Chapter 6

5.8K 155 3
                                    

Chapter 6

NAGISING si Lorraine sa mga katok sa pinto niya. Iniangat niya ang ulo sa patung-patong na mga unan niya.

"Yes?" sigaw niya. Napaungol siya nang kumirot ang ulo. Ibinaon niyang muli ang mukha sa malambot na mga unan niya. Kulang na kulang pa ang tulog niya.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa ibaba."

May inaasahan ba siyang bisita ngayon? Hinalughog niya sa inaantok na diwa ang mga taong kakilala niya. Iisipin niyang ginu-good time lang siya ng katulong nila nang maalala ang tawag ni Andrei kagabi. Napamulat siya ng mga mata. She looked on her alarm clock. Napamura siya sa isipan nang makita ang oras. Ilang minuto na lang at mag-a-alas otso na! Ang sabi pa naman ni Andrei kagabi ay alas otso sila aalis papuntang Cebu.

"Ma'am?"

Bago pumasok sa banyo ay pinagbuksan niya ito ng pinto. "Pack my things. Mag-a-out of town ako."

Hindi na niya hinintay ang sagot nito at nagmamadaling dumeretso sa banyo.

Ilang minuto lang at bumababa na siya sa living room. Naabutan niyang prenteng nagkakape si Andrei doon kasama ng mommy niya. Nang bumaling tuloy ang mga ito sa kanya ay kunot na kunot ang noo niya. Bakit feeling close ang lalaking ito sa nanay niya at sa bahay nila?

"Ah, there you are." Tumingin si Andrei sa relo nito.

Hindi niya ito pinansin. "Mom, hindi ba dapat ay nasa ospital na kayo ngayon?"

"Papunta na ako doon. Sinamahan ko lang magkape si Andrei." Magiliw na ngumiti ito sa binata. "Thanks for inviting my daughter for an out of town, hijo. Palagi na lang nag-iisa ang anak naming iyan sa pamamasyal. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya..."

She cut her mother's sentences. "Mom, I'm a cop. Walang mangyayaring masama sa akin na hindi ko kayang labanan." Bumaling siya kay Andrei. "I believe we need to go."

Tumango ang binata at tumayo. "Ma'am, pupunta na po kami. Hihiramin ko muna ang dalaga ninyo ng ilang araw. Huwag po kayong mag-alala, ibabalik ko po siya ng walang galos sa inyo."

"Huwag mo na akong i-ma'am, hijo. 'Tita' na lang. Mag-enjoy kayo sa bakasyon ninyo, ha?"

"We will, Tita."

Inihatid pa sila ng mommy niya hanggang sa makasakay sila ng kotse ni Andrei. Nang sila na lang dalawa ng binata ay hinarap niya ito.

"Ano'ng bakasyon ang sinasabi mo? Akala ko ba, business ang ipupunta natin sa Cebu?" sita niya rito.

"Yes. Business nga. Pero saglit ko lang naman kakausapin ang singer na i-scout ko. After that, pwede na akong magbakasyon. Pinalayas muna ako ng kapatid ko sa company para makapagpahinga ng ilang araw."

"Kung ganoon, bakit kailangan mo pa akong isama? I don't want to have a vacation with you."

"Bodyguard kita. Natural na kasama kita."

Pinagsisisihan na niyang tanggapin ang trabahong iyon. "Then, where's your phone?"

"Kailangan ba talagang kumpiskahin mo ang cellphone ko? Paano kung may importanteng tumawag sa akin? O kaya—"

"Ibibigay mo ba ang phone mo o bababa ako dito?"

"Heto na nga."

Inilagay nito sa palad niya ang cellphone nito. May napansin siyang nakaumbok sa dala nitong mailman bag. Inilahad niya ulit ang kamay. Hindi lang dapat siya ang magdusa sa isang buwan na magkakasama sila.

"Ano iyan?" kunot-noong tukoy nito sa kamay niya.

"Give me all your phone."

Iniiwas nito ang mga mata at kunwaring napatingin sa labas ng bintana. "Nasa iyo na, ah."

TRS SC: Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon