Chapter 8

5.4K 152 0
                                    

A/N: Pasensya na kung matagal nawalan ng update! ^_^v


 Chapter 8


"YOU know, bagay sa 'yo ang mga normal na damit."

Nag-angat ng paningin si Lorraine kay Andrei. Nakapangalumbaba ito sa mesa nila habang nakatingin sa kanya. She was distracted by his gaze. "Huh?"

They were eating in the beach's open restaurant. Suot niya ang damit na binili nito.

Andrei flashed his ever-gorgeous smile. "Hindi naman sa hindi normal ang black clothing mo. Bagay nga sa iyo iyon, eh. Pero mas bagay pala sa iyo ang ibang kulay na damit."

Damn her heart for beating like this. Medyo napu-frustrate na siya. Harapin na kaya niya ang mga kakaibang pakiramdam na ito?

Binitiwan niya ang mga kubyertos at nakapangalumbaba ring ginaya ito.

"Andrei Davies, are you flirting with me?"

Pinagbuti naman nito ang pagtingin sa mukha niya. "What if I am, Miss Lorraine Lubigan?" His voice was more sensual than usual.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "I told you I'm not one of those women who easily fall for that crap."

"Ouch. You're breaking my heart," kunwari'y sabi nito bagaman nakangiti pa rin. "Medyo nasasanay na ako sa pagtataray mo sa akin."

"Whatever." Ibinalik niya ang atensyon niya sa pagkain. Hindi normal na kasabay ng kliyente sa isang mesa ang bodyguard. Sinabi niya iyon dito pero hindi naman nito iyon sineryoso.

"Ano bang makakapagpangiti sa iyo bukod sa pagiging funny ng kapatid ko?"

"Wala." Isinubo niya ang binalatang alimango. Dahil mga seafoods ang nakahain sa mesa nila, nakakamay na siya ngayon. Ngayon na lang ulit siya nakakain ng ganito after long long years. Binalatan niya ang legs ng malaking alimango at isinubo ang laman niyon. Ah, heaven.

"Ipagbalat mo nga rin ako niyan."

"May kamay ka. Matuto kang magbalat ng alimango mo."

"Wala ka talagang puso."

Akmang isusubo niya ang legs ng alimango nang agawin nito sa kanya iyon. Tuloy-tuloy iyon sa bibig nito.

"Hey!"

"Hmm. Masarap nga."

Napasimangot siya. "Mind your own plate, will you?"

"I can't. Ang sarap mo kasing panoorin na kumain. Nakakatakam tuloy ang pagkain mo."

"Pareho lang ang dish sa plato natin."

"Still, mukhang mas masarap ang kinakain mo." Tinusok nito ang hipon na binalatan niya sa plato niya at isinubo iyon. "Ilang years ka bang hindi nakakain?"

"Ng ganito? Hindi ko na mabilang." Tinapik niya ang kamay nito nang dadampot itong muli ng pagkain sa plato niya. "May mga restaurant sa France na nagse-serve ng seafoods pero hindi naman ako makapunta dahil sa trabaho ko."

"Good thing we went here. Masyado ba talagang busy ang mga pulis?" kaswal na sabi nito.

Napatingin siya rito. Nakapangalumbaba na ulit ito habang nakatingin sa kanya. Bihira sa isang lalaki ang maging curious kapag nalaman ng mga ito na pulis siya at agent sa InterPol. Usually, they will drop the conversation and got intimidated with her. Minsan naman ay magtatanong kaagad ang mga ito ng 'bakit?'. Kesyo bakit daw napunta sa ganoong propesyon ang babaeng gaya niya, hindi daw sa kanya bagay ang propesyon na iyon, etc. Ni hindi nagtanong ang mga ito if what is it like to be a policewoman.

TRS SC: Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon