ILANG oras nang dilat si Lorraine nang mapagpasyahang lumabas. Ilang oras siyang nakatulog kaninang pagdating niya kaya hirap siyang makatyempo ng antok ngayon.
She checked the time. Maghahating-gabi na. May dalawang oras na rin siyang nagmumuni-muni. Sumasakit na ang ulo niya sa mga iniisip niya. Hindi siya sanay nang walang ginagawa kaya tila napakahirap para sa kanya na palipasin ang oras.
I need to get out of here.
Nagpalit siya ng itim na t-shirt, pinatungan niya iyon ng gray long sleeved hooded shirt, at skinny jeans. She grabbed her wallet to get some money, pero wala pa nga pala siyang peso bill. Duda siya kung may bukas pang bangko sa oras na iyon. Ang credit card niya naman ay sa France niya lang magagamit.
Ayaw niyang istorbohin ang ina para humingi ng pera dahil alam niyang pagod ito sa ospital. As she suspected, hindi nga siya nito tinigilan kakatanong nang totoong dahilan kung bakit siya umuwi. Gayunpaman, nanatiling tikom ang mga labi niya. She knew her mother will just freak out.
Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa kwarto ng kapatid. Alam niyang naroon na ito, narinig niya ang ugong ng kotse nito nang dumating ito.
She knocked but there's no answer. Nang mainip ay pinihit niya ang doorknob. It wasn't locked. She saw him asleep on his bed. Mukha ngang ibinagsak lang nito ang katawan doon tuloy tulog.
Napailing siya nang maamoy ang alak dito. Sabi na nga ba niya at may pinoproblema rin ito. Hindi pa nga lang niya matukoy kung ano iyon. Inayos niya ito ng higa at kinumutan. Hindi man lang ito nagising.
Hindi na niya ito ginising. She searched for his wallet on his bag and took one of his credit cards and few of his cash. Sasabihin na lang niya dito ang tungkol doon kinabukasan.
Ibabalik na niya ang pitaka nang umilaw ang cellphone nito na nasa bag din nito. A beautiful red-blonde girl flashed on the screen. Mukhang stolen shot lang iyon dahil hindi ito nakatingin sa camera. She's smiling and Lorraine could see the glow of being in love with her.
Nakangiting isinara niya ang bag nito. Ngayon, alam na niya kung anong pino-problema ng kapatid niya. Napatingin siya rito nang umungol ito.
"Allyza..." He stirred and shifted on his left.
Nilapitan niya ito at hinaplos ang buhok. Madalas niyang guluhin ang buhok nito noong mga bata pa sila na siyang ikinakagalit naman nito. Ayaw na ayaw nitong hinahawakan ang ulo nito.
"Love is also making you suffer, isn't it? We're so unlucky."
She smiled sadly before turning off the lamp. Lumabas na siya ng tahimik sa kwarto.
----
PUMILI si Lorraine ng isa sa naka-cone na Cornetto sa freezer na nasa harapan niya. Sa isang branch ng 7-11 siya humantong nang maglakad-lakad siya. Nainitan siya kaya naisipan niyang kumain ng malamig.
She picked one ice cream and paid it in the counter. Habang hinihintay ang sukli niya ay binubuksan na niya ang naturang ice cream. She likes strawberry at hindi na niya mapigil ang sarili na lantakan iyon. Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang makatikim siya ng strawberry flavored na pagkain. Masyado kasi siyang naging abala sa misyon niya.
Nang maalala ang pumalpak na misyon niya ay natigilan siya. Dumagsa na naman sa alaala niya ang mga putukan at sigawan. Sila dapat ang mang-a-ambush sa mga ito pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil sa kapabayaan niya.
"Miss, change niyo po."
Napakurap siya. The cashier was giving her her change. She accepted it and walked out of the store. Her thoughts were still on what happened in France. Kung anong nangyari before that operation and during the operation. Gusto niyang mapapikit ng mariin. Nagpunta siya rito para kalimutan ang mga iyon pero kabaliktaran ang ginagawa niya ngayon.
BINABASA MO ANG
TRS SC: Make You Mine
RomanceTHE REBEL SLAM SPECIAL CHAPTERS Make You Mine By: Syana Jane TEASER Dahil sa isang palpak na operasyon, umuwi si Lorraine sa Pilipinas upang gamitin ang suspension niya sa InterPol. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote niya at nais...