"Doc, kamusta siya?" tanong ni Manager Kim.
"Natutulog pa ang pasyente."
"Ibig kong sabihin, kamusta ang lagay niya?" tanong pa ni Manager Kim sa doktor. "Sabihin n'yo sa 'kin."
"Inaalam pa namin kung bakit lumala ang sakit n'ya. Pag lalo pang nagtagal ang pananakit ng binti n'ya, kailangan na nating putulin."
"Putulin? Niloloko niyo ba ako Doc? Bakit kailangang putulin? Hindi! Hindi pwede!"
"Wala na ho tayong magagawa pa."
"Anong wala? Diba doktor kayo? May magagawa pa kayong iba bukod d'un! Maghanap kayo ng paraan! Hindi pwedeng maputol ang paa niya!"
Hindi na napigilan ni Manager Kim na sumigaw. Hindi niya matanggap ang sinabi ng doktor.
"Yun na nga ho, doktor lang ako hindi ako Diyos. Maiwan ko na ho kayo."
"P-pero Dok! May iba pang paraan 'di ba? Dok! Dok naman!"
Tuluyan nang iniwan ng doktor si Manager Kim sa tapat ng pintuan ng kwarto kung saan naroroon si Dino. Gustuhin man niyang wag ipaalam sa binata ang sinabi ng doktor ay wala s'yang magagawa kundi ipaalam ang lagay ng binata.
Papasok na s'ya ng kwarto ng makita n'ya ang isang babaeng umiiyak. Papalapit ito sa kan'ya. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Manager Kim.Tinitingnan lamang ito ni Manager Kim.
"Hindi s'ya pwedeng mawalan ng paa. Gusto ko pa syang mapanood sumayaw," wika ng babae kay Manager Kim.
"Ha? A-anong--Teka, sino ka?"
"Masyado pang bata si Dino para maputulan ng paa. Ayokong makita s'yang ganoon. Ayokong makita s'yang malungkot. Hindi ko gustong *huk*.."
"T-teka, iha. Tumahan ka muna."
Hinaplos haplos ni Manager Kim ang likod ng dalaga. Pinaupo n'ya ito.
Kahit hindi n'ya alam ang pangalan ng dalaga, ay parang alam n'ya kung sino ito."Tumahan ka muna iha. Fan ka ba n'ya?" tanong ni Manager Kim. Tumango ang dalaga. Ngumiti si Manager Kim sa nalaman n'ya.
"Siguro ikaw yung---"
"Shhhh.. Wag nyo pong ituloy 'yan. Hindi po ako," tanggi ng dalaga.
Mas lalong napangiti si Manager Kim.
"Alin ang hindi ikaw? Wag mong sabihing alam mo ang sasabihin ko kaya tumanggi ka kaagad?"
"H-hindi po. Hindi po talaga ako," pagtanggi pa n'ya. Pinunasan n'ya na ang luha n'ya.
"Hindi? Sige nga. Bakit ka nagregalo ng sapatos?"
"Po? Hindi po ako yun. Teka, nagkasya po ba sa kan'ya?"
"O edi ikaw nga! Ikaw yung---"
"Wag po kayong maingay! Baka malaman ni Papa. Nandito po kasi sila."
"Ha? Naospital ba ang Papa mo?"
"Nako hindi po! Ano po kasi, si papa po ang may-ari ng hospital na ito,"
"Ano? Anong sabi mo? Hindi nga?"
"Mommy!" Napalingon ang dalawa sa tumawag. Isang batang lalaki ang tumakbo papalapit sa dalaga.
"Ow baby.. Why are you here?" tanong ng dalaga doon sa bata.
"Eh kasi nihahanap kita. Uuwi na daw tayo. Let's go na Mommy!"
"Sure baby."
"A-anak mo?" tanong ni Manager Kim.
"Po? H-hindi po,"
"No way Mommy! Ikaw kaya ang mommy ko tapos diba ang daddy ko yung ido---" Tinakpan agad agad ng dalaga ang bibig ng bata.
"Sige po, aalis na po kami. Baka kung ano pang masabi ng batang 'to hehehe."
Nagsimula ng maglakad ang dalaga papalayo kay Manager Kim.
"Teka anong pangalan mo?"
"Micah po! Bye po! Ingat!"
Tuluyan ng umalis ang dalaga kasama ang maliit na bata.
"Weird," bulong ni Manager Kim.
---
BINABASA MO ANG
Feel My Heart
RomanceDino Villegas, kilala ang pangalan na ito sa larangan ng Dance Sport. Mapa-latin dance, rumba, jive, tango, waltz at kahit ano pa ay kayang-kaya niya kasama ang kapareha niyang si Cina Alcantara... Ngunit paano kung isang araw magkaroon ng problema...