Chapter 10
LORRAINE was watching Andrei surf on the large waves of the sea again. He's really great to watch. He's just wearing his swimming trunks at pinagpapala ng magandang katawan nito ang kanyang mga mata. Ekspertong sinasalubong nito ang mga alon at tila karugtong ng mga paa nito ang surf board. He told her once that he really liked the sea and all enthusiasm it could offer since he was a kid. Niyaya siya nito na mag-scuba diving matapos niyang tanggihan ang pagse-surf kasama nito. Mas gusto niya kasing panoorin na lang ito. Mabubusog pa ang mga mata niya.
Napangiti siya nang kumaway sa kanya ang lalaki. Sumaludo pa ito bago sagupain ang isang malaking alon.
I wish I could watch you like this forever.
Natigilan siya sa naisip. Saan nanggaling ang hiling na iyon? Isang linggo pa lamang silang nagkakasama. Kahit na kakaiba at espesyal ang nararamdaman niya para rito, magkaibang-magkaiba pa rin ang mundong ginagalawan nila, literally. Pagkatapos ng suspension niya ay babalik na siya sa trabaho niya sa main headquarters ng InterPol at hindi niya alam kung kailan na ulit siya makakauwi sa Pilipinas. Paano kung sa pagbalik niya ay may girlfriend na ito? O asawa?
Muli niyang pinatigil ang utak niya sa itinatakbo niyon. Paanong napunta doon ang mga iniisip niya? Para kasing inaamin niya sa sarili na gusto niya si Andrei. O mas higit pa doon.
Well, hindi niya masisisi ang sarili kung mahulog man ang loob niya rito. Ito lang ang kaisa-isang tao na nakaintindi sa kanya, tinanggap siya kung sino siya at kinilala ang totoong siya.
Siya rin ang taong humawak sa kamay ko hanggang sa makatulog ako.
Nag-init ang mga pisngi niya nang maalala iyon. After she told him her fears and thoughts about the incident on her last mission, and also her nightmares, pinatulog siya nito sa kwarto nito. Nagpahinuhod lang siya. Gusto niyang magkaroon ng kasama. Gusto niyang makasama ito.
Sa sofa sana ito matutulog pero sinabihan niya ito na tumabi na lang sa kanya. Nakakahiya naman masyado na pagkatapos niya itong istorbohin ay ito pa ang hindi hihiga sa kumportableng lugar. Besides, malapad ang kama. Mayroon pa ngang malaking espasyo sa pagitan nila nang mahiga ito.
Ang space na iyon na lumiit pagkagising niya na nasa loob ng mga bisig ni Andrei at nakayakap rin siya rito.
So yeah, that was more than holding hands in the morning.
Mariin siyang napapikit habang inaalis sa utak ang tagpong iyon. Pero parang nananadya ang sarili niya dahil naaalala pa niyon ang init ng yakap nito at ang gwapong mukha nitong namulatan niya. Even in his sleep and in the morning, he's still handsome. He's still like a beautiful painting she had once described him. Iyong tipo ng painting na hindi niya basta-basta malubayan ng tingin. Kung hindi pa ito nagising ay hindi siya babalikwas ng bangon at aalis sa kama nito.
She could feel the heat of the sunny weather on her skin but the burning of her cheeks was hotter. Dinampot niya ang malamig na juice niya at dere-deretsong nilagok iyon.
Simula nang umagang iyon, tila nagkaroon na sila ng espesyal na koneksyon ng binata sa isa't-isa. Hindi na sila nagtatalo and she knew something has changed in her. Hindi na umiinit ang ulo niya rito at naging mas komportable na siya rito.
Idinikit niya ang baso na yelo na lang ang laman sa nag-iinit niyang pisngi. Nakita niyang paahon na si Andrei. Tumutulo mula sa buhok nito ang tubig dagat papunta sa gwapong mukha nito, pababa sa malapad na katawan nito. Nagpista na naman ang mga mata niya sa mga nakikita.
"Oh my gosh, he's so hot!"
"Who is he? Can we talk to him?"
Nalingunan niya ang babaeng ipinapaypay ang kamay sa sarili habang kausap ang kasama nitong babae na malagkit din ang pagkakatingin kay Andrei. Napansin niyang hindi lang siya ang nagpipyesta sa binata. Pati pala ang iba pang mga babaeng naroon.
BINABASA MO ANG
TRS SC: Make You Mine
RomanceTHE REBEL SLAM SPECIAL CHAPTERS Make You Mine By: Syana Jane TEASER Dahil sa isang palpak na operasyon, umuwi si Lorraine sa Pilipinas upang gamitin ang suspension niya sa InterPol. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote niya at nais...