FINALE
MATAPOS ang ilang sandali ay naramdaman ni Lorraine ang pagpaikot ng mga braso ni Andrei sa katawan niya. Pulling her closer to him. Tila ba noon lang ito nakabawi sa biglaan niyang pagsulpot sa harapan nito. He answered her kisses with more intensity. She missed him so much, and by the way he's kissing her, she could tell that he's longing for her too. Pakiramdam niya ay mababaliw siya sa halik na iyon.
Wala na silang pakialam sa paligid nila. Wala na rin siyang pakialam sa babaeng nakalingkis kanina kay Andrei. Ang mahalaga, ramdam niya at sigurado siyang sa kanya pa rin ang binata. Hindi ito magpapa-agaw sa kahit na sinong babae.
Tila mapupugto ang hininga niya nang sa wakas ay maghiwalay ang mga labi nila. Parehong habol nila ang paghinga.
"Lorraine..." Ipinatong nito ang noo sa noo niya. "Are you real?"
She breathlessly laugh. "Do I have to kiss you again?"
Napasinghap siya nang halikan nito ang gilid ng labi niya. Tumulay ang halik na iyon sa pisngi niya, sa ilong, sa mga mata. Napapikit na lang siya habang pinapaliguan nito ng halik ang buong mukha niya.
"I just can't believe you're here."
"I let you ruin my make-up and you still don't believe it's me." Nagmulat siya ng mga mata at tipid na ngumiti rito. "Nakakapagtampo ka na, ha?"
Napangiti ito. "I'm sorry. I just can't... oh God! I missed you so much."
Maglalapat sanang muli ang mga labi nila nang maalala niya ang babaeng hinablot niya palayo dito. Paglingon niya sa kinaroroonan nito ay wala na ito. Gaano ba katagal silang naghalikan ni Andrei?
Nag-init ang mga pisngi niya sa huling naisip.
"Who's that woman you're with earlier?" baling niya sa lalaki.
"Are you jealous?"
Pinanliitan niya ito ng mga mata. Akmang hahalikan siya nito pero umiwas siya. Hindi pa sila tapos mag-usap. "Wala ba akong karapatan?"
"Wala."
Napasimangot siya at nagpumiglas sa pagkakayakap nito. Hindi siya makawala. "Let me go, will you? I can't breathe."
Natawa lang ito. "She's Erina, my sister's friend."
"And?"
"She's my date for this night."
Batukan niya kaya ito? Natigilan nga lang siya nang makita ang pilyong kislap sa mga mata nito.
"And I ruined your date. Sorry, but I'm not sorry for that." Ikinawit niya ang mga braso sa batok nito.
"And I'm glad you came." Dinampian nito ng halik ang noo niya. Dama niya ang pagseryoso nito. "Bakit nga ba ngayon ka lang? Don't you know na araw-araw kong inaabangan ng pagdating mo? I hate what I'm feeling everyday. I don't know kung may babalik pa sa akin o kung may hinihintay pa ba ako." sumbat nito. Huminga ito ng malalim. "But I love you. There's nothing I can do but to be miserable each and everyday of missing, waiting and hoping that one morning you'll show up on my door. I love you and it seems fine to be miserable."
Namasa ang mga mata niya sa tinuran nito. She hated herself for a moment for hurting him. Napayuko siya. Damang-dama niya ang paghihirap nito. "I'm sorry. I've been so selfish. Hindi ko inisip na nahihirapan ka ng ganito. All I wanted is to protect you from my enemies and to avenge my friends. Hindi ko isinaalang-alang ang nararamdaman mo. I'm sorry."
Iniangat nito ang mukha niya gamit ang mahahabang daliri nito. She saw him smiling. "Don't you hear what I've said? I said, with you, it's fine to be miserable."
BINABASA MO ANG
TRS SC: Make You Mine
RomanceTHE REBEL SLAM SPECIAL CHAPTERS Make You Mine By: Syana Jane TEASER Dahil sa isang palpak na operasyon, umuwi si Lorraine sa Pilipinas upang gamitin ang suspension niya sa InterPol. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote niya at nais...