"WHAT a coincidence? You're also here."
Nag-angat ng ulo si Lorraine mula sa frappe niya. Awtomatikong napataas ang kilay niya nang makita si Andrei Davis na nakatayo sa harap ng mesa niya. May nakakainis na ngiti sa mga labi nito.
"Are you following me?"
"Don't flatter yourself too much, Miss. I'm here for a business meeting." Walang pasintabing umupo ito sa bakanteng silya sa harap niya.
"I thought you're here for a meeting, why are you here in my table?"
"I was a bit early for my meeting. Wala pa rin ang client ko. Since, magkakilala tayo, hindi naman siguro masama kung magkukwentuhan tayo saglit."
"Hindi kita kilala."
"Hey! That's a bit harsh for someone who made an offense."
"Wala akong ginagawang masama sa 'yo."
"Ano'ng tawag mo sa pagpilipit mo sa braso ko?"
"That's your fault. In case you didn't know, touching a girl without permission is considered to be harassment. Lumalabag ka sa batas at karapatang pantao."
"If you didn't acted that way, hindi mangyayari iyon. At paglabag din sa batas at karapatang pantao na sinasabi mo ang pananakit sa akin."
"You provoked me first. Iyon ang nababagay sa iyo."
"Do you always put the law in your hands? Or should I ever ask, are you really a lady? Masyado kang bayolente!"
Waring may lumalabas na electric volts sa mga mata nila na gustong tupukin ang isa't isa habang nakatingin sila sa isa't isa. They hated each other that much.
"I'm not a lady. Masaya ka na?"
Padabog na tumayo siya bitbit ang black forest frappe niya.
Tumayo din ito at humarang sa daan niya. "Where are you going? Hindi pa tayo tapos mag-usap."
"Don't ever try to stop me again. Baka sa ospital ka na pulutin ngayon," banta niya rito.
"Sit down," maawtoridad na sabi nito na lalong nakapagpainit ng ulo niya.
"No. You have no right to command me."
"I'm requesting you."
"You still have no right."
"May kasalanan ka sa akin."
"I don't know what you're talking about."
"Manager ako ng banda ng kapatid mo."
Napataas ang isang kilay niya. Gusto niyang alisin ang ngisi sa gwapong mukha nito. Oo! Inaamin naman niya na gwapo ito! Nakakainis!
"So what?"
"Don't you want me to be good to them and their career?"
"Are you threatening my brother's career?" Ah! Ang sarap siguro nitong paluhudin sa harapan niya kapag sinikmuraan niya ito.
Pero hindi nga pala niya dapat gawin iyon. Tulad ng sabi nito at ipinahihiwatig, hawak nito ang karera ng banda ng kapatid niya at mga kaibigan nito. She knew how Mark and his friends loved playing their music. Kita niya iyon sa pagtugtog ng mga ito. Nakikita niya rin na malayo ang mararating ng mga ito. They are one heck of a band! Bukod pa doon ay pawang may mga itsura ang mga myembro. Hindi naman niya maaatim kung hindi mabibigyan ng tsansa ang mga ito ng dahil sa kanya. Kita niya pa naman ang kaseryosohan sa mukha ng lalaking ito.
"Medyo." Nagkibit-balikat si Andrei. "Can we please sit down?"
Tutal nag-'please' naman ito, bumalik na rin siya sa upuan niya. Isa pa ay pinagtitinginan na rin siya ng ibang customer sa paligid. She looked outside the café.
BINABASA MO ANG
TRS SC: Make You Mine
RomanceTHE REBEL SLAM SPECIAL CHAPTERS Make You Mine By: Syana Jane TEASER Dahil sa isang palpak na operasyon, umuwi si Lorraine sa Pilipinas upang gamitin ang suspension niya sa InterPol. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote niya at nais...