Chapter 1

9.4K 190 5
                                    

CHAPTER 1

"AGENT Lubigan?"

Nag-angat ng paningin si Lorraine sa may edad na half French-half American niyang superior. Awtomatikong napatayo siya ng tuwid.

"Yes, Sir?"

"I've read what happened on the reports." Itinaas nito ang folder na hawak nito.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya. She knew exactly what he was going to say. Sa unang pagkakataon mula nang magtrabaho siya sa headquarters ng InterPol sa France ay gusto niyang manliit sa uri ng titig nito sa kanya. She knew how disappointed he was on her.

Ilang agents ang dumaan at nagbigay ng paggalang sa kapitan nila. Then, he sighed and guided her to his office.

"Please, follow me."

Tahimik na sumunod siya rito. Nang makapasok ay tumambad sa kanya ng ilang parangal, mga certificates and medals, na nakasabit sa isang bahagi ng dingding ng maliit na opisina. Ipinagmamalaki niyang sa limang taon niyang pagtatrabaho roon ay tatlong medals na ang nai-contribute niya sa hilerang iyon. She worked here to achieve victory on her every mission. Iyon ang takbo ng secret agent life niya bago ang huling misyon niya.

After that mission, she can't blame his superiors to be displeased. She felt that way, too, towards herself.

Nang makaupo sa swivel chair nito ay binitiwan ng lalaki ang folder sa mesa nito. Nahilot nito ang sentido bago muling tumingin sa kanya. His eyes looked tired. Hindi na siya magtataka kung problemado ito ngayon.

Nagbaba siya ng paningin sa pangalan nitong nakaukit sa wooden desk name plate nito.

Chandler Randolf E. Brown

ICPO Chief

"Ten casualties— three died, seven on the hospital— and the artifact missing. The thieves were nowhere to be found."

He paused. She thinks it's for her to speak. Sa mga nakalipas na taon ay palagi siyang may nakahandang paliwanag rito sa lahat ng sinasabi nito. But she remained silent. Nagpatuloy ito.

"You know, agent, I gave you this mission because I trust you can do it effectively. I knew you long enough and I recognize you are unbelievably smart on thinking a way out for every dangerous mission like this. Hell, you are one of my best agents! I don't know how to accept that this disastrous result happened."

Huminga siya ng malalim. "I know, Sir. It is my fault why this mission failed. I will accept any consequences for my action."

Inihanda na niya ang sarili sa anumang parusa. Tatanggapin niya kahit tanggalin siya nito sa serbisyo o kung kasuhan siya. She knew she deserved it. Hindi mamamatay ang dalawang kasamahan niya at isang inosenteng tao kung itinuon niya ng buo ang atensyon sa misyon niya.

Their chief looked tired when he looked at her. Inilahad nito ang mga kamay. "Look, if I am to ask, I still want you to handle this mission. You know what they are and how they move. I believe you can still make everything right. Now that you'd fought them and seen them, you can make a better plan to capture them."

Kita niya sa mga mata nito ang kagustuhang bigyan siya ng pangalawang pagkakataon. But, she, herself, doubt if she can get on to it. Hindi ngayong magulo ang isip niya. Tila ikinatuwa niya pa ang sumunod na sinabi nito.

"But the majority of the board agreed to suspend you for seventy days. I'm afraid I got nothing to do about it. I'm sorry."

"I understand, Sir. I should be the one telling you how sorry I am."

Lumambot ang itsura nito. "Every great agent had this kind of unfortunate mission. What we could only do was to learn from it. Besides, it's not only your fault."

TRS SC: Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon