"WOW! Ang laki ng kumpanyang ito!"
"Hindi na ako magtataka na sila ang pinakamalaki at pinakamatagumpay sa entertainment industry sa bansa!"
"Punta tayo doon! Baka may makita tayong sikat!"
Napangiti si Lorraine sa nakikitang pagkamangha sa mukha ng mga kasama niyang babae. Kasama niya ngayon ang girlfriends ng The Rebel Slam boys na sina Donita, Krizhia, Jazmine, Nhica at Allyza. Ang mga boyfriend ng mga ito ay nasa studio at hinihintay ang magiging manager ng banda. Nagkayayaan silang ikutin muna ang Davies Entertainments habang hinihintay ang mga lalaki.
"This is a thirty storey building," aniya habang nakatingin sa floor map ng fifth floor kung saan sila naroroon. "At nasa fifth floor pa lang tayo."
"Sumasakit na ang paa ko. Magpahinga muna kaya tayo?" reklamo ni Jazmine.
Hindi niya ito masisisi. Naghagdan lang sila mula sa third floor, kung saan naroon ang studio na pinag-iwanan nila sa mga lalaki. Para sa tulad nitong pinalaking tila isang prinsesa, hindi na siya magtataka na sumakit kaagad ang mga paa nito.
"Sus, gusto mo lang bumalik kay Kyle mo, eh," tudyo rito ni Nhica.
Jazmine pouted. "Pwede ba? Boring mamasyal nang hindi siya kasama, eh."
"Kakausapin lang sila ni Mr. Davies pagkatapos kay makakasama na ulit natin sila," wika ni Donita. She is the simplest girl in the group. "Krizhia, kung aalukin din kayo ng Davies, iga-grab niyo ba?"
"Oo naman! Walang musician na hindi gustong makatuntong dito, ano!" sagot ni Krizhia. She is the rocker girl with heavy mascara and dark hair. Bokalista ito ng bandang Sinner Saints. She watched one of their performances at tulad ng The Rebel Slam ay magagaling din ang mga ito.
"Teka, si Kaleb Miranda ba iyon?" biglang sabi ni Nhica.
She was about to ask 'who the hell is that?' when Krizhia spoke.
"Ang sikat na singer-composer? Ahh! Manghingi tayo ng autograph!"
"Tara, Ate Lorraine. Hingi daw tayong autograph kay Kaleb," yaya sa kanya ni Allyza.
"You know that singer?" Ang alam niya ay walang hilig sa mga artista si Allyza.
"Oo naman! Walang Pilipino ang hindi nakakilala sa kanya." Inilabas nito ang maliit na notebook at marker sa body bag nito.
Maging ang ibang dalaga ay ganoon din ang ginawa. Napangiwi na lang siya. Mukhang handang-handa ang mga ito, ah.
"Sige, kayo na lang. Wala akong hilig sa artista."
Hindi siya nagdalawang salita at agad na nagsipulasan ang mga ito palapit sa singer na sinasabi ng mga ito. Napabuntong-hininga na lang siya.
Kids...
Lumapit siya sa glass window at tumanaw doon. Nasa fifth floor pa lang sila pero tanaw na niya ang buong syudad. The people under the building were like ants crawling on their colonies. The cars were moving like caterpillars trying to find their way out of the tree. There's no doubt that this is a big company built on a busy street. Ganito rin ka-busy ang mga tao sa France tuwing weekdays. People were busy running and walking on the streets for their jobs and minding only their lives. Minsan ay hindi na napapansin ng mga ito ang nangyayari sa kapaligiran. Sometimes they didn't care if someone's got robbed and killed on the streets.
Except for that someone who's always helping an old woman whenever he sees one...
"Look who's here."
Napakurap siya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Lumingon siya rito para makasiguro. Hindi nga siya nagkamali. Napataas ang isang kilay niya nang umangat ang isang sulok ng labi nito.
BINABASA MO ANG
TRS SC: Make You Mine
RomanceTHE REBEL SLAM SPECIAL CHAPTERS Make You Mine By: Syana Jane TEASER Dahil sa isang palpak na operasyon, umuwi si Lorraine sa Pilipinas upang gamitin ang suspension niya sa InterPol. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote niya at nais...