaman ni Perla. Itong si Perla amoy singit na nga tapos singit pa ng singit, nakakaurat!
"Hey please,just shut he fuck up?!
Hulaan mo kung sino ang nagsabi niyan diary!
A.Bebe ko
B.Bryan Zamora
C.Bebe Bryan
D.Lahat ng nabanggit.
Ang tamang sagot ay D. Napatingin kaming tatlo nila Karen sa nagsalita at si Bryan nga kasi nag nagsalita at nagulat silang dalawa ay mali! Kami pa lang tatlo ay nagulat.
Nakakainlove yung boses kanina ni Bryan ang buo buo at ang tigas tigas! <3 hayyys! Kahit ano talagang gawin ni Bryan mas lalo akong naiinlove sakanya,kahit simpleng pag pikit,paghikab at paghinga naiinlove ako.
"Bryan kasi yang si Ella,inaway kami." Sabay pabebe ni Karen kay Bryan! Nakakaloka,iniba niya ang istorya diary,binaliktad niya ako.
"Ako daw? Baka ikaw!" At tinuro ko silang dalawa. Nakakagigil talaga yung dalawang impaktang yun diary. Ginagawa nila akong bad sa harap ng bebe ko.
"Stop! Alam niyo bang ang ingay ingay niyo? Sabi diba pahinga? Ibig sabihin,relax! Tapos nagsisigawan kayo dito! Paanong makakapag relax ang mga tao dito." Sigaw ni Bryan saaming tatlo,at sobrang lakas ng boses niya diary,para siyang nakalunok ng microphone sa lakas ng boses niya. Mas lalo akong nailobe diary syete.
"At ikaw naman Ella! Huwag mo na lang pinapatulan yung mga yan. Pinapatulan mo din kasi kaya nagsisimula ang away!" Bulyaw saakin ni Bryan na ikinagulat ng pimples at buong katawan ko,sinigawan ako ni Bryan?
Diary sinigawan ako ni Bryan,oo tama ang naisulat ko sinigawan niya ako at hindi ako nalungkot bagkus ay sumaya pa ako! Kinilig pa ang mga pimples ko! Nababaliw na ba ako diary? Hindi ako nasaktan ng sigawan niya ako hindi katulad ng dati na para akong namatayan ng sampung ninuno para magluksa,nababaliw na ba talaga ako diary?
O ganito lang talaga kapag mahal mo na ang isang tao? Mahal ko na ba talaga ang Bryan ko? At mahal niya din ako ramdam ko yun. Malakas ako makaramdam eh,sabi sayo may special powers din ako hihi.
Diary gusto mo ba ng pic ni karen at ng mga alipores niyang sila Perla? Gusto mo? Alam mo diary,bagay kayo ni Karen. Yieee kinikilig ka naman,sandali ka lang diary eto na iipitin ko na wait ka lang nyahaha! Mwah.
Ps. Nakita ko kasi sila nagjo-jogging! Kaya pinikturan ko! Gusto mo sumama ka? Matutulog na ako mag be-beauty rest na ako chos wala pa la akong beauty. Basta rest na lang hehez. <3
Ang pinakamaganda sa Sitio Matae,
Ella
BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
RastgeleDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...