CHAPTER 11

4.8K 144 9
                                    

CHAPTER 11

"I'M sure of what I saw, Dad. She's a member of that notorious group. I hunted them for months."

Kausap pa rin ni Lorraine si AFP General Lubigan habang patakbong sumunod sa babaeng nakausap sa comfort room. Luminga-linga siya sa paligid nang makalabas sa banyo. Sa opposite direction ng kainan ay ang fire exit. Gumagalaw pa ang pinto niyon. Hindi na siya nagdalawang-isip na puntahan iyon.

"If you're that sure, hindi na kita pipigilan. Follow them but don't engage. Contact Chandler and report to him. Maybe, he'll let you handle this case again."

"I will. Thanks."

Ilan pang instructions ang sinabi ng kanyang ama bago naputol ang linya.

Garahe sa likod ng restaurant ang tinutumbok ng fire exit. Saktong paglabas niya nang makita ang pagsakay ng babae sa passenger side ng pulang Mazda 3. Kita niya mula sa nakabukas na pinto ang isang lalaki sa harap ng manibela. Kahit sa malayo, alam niyang foreigner din ito.

Tinandaan niya ang plaka ng kotse. Nang makaalis iyon ay bumalik siya sa loob ng restaurant. Sa main door na siya dumaan. Hindi niya pwedeng basta iwan si Andrei. Mag-aalala ito sa kanya.

Nakita niya itong nakaupo pa rin sa mesang pinag-iwanan niya rito. Wala na si Jenny doon. Nakatutok ang mga mata nito sa gawi ng comfort rooms. Huminga siya ng malalim at inayos ang mukha.

He may be fine with her job, pero siguradong mag-aalala ito ng husto kapag nalaman nito ang nangyayari. She could still remember the shock on his face when she jumped on his balcony. Baka magpumilit pa ito na sumama sa kanya. She don't want to drag him in this dangerous chase.

"Hey!"

GInulat niya ito mula sa likuran. He almost jumped. Napangiti siya at pansamantala niyang nalimutan ang problema. Pinanliitan siya nito ng mga mata nang bumaling sa kanya.

"'Hey' yourself." HInuli nito ang kamay niya nang akmang aalisin niya iyon sa balikat nito. Mahigpit na hinawakan nito iyon. "Where did you go? Akala ko ba nasa comfort room ka?"

"I was. T-in-ry ko lang lumabas sa fire exit. You know, the door on the other side of the comfort rooms. It actually leads on the garage." Totoo naman iyon. Hindi nga lang niya sasabihin dito na may sinusundan siya.

Tumango-tango ito. "Ahh..."

"Okay na ba ang pang-i-scout mo kay Jenny?"

"Yeah. Pupunta na siya bukas sa Manila para makausap ni Carol. But first, I need to contact my sister first." He looked at her like he was asking for permission. "If that's fine with you."

She can't help but to smile. He looked cute with those brown eyes of his. "Of course. Your phones are on my bag. Can we go now?"

"Sure. Saan tayo pupunta?" Tumayo ito at umagapay sa kanya sa paglalakad. Hawak pa rin nito ang kamay niya.

"I can't go with you." Mabilis siyang nag-isip ng alibi. "My dad called. May inuutos siya sa aking puntahan. Hindi kita pwedeng isama doon."

Kumunot ang noo nito. "Saan?"

"Sa isang military base dito sa Lapu-lapu. May ipinapatingin siya sa akin doon."

Nakakaintinding tumango ito. Walang bakas ng pag-aalinlangan sa mga mata nito sa mga sinabi niya. She somewhat felt guilty.

"I can at least drive you there."

"No need. I can manage."

"Lorraine, mas mapapabilis ang pagpunta mo doon kapag inihatid kita."

TRS SC: Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon