"ALLYZA!" tuwang bati niya sa dalaga nang sumulpot ito at ang kapatid niya sa restaurant na iyon.
"Hi, Ate Lorraine."
Nakipagbeso siya rito nang makalapit ang mga ito. It's been a week since she last saw her. Hindi na niya kailangang magtanong kung nagkabalikan na ito ang kapatid niya. Halata naman sa magkahawak na mga kamay nito.
Her mother set this family dinner para daw i-celebrate ang pagkabuo ng pamilya nila. General Abraham Lubigan, their father, was there, too. Na-late ito ng dating pero nauna pa ito kina Mark at Allyza.
Naupo ang dalawa sa bakanteng upuan. Napansin niya ang pagkailang sa mga mata ni Allyza nang mapagawi ang tingin sa heneral. Hindi niya ito masisi. Her father could be intimidating sometimes.
"Allyza dear, I'm glad you came."
"I can't say no to Mackey, Tita. Thanks for inviting me." Nakipagbeso rin ito sa mommy niya.
"Abet, your son's girlfriend is so beautiful, no?" wika ni Catalina kay Abraham.
Pilit na tinanguan naman nito ang nobya ni Mark. Tipid na nginitian lang ito ng dalaga. Ramdam niya ang tensyon sa dalawa.
Nakilala na ni Allyza ang parents nila noon pa man. Ang hindi niya alam ay kung bakit ganoon ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa. Even Mark is a little cold on their father. Ano kayang nangyari habang wala pa siya sa Pilipinas?
"Allyza dear, don't you like the foods?" maya-maya'y tanong ng mommy niya. "Masama ba ang pakiramdam mo?"
Napansin niya rin na hindi nito gaanong ginagalaw ang pagkain nito. Inabutan niya ito ng isang dish kanina pero tinikman lang nito iyon. Kung wala man itong gana ngayon, sigurado siyang hindi dahil sa masama ang pakiramdam nito o ano. She looked at her father. Nakatutok ang atensyon nito sa pagkain na para bang hindi sila nag-e-exist doon. Typical of her father. Matagal na siyang sanay doon.
Hay, kung ang makakasabay ay ang katulad ni dad, mawawalan talaga ng gana ang taong iyon.
"I like the foods, Tita. I'm fine. Medyo busog na po kasi ako."
Kung ang ina niya ay naniwala doon, siya ay hindi.
"Well then, try the dessert. Mabigat nga sa tiyan ang mga dishes nila dito."
Tumango ang dalaga at kinuha ang iniabot na pinggan ng ginang. "Salamat po, Tita."
"You still had a lot in your plate. Paano ka nabusog ng apat na kutsarang pagkain?"
Napatingin silang lahat nang biglang sumingit sa usapan ang daddy niya.
"She said she's full, honey. May mga tao talagang mahina kumain," pagtatanggol ng mommy niya.
"Yeah, just by looking at her. I can say that. She's too skinny."
Oohh... there's really something going on.
Nagtaka naman siya sa inaasal nito. Hindi nito gawaing makialam sa ibang bagay na walang kinalaman sa kaligtasan ng bansa. And yes, kaligtasan na rin ni Mark mula nang mangyari ang insidente sa Baguio.
Tila hindi na nakapagtimpi si Allyza rito. Kinuha nitong muli ang plato nito at kahit na anong pigil nila dito ay kumain ulit ito.
"Very well. Maraming tao ang gustong kumain pero walang makain."
"Dad," saway niya rito. Nahihiya na siya sa mga sinasabi nito sa dalaga.
Inilayo ni Mark ang plato sa nobya nito.
"It's alright," wika nito sa kanya. Bumaling ito sa ama niya. "Hindi rin naman ako dapat magsayang ng pagkain. Maraming nagugutom na bata, hindi ho ba?"
BINABASA MO ANG
TRS SC: Make You Mine
RomanceTHE REBEL SLAM SPECIAL CHAPTERS Make You Mine By: Syana Jane TEASER Dahil sa isang palpak na operasyon, umuwi si Lorraine sa Pilipinas upang gamitin ang suspension niya sa InterPol. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa kukote niya at nais...