II. Celebration

458 14 0
                                        


Kasabay nang pagtapos ng kanta ang sabay na pag-bow ng magkapareha. Nakangiti silang humarap sa manonood.

Napatigil ang binata sa paglakad nang makaramdam s'ya ng kirot sa kaliwa niyang binti. Nakaramdam din siya ng sakit ng ulo.


"D-dino? Are you okay?" tanong ng dalaga nang mapansin niya rin ito. Tumango lang ang lalaki bilang sagot.
Hindi na lamang pinansin ng binata ang kirot at nagpatuloy sa paglakad.

Tinawag na ang lahat ng competitors dahil iaannounce na kung sino ang mananalo.

"The winning couple will be having 50,000 pesos cash and will be giving a chance to dance and represent our country in the U.S!"

Hindi na makapaghintay ang lahat kung sino ang mananalo. Lalong-lalo na ang dalawa na kapwa gustong makapunta sa U.S at irepresinta ang bansa.



"The winner of our Social Dance Competition Year 5 is none other than..." saglit na huminga ang announcer na naging dahilan kung bakit mas kinabahan ang mga competitors.

"Dino Villegas and Cina Alcantara!" Dahil sa tuwa ng dalawa ay hindi nila napigilang yakapin ang isa't isa.

"Nanalo tayo, Dino!" tuwang-tuwang sambit ni Cina.

"Oo, Cina," pagsang-ayon ng binata.

Magkasama nilang tinanggap ang premyo at ang katunayan na sila ang rerepresinta sa bansa. Nakangiti silang nagpapicture sa bawat taong lumalapit sa kanila.

Isang babae ang lumapit kay Dino.

"Ahhh, sir pwede bang magpapicture?" nahihiyang sabi ng babae.

"Sir? Dino na lang."

Tinawag ni Dino si Cina para kuhanan sila ng litrato. Agad na nagpasalamat ang babae at umalis na.


Marami na ring manonood ang nagsialisan. Tinawag na rin sila Dino ng kanilang Manager para umuwi na at icelebrate ang pagkapanalo nila.


"Cheers!" sigaw nila.
Ang lahat ay masayang nagdiriwang ng pagkapanalo ni Cina at Dino sa kumpetisyon. Kasalukuyan silang nasa isang restaurant.

"Kayo ang irerepresinta ng bansa. Ang saya naman! Congratulations!" bati ng babaeng manager nila sa kanila.

"Congratulations sa atin!" sigaw ni Cina.

"Tama!" sigaw naman ni Dino.
Masaya silang kumain sa restaurant na iyon.

"I am sure, they are very proud of you, Dino," wika ng manager niya. Tinutukoy nito ang mga magulang ni Dino.

"Kahit na nasa langit na sila, nararamdaman kong proud na proud sila sa akin, Manager Kim," Nakangiting sagot ni Dino habang iniisip ang mukha ng kan'yang mga magulang na kapwa nakangiti sa kan'ya.

"Kailan nga ulit kayo lalaban international?" tanong ni Manager Kim.

"Next year po, January 31. Kung October 23 ngayon may 100 days pa para mag-prepare," sagot ni Cina.

"Mapaghahandaan n'yo pa pala yan,"

Pagtapos nilang kumain ay nagkuwentuhan sila tungkol sa nangyari kanina. Nag-asaran at kung ano-ano pa. Pagkatapos ay naisipan na nilang umuwi.

---

Feel My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon