Chapter 7

5.5K 202 5
                                    

Chapter 7

TINAASAN ni Lorraine ng isang kilay ang umiiling na si Andrei matapos siyang pasadahan ng tingin. She's wearing her usual get up—black shirt and black pants. Humalukipkip siya. Itinago niya ang pagkairita niya.

"Lalaitin mo na naman ba ang suot ko?"

"Wala ka bang ibang damit?"

"Wala."

Napabuntong-hininga ito. "Wait here."

Bago pa siya makasagot ay nakatalikod na ito papunta sa elevator at iniwan siya sa lobby ng hotel na tinutuluyan nila.

Ano bang problema ng lalaking iyon?

Naglakad siya patungo sa bakanteng sofa at naupo. May ideya siya kung ano ang binalikan nito. At gusto niyang ibato dito iyon kapag ipinakita sa kanya. Hindi totoo na wala na siyang ibang damit. Nang i-check niya ang inempakeng gamit niya ng katulong nila ay may nakita siyang ibang kulay ng damit, bestida at ilang cotton shirt and walking shorts. Mas pinili nga lang niyang isuot ang mga damit na nakasanayan na niya. Besides, nasa trabaho siya ngayon at hindi sa bakasyon.

Ilang minuto lang at natanaw na niya ang paglabas ni Andrei sa elevator. May bitbit itong paperbag ng isang signatured boutique. Pero hindi ang bitbit nito ang pinansin ng mga mata niya. Gumala iyon mula sa brown at tila kaylambot na buhok nitong nagsu-sway sa bawat paggalaw nito pababa sa V-shape collar shirt nito, tattered maong shorts at slippers. Simple lang ang suot nito kung tutuusin. But there's something in him and his stride that made every woman glimpse and stare at him. Is it his handsome face or his well-built physique or his confident strides? Or maybe all of those?

Iyon ba ang tinatawag nitong karisma nito?

Inalis nito ang dark sunglasses nito. Now, she was so sure he's looking at her. Hindi niya alam kung saan galing ang pag-arangkada ng tibok ng puso niya. There's this handsome man that was staring at her like she was the only woman in there. She felt overwhelmed. The worst thing is she can't tell herself to stop feeling that way like she always did.

Tumayo siya nang ilang metro na lang ang layo nito sa kanya. Tila nag-slow motion ang lahat habang magkalapat ang mga mata nila. It's like a dream...

And it was probably is nang harangin ito ng dalawang babaeng naghuhumiyaw ang cleavage sa suot na spaghetti strapped shirt ng mga ito at kita na ang laman sa napaikling shorts ng mga ito.

Waring salamin na nabasag ang mga pinapantasya niya. Ngali-ngaling batuhin niya ng sofa si Andrei nang i-entertain pa nito ang mga babaeng iyon. But she just stood there and watched them. Kailangan niyang isalaksak sa isip na bodyguard siya nito. Wala siyang pakialam sa mga personal business nito maliban sa kaligtasan nito.

Tama. Imbes na patayin niya sa titig ang mga bruhildang babaeng iyon ay trabaho ang dapat intindihin niya.

Pero bakit hindi niya pa rin maibaling sa iba ang paningin niya?

Tumingin sa gawi niya si Andrei. Alam pa pala nito na naroon siya. Tinaasan niya ito ng isang kilay habang nakahalukipkip. Sige lang. Flirt all you want. Walang naghihintay sa iyo dito. Damn!

But then he just smiled and said something to those ladies while looking at her. Nabasa niya ang buka ng mga labi nito. Hindi niya alam kung bakit tila alikabok na nawalis ang init ng ulo niya.

Nasa harapan na niya si Andrei matapos nitong makawala sa mga babaeng iyon.

"Hi!"

"Tapos ka nang 'makipag-usap' sa kanila?"

Nilingon nito ang dalawang babae na kumaway pa dito. Mga walang delicadeza! Sinabi na nga ni Andrei sa mga ito na kasama nito ang asawa nito, lumalandi pa rin! Ah, oo iyon ang nabasa niya sa mga labi ni Andrei kanina—"I'm with my wife. Excuse me". Dapat ay naghuhuramentado na siya at pinagbabawalan itong ipagkalat na may relasyon sila. Pero sa halip ay ipinagwawalang-bahala niya lang iyon ngayon... or so she thought? Hindi niya kasi maipagkaila sa sarili na nagustuhan niyang iyon ang sinabi nito sa mga babaeng haliparot na iyon.

TRS SC: Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon