CHAPTER 13
PABALIK-BALIK si Lorraine ng lakad sa loob ng opisina ng lieutenant colonel at siyang namumuno sa military camp na iyon sa Cebu. Ngayong araw niya sinabi kay Andrei na babalikan niya ito. Pero maggagabi na ay hindi pa rin siya makaalis sa kampo.
Ngayong araw rin kasi na ito ang dating ni Chandler sa Cebu. Bukod pa doon ay tinutugis pa rin ang lalaking kasama ng babaeng kasapi ng Cleopatra. Matapos niyang mahuli ang babae ay saka naman nila napag-alaman sa mga kadarating na team ng InterPol na nasa bansa na raw ang ibang myembro ng notorious gang na iyon. Nakikipag-ugnayan na ang kapulisan at AFP sa InterPol dahil napakalaking gulo kung sakaling mang-terrorize ang grupong iyon. Hindi lang kasi pagnanakaw ang kaso ng mga ito kundi terorismo rin at pambobomba sa ilang lugar sa mundo. Kahit ang kanyang ama ay parating na rin doon.
Ang kasama niya lang sa opisinang iyon ay si Sergeant Calderon na sinusundan lang siya ng tingin. Nang mapansin ito ay huminto siya sa paglalakad at naupo sa silyang kaharap ng mesa ng captain doon. Medyo nakakahiya rin naman na umakto siyang parang hindi maihing pusa sa harap nito. If she was her old self, baka nasa labas siya at nakikinig sa pakikipag-usap ng lieutenant colonel sa mga sundalo nito.
Mga maliit na laruang sundalong nakahilera sa mesa ang namataan niya. Iyon naman ang pinagdiskitahan niya. Nariyang binago niya ang formation ng mga iyon, pinitik ang isa at tinimbang sa kamay ang dalawa sa mga iyon. Nang mapagod ay napapabuntong-hiningang binitiwan niya iyon at ibinalik sa dating ayos. Sinilip niya ang wristwatch niya. Malapit nang mag-alas sais ng hapon.
Siguradong naghihintay na si Andrei sa kanya. Pinalitan niya ng cellphone niya bago habulin ang mga criminal na iyon kaya hindi niya matawagan ang binata. Alam niya kasi na kailangan niya ng dobleng ingat para walang ibang madamay sa kasong ito.
"Kailangan mo ba ang cellphone mo, Miss Lubigan?"
Nag-angat siya ng mukha sa kasama. "Huh?"
"Baka lang may gusto kang tawagan at makausap ngayon. Mukhang hindi pa tayo makakawala sa operasyong ito ngayon."
Umiling siya. "I can't. I have to be careful."
Pinipilit niyang huwag magpayanig sa threat ng babae sa kanya. Pero paano kung idamay ng mga ito ang mga taong malalapit sa kanya lalo na at nasa Pilipinas sila ngayon? Her mother and brother would be safe. May mga sundalong nakabantay sa mga ito ayon sa ama niya. Paano kung matunton ng mga ito si Andrei? She will just put his life on danger.
Nagkibit-balikat lang ang kasama niya.
Napabuntong-hininga siya. She knew she has to be careful, pero talagang sumisiksik sa kunsensya niya ang binitiwang salita kay Andrei. Aside from the fact that she's missing him. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili na kontakin ito.
Tumayo siya at nagpabalik-balik na naman ng lakad sa loob ng silid. Nakakailang harap na siya sa mga dingding nang pumasok si Lieutenant Colonel Madrigal doon. Nakakunot ang noo nito.
"Agent Lubigan?"
"Yes, Sir." Tumayo siya ng tuwid sa harap nito at sumaludo. Ganoon din ang ginawa ni Sergeant Calderon.
"May nanggugulong lalaki sa labas ng gate at sinasabi niyang kakilala mo siya. Ipinipilit niya na hindi siya aalis doon hangga't hindi ka niya nakikita. Ayokong patagalin pa ang komosyon na ito. Ikumpirma mo muna kung totoo ang sinasabi niya bago ko siya ipabaril sa mga sundalo dito."
Napakunot ang noo niya. Sino ang walang utak na lalaking basta na lang susugod sa kampo ng mga sundalo? Gayunman ay tumango na lang siya dito at lumabas.
Her heart sank when she saw Andrei on the gate. Tila makikipagsuntukan na ito sa sundalong bantay sa gate anumang oras.
Paano siya nito natunton doon? Ang paalam niya rito ay nasa Lapu-lapu lang siya.
BINABASA MO ANG
TRS SC: Make You Mine
RomanceTHE REBEL SLAM SPECIAL CHAPTERS Make You Mine By: Syana Jane TEASER Dahil sa isang palpak na operasyon, umuwi si Lorraine sa Pilipinas upang gamitin ang suspension niya sa InterPol. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote niya at nais...