Continuation******
"Sakay na." Niyaya niya ako na sumakay sa kotse niya,para akong nilaglagan ng yelo sa buong katawan ko dahil hindi ako makagalaw ng maayos.
"Ano sasakay ka ba o hinde? Bahala ka,mabilis magbago ang isip ko."
Agad naman ako tumakbo at binuksan yung pintuan ng kotse niya at sumakay,bigla niya naman ako inabutan ng pamunas. Para na akong tanga na hinfi alam ang gagawin.
"Anong gagawin ko diyan?" Tinuro ko naman yung bimpo at tinignan naman ako ni Bryan at bigla niyang pinunas sa mukha ko yung bimpo.
"Punasan mo yung katawan mo,basa ka at aircon dito baka sipunin at ubuhin ka."
O.O
JUSKOLORD! Totoo po ba ang nangyayare ngayon? Nasa kotse po ba talaga ako ni Bryan? Totoo din bang pinunasan niya yung mukha ko? Totoo bang magkalapit kami?
Agad ko namang sinampal ang pisngi ko at masakit. Ibig sabihin totoo ang mga kaganapan ngayong gabi! Jusme hindi ko alam kung kakayanin ko talaga ang kaganapan ngayon! Pakiramdam ko sabog sabog na ang obaryo ko.
"Baka gusto mo ng tulong.."
"Huh?"
"Ikaw ang bingi mo talaga kahit kelan,Sabi ko baka gusto mo ng tulong.."
"Tulong saan?"
"Tulong sa pagsampal sa sarili mo,nag-aadik ka ba? Bakit mo sinasampal sarili mo?"
Nagsasalita siya habang siya ay nagmamaneho,nakatingin lang ako sakanya habang nagmamaneho siya. Ang gwapo gwapo talaga ng Bryan ko,walang tatalo sa kagwapuhan.
"Huy kinakausap kita!"
"Ay! Ano nga pala sinabi mo?" Tanong ko ulit dahil hindi ko narinig kasi buys kasi ako sa pagnanasa sakanya joke busy ako sa pagtitig ng napakagandang mukha niya.
"Wala sabi ko mamayang umaga may parada ng mga binge sumama ka! Ang bungol bungol mo."
Patuloy pa din ako sa pag punas ng katawan ko habang nakatingin sakanya na seryosong nagmamaneho ng bigla siyang nagsalita.
"Saan ka ba nakatira?"
"Sa Sitio Matae." At tinupi ko naman na yung bimpo at ibinigay sakanya. "Bryan pwede bang magtanong?"
Tumingin naman siya saakin at kita ko yung pagkunot ng mga noo niya. "Ano yun?" At tumingin ulit siya sa kalsada.
"Totoo bang miyembro ka ng sindikato? "
"Oo bakit? Hindi ka ba makapaniwala? "
Tumango naman ako at ngumisi lang siya saakin at naaninag ko yung mga mapuputi niyang ipin na hindi katulad saakin na medyo maputi naman pero once a week lang kasi ako mag toothbrush pwede na ang isang beses. Once is enough pak ganern!
"Ang lakas ng ulan ah,mukhang baha na sa Sitio Matae. May balat ka ba sa pwet?"
"Huh? Wala ah." Umiling iling naman ako at tinignan lang siya, "Baka ikaw ang may balat sa pwet!" Bintang ko sakanya.
"Wala noh!"
"Weh? Talaga?"
"Oo nga!"
"Patingin nga?"
"Ano?! Kababae mong tao manyakis ka?"
"Hoy hindi kita minamanyak tinatanong lang kita. Feeling naman neto." Umiwas na lang ako ng tingin at tinignan na lang yung kalsada. Feelingero din pala itong bebe ko,syet tinadhana na ba talaga kami para sa isa't isa? Syet kakilig.
BINABASA MO ANG
Diary Nang Ambisyosang Feelingera
NezařaditelnéDiary ni Pellanina Wapaligo Mandarugay o Ella ang ambisyosang feelingera. Ang diary ni Ella ay Punong puno ng kalandian Punong puno ng kahanginan sa buhay Punong puno ng mga kabobohang pangyayare Punong puno ng mga Kalokohan Punong puno ng kaarteh...