Chapter 9
LORRAINE carefully walked on the vacant hallway of an abandoned building. Mahigpit ang hawak niya sa kanyang baril na nakatutok sa dinaraanan niya. Bago siya lumiko sa isang corner ay nagtago muna siya sa pader at maingat na sinilip ang kabilang hallway. Walang tao.
"Hall B, cleared," mahinang sabi niya sa radyong nakakabit dibdib niya para ipaalam sa mga kasamahan. Ingay lang ng radio ang sumagot sa kanya. Inignora niya iyon at tumuloy sa maingat na paglalakad patungo sa hagdan. She was halfway the stairs when she heard a faint voice of a woman. Umakyat siya sa hagdan at nagtago sa isang baitang sa tuktok niyon. Pinakinggan niya ang mga tinig. Naulinigan niya rin kasi ang boses ng isang lalaki. She froze when she understand what the two people was arguing about.
"Ivan, we can still work this out," may pagmamakaawa sa tinig ng babae.
"What the heck? How can we work it out if you don't have time for me? If I'm not in your priority list?"
"That's not true!"
"Then, tell me. Below your work, where am I on your life? Do you even love me?"
"I love you. I made myself clear to you from the beginning. Why are you doubting me?"
"Because your action told me otherwise! You loved your work more!"
"Ivan..."
"Marry me, Lorraine. If you want this relationship to work out, resign on that job and marry me."
That's when she heard a sound of a gunshot. Awtomatikong napatayo siya at tumakbo sa palapag. Ngunit wala na ang dalawang taong nagtatalo doon. All she could see was her team shooting on the other side of the hall while their enemy shoot back. One of her comrades was shot. Nilapitan niya ito at sinabihan na hindi niya ito hahayaang mamatay. But nothing came out from her mouth. Tumingin sa kanya ang kasamahan at mahigpit na hinawakan ang manggas ng long-sleeves niya. Tila may gusto itong sabihin ngunit hindi nito masabi dahil sa tama nito sa dibdib. Nakikita niya sa mga mata nito ang sakit at pagmamakaawa.
Sumigaw siya. Isinigaw niya na ililigtas niya ang comrade niya pero hindi niya pa rin marinig ang sariling tinig. All she could hear was the loud shooting and her team talking on the radio.
'Don't die. I'm going to save you,' wika niya kahit wala siyang tinig. Ngunit ilang segundo lang ay lumungayngay na ang ulo nito kasabay ang pagbagsak ng kamay na nakahawak sa manggas niya. 'Don't die. No!'
But the man was dead and she knew it. Wala na siyang magagawa doon. 'Damn it!'
She looked up at their enemies. Hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa pagpapaputok. Marami na sa mga kasamahan niya ang natatamaan. Hinugot niya ang kanyang baril ipinutok iyon sa mga ito. Kasabay ng paglabas ng tingga doon ang malakas na pagsabog sa paligid.
Then everything was wiped out...
Lorraine's eyes flew open. It was dark and she felt even more alarmed. Her heavy breathing was suffocating her. Butil-butil ang pawis sa kanyang mukha.
She saw something moved from the corner of her eyes. Mabilis na kinapa niya sa ilalim ng unan ang kanyang baril. Ngunit naalala niya na wala nga pala siyang dalang baril. It's been a month and weeks when she surrendered her gun and badge on her commanding officer.
Ang nakapa niya sa ilalim na unan niya ay ang folding knife niya. She grabbed it and held to it tight. Dahan-dahan siyang bumangon at lumapit sa pinto ng balcony ng suit niya. Maingat na hinawakan niya ang kurtina niyon at pabiglang binuksan. She was ready to attack when she saw her balcony's door slightly open. Sumisingit doon ang hangin na siyang nakakapagpagalaw sa kurtina. Naalala niyang bahagya niya iyong binuksan bago siya mahiga para makapasok ang sariwang hangin. But then, she doesn't stop worrying. Bumalik siya sa loob ng suit at ch-in-eck ang banyo, closet at kasuluk-sulukang bahagi ng silid. Walang tao.
BINABASA MO ANG
TRS SC: Make You Mine
RomanceTHE REBEL SLAM SPECIAL CHAPTERS Make You Mine By: Syana Jane TEASER Dahil sa isang palpak na operasyon, umuwi si Lorraine sa Pilipinas upang gamitin ang suspension niya sa InterPol. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote niya at nais...