XII. Giving Up

198 13 0
                                    

Pumasok si Manager Kim sa kwarto ni Dino. Bumalik ang lungkot sa kan'yang mukha nang makita n'ya ang kalagayan ng binata.



"Kung kaya ko lang gawin ang lahat para sa 'yo." Malungkot si Manager Kim dahil sa nalaman n'ya kanina. Hindi n'ya akalaing sa ganoong tagpo ang kahahantungan ng binata.
Napansin nyang nagising na si Dino.



"Manager Kim," tawag ng binata.
Isang malungkot na ngiti ang isinalubong ng Manager n'ya sa kanya.



"Kamusta ang pakiramdam mo, Dino?"


"Hindi naman ako magiging okay."


"Huwag mong sabihin 'yan. May pag asa pa."



"Wala na Manager Kim, siguro hindi na ako aabot ng 19, mamamatay na ako."


"Huwag mo namang pangunahan ang Diyos. May posibleng dahilan kung bakit ka nagkaganito."


"Manager Kim naman, isinakripisyo ko ang pag aaral ko ng college para dito. Akala ko magtatagumpay ako, hindi pala. Kung hindi sana namatay sina mama at papa edi sana hindi naging mahirap ang buhay ko."


"Kung hindi nangyari 'yun, hindi mo siguro ako makikilala." Malungkot na sabi ni Manager Kim habang inaalala ang pagkakakilala nila. "Kung siguro hindi kita nabangga noong bata ka pa, hindi siguro kita nakilala."



"Sana nga natuluyan na lang ako. Nakakalungkot isiping imbes na ang pangarap ko ang nagpapalakas ng loob ko para lumaban ay ito pa ang nagpapahina sa akin. Tingnan mo ako, ilang linggo lang ang lilipas mawawalan na rin ako ng silbi."




"Ang sabi ng doktor, kailangang putulin na ang paa mo para hindi ka na mahirapan. Ayokong pumayag,"



"Wala naman tayong magagawa."



"Meron, may iba pang paraan para magamot ka. Hindi totoong walang gamot sa sakit mo. May gamot sa lahat ng karamdaman."


"Suko na ako Manager Kim."
Nagulat ang Manager n'ya sa kan'yang sinabi.



"Ganoon na lang ba kadali sa iyo ang lahat? Ganoon mo na lang ba kadaling bibitawan ang pangarap na sinikap mong mabuo? Ganitong pagsubok lang, titigil ka na? Naalala mo ba kung gaano kadami na ang naisakripisyo mo para dito? Almost 8 years mo nang hawak ang talento mo. Iiwan mo na lang?"



"Hindi ko sila iniwan. Sila ang mismong lumayo. May sakit ako at malala. Ano pang magagawa ko ngayon? Sumuko na tayo. Suko na ako."


"Hindi ako makapaniwalang itatapon mo na lang lahat ng pinaghirapan natin. Ako lang yata sa atin ang nagpupursigi sa'yo. Ako lang yata ang naniniwalang may pag-asa pa. Mag isa lang pala akong nagtitiwala sa Diyos na gagaling ka pa. I am very disappointed."



Napatigil ang dalawa nang may kumatok sa pintuan ng kwarto kung saan sila naroroon.



---

Feel My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon