CHAPTER 12
ANDREI sipped on his beer. Nakatanaw siya sa malawak at asul na asul na karagatan. Malalaki ang alon at tamang-tama sa pagse-surf. Pero wala siyang ganang enjoy-in ang karagatan ngayon.
Because she's not here to watch me.
Napapabuntong-hiningang inilapag niya ang beer sa mesang katabi ng lounging chair niya. Humilata siya doon at pinagmasdan naman ang kalangitan.
Kamusta na kaya siya?
It's only been a day without seeing her but it felt like years. He's missing her so bad he could never imagine himself being like this to a woman.
After the kiss they shared, lalong nagulo ang mundo niya.
Nang maalala ang halik na iyon ay may kung ano'ng tumadyak sa dibdib niya. Naidampi niya ang mga daliri sa labi niya. He could still feel her lips on his. Her lips was soft, sweet and intoxicating. It's like an expensive brand of cocaine that was making him want to kiss her more. That kind that he would give all his money to taste again. And not only those, he's also longing to see her smiles and hear her laugh again.
Damn! I'm just missing her more.
Bawat segundong hindi niya ito nakikita ay parang unti-unti siyang nababaliw. Lalo na at kinumpirma nito na gagawin nito ang tunay na trabaho nito. She told him it's not that dangerous, pero hindi pa rin siya mapakali. May isang parte sa pagkatao niya na hindi kumbinsido sa sinabi nitong iyon. It could be worse than she said.
Bumuntong-hininga siya at inihilamos ang mga palad sa mukha. He has to trust her. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili iyon. May tiwala naman siya rito pero hindi niya maiwasang mag-alala. Hangga't hindi niya ito nakikita, hindi siya makakahinga ng maluwag.
He reached his phone and called her. Tulad ng isandaan na yata niyang pagtawag dito, operator pa rin ang sumagot sa tawag. Lalo lang siya kinakabahan para rito.
Sumusukong pinutol niya ang tawag. Ipinatong niya ang braso sa noo niya at mariing pumikit. Hindi siya halos nakatulog nang nagdaang gabi. Nawala na nga yata sa sistema niya ang pagtulog dahil sa pag-iisip kay Lorraine. Even now, he couldn't sleep.
Only she made him feel this way. Hindi na basta pagkainis lang at pagkasaling sa ego niya ang nararamdaman niya ngayon sa dalaga. Na-realize na lang niya isang araw na palagi siyang napapatitig sa mukha nito, pinagmamasdan ang lahat ng kilos nito at pagpapalit-palit ng mood sa mukha. He likes watching her. He likes her warmth when she hugged him on his balcony. He likes to watch her sleep. In fact, he likes everything about her.
Gugustuhin mo ba talaga ang babaeng pinapaikot ka ng ganito?
Aaminin niyang sa lahat ng ayaw niya ay iyong hindi niya kontrolado ang sitwasyon. He's a businessman and a clever one. Ngayon lang nangyaring umupo siya sa isang tabi at sinayang ang oras niya sa pag-iisip sa isang bagay, partikular na sa isang babae. It was frustrating on his part. But he can't blame Lorraine or her job for that. He liked the enthusiasm he's seeing in her when she talked about her job and he don't want it to fade. Besides, his heart was refusing him to be mad at her.
Tsk. May kasama na talagang puso. Iba na talaga ito.
He sighed again before opening his eyes and staring at the clear blue sky again. Maganda ang kapaligiran at maganda ang panahon pero tila walang kulay ang lahat sa mga mata niya. Everything was dull and uninteresting.
Kung sana lang ay kasama niya si Lorraine ngayon. Kahit na tarayan siya nito o balian ng buto ay ayos lang sa kanya. As long as she's with him.
"Come back, Lorraine. I'm starting to lose my mind here," kausap niya sa grupo ng ibon na namataan niya sa langit.
BINABASA MO ANG
TRS SC: Make You Mine
RomanceTHE REBEL SLAM SPECIAL CHAPTERS Make You Mine By: Syana Jane TEASER Dahil sa isang palpak na operasyon, umuwi si Lorraine sa Pilipinas upang gamitin ang suspension niya sa InterPol. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote niya at nais...