CHAPTER 14

4.9K 153 3
                                    

CHAPTER 14

FINALE

Three months later...

MATAPOS ayusin ang kurbata ay pinagmasdan ni Andrei ang sarili sa salamin. He's wearing a black three-piece suit that night. Sa loob ng tatlong buwan ay naayos na niya ang deal nila ni Mr. Lawrence at inanyayahan siya nitong um-attend ng awarding night ng sikat na production company nito sa Los Angeles.

Finally! Magiging sikat na ang Davies' Entertainments internationally, tulad ng pangarap niya.

Dapat ay masaya siya. Dapat excited siya sa venture na ito.

Pero malayo doon ang nararamdaman niya.

He glanced at his wristwatch. Kung tutuusin ay late na siya sa awarding, but he doesn't mind. Pupunta lang siya doon para magpakita kay Mr. Lawrence at batiin ito. He can't wait to go back to the Philippines.

Baka dumating siya at wala ako.

Huminga siya ng malalim para pawiin ang pagbigat ng dibdib niya. It's been three months since he last saw her. Mula noon, wala na siyang naging balita dito. Kahit ang kaibigan niya sa intelligence ay walang nakuhang balita sa operasyon. Masyado daw iyong confidential.

Kamakailan lang ay sumabog ang balita ng pagkakadakip sa isang international criminal group. Malakas ang kutob niya na iyon ang grupong hinahabol nina Lorraine. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi niya ito ma-contact. Nang magtanong siya sa pamilya nito ay wala siyang nakuhang sagot kung hindi ang ligtas ang dalaga. It's enough para bahagyang mabawasan ang pag-aalala niya. Pero hindi pa rin siya mapakali. Hangga't hindi niya nakikita itong muli ay hindi siya mapapakali.

May kumatok sa pinto ng hotel room niya. Baka nainip na sa paghihintay ang driver ng service vehicle niya at kinatok na siya. Ngunit ng buksan niya ang pinto ay hindi ang matandang black American na driver niya ang nabungaran niya. Isang maganda at sopistikadang babae blonde na nakasuot ng pulang mini dress ang nakatayo doon at nang-aakit ang pagkakangiti sa kanya.

"Yes?" kunot-noong sabi niya.

"Mr. Andrei Davies? I'm Erina Schwitz. I didn't expect that you're more handsome in person." Naglahad ito ng kamay. Tila lalong nag-twinkle ang mga mata nito nang pasadahan siya ng tingin.

Kunot-noo pa ring inabot niya ang palad nito. Paano nito nalaman ang pangalan niya?

"Sorry. But do I know you?"

Tumawa ang babae. "No. This is the first time we met. However, your sister is my friend. Carol asked me to accompany you on the awarding night. Didn't she tell you?"

Marahang umiling siya. Ang kapatid niya talaga. Nag-excuse siya sandali dito para tawagan ang kapatid.

"How's your night going, little bro?" masiglang bati nito.

"What's the meaning of this, Carol? Bakit nagpapunta ka ng babae dito?"

"Oh, you mean Erina? Don't worry, Andrei, she's safe. Willing siyang samahan ka habang nand'yan ka sa LA. She's letting you to stay on her apartment if you want. Magbakasyon ka muna..."

"What the fuck? I don't need a date or a woman, Carol." Nakamot niya ang noo niya.

"Why not?" Naging seryoso ang boses nito. "Concerned lang naman ako sa iyo bilang kapatid mo. Hindi na kita nakikitang nakikipagkita sa mga babae mo. Wala kang ginawa kung hindi ang magtrabaho at palagi mong pinagdidiskitahan ang pagpapalago sa kumpanya natin. Malago na ang company, 'Drei. Pwede na tayong pakainin niyon ng limampung taon nang wala tayong ginagawa. It's not a sin to have fun, you know."

TRS SC: Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon