"The last competitor! The undefeated champion in social dances! Let's welcome Dino Villegas and Cina Alcantara!"
Malakas na palakpakan at hiyawan ang pumuno sa buong auditorium nang pumunta na sa gitna ang magkaparehang si Dino Villegas at Cina Alcantara. Kapwa sila nakasuot ng magarang damit na kanilang ipangsasayaw.
"We can do it, Dino," sabi ng dalaga sa kapareha n'ya.
"Alam ko, Cina," wika naman ng binata.
Kapwa sila nakangiti at walang bahid ng kaba sa kanilang mukha. Panatag silang magagawa nila nang maayos ang kanilang inihandang sayaw.
Narinig na nila ang strum ng gitara ni Ed Sheeran na hudyat na simula na ang kanta.
---
When your legs don't work like they used to before..
---
Nakangiti nilang sinimulan ang kanilang sayaw. Ang mabagal na kanta na umaangkop sa mabagal na sayaw nila.
---
And I can't sweep you off of your feet...
---
"Huwag mong kalimutan ang sinabi ko. Ang emosyon," bulong ni Dino kay Cina.
"Oo na," sagot ng dalaga.
---
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheek?---
"You will love me and I will love you," bulong pa ng binata na para bang inaasar ang dalaga.
"Oo alam ko na 'yan, para kunwari may emosyon."
"Do you love me?" tanong ng lalaki habang nakatingin ito sa mga mata ng dalaga. Sandaling natigil ang dalaga at sinagot ang tanong nito.
"Yes I do," sagot nya nang nakangiti.
---
And darling I will be loving you 'til we're seventy
And baby my heart could still fall as hard as twenty three
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just a touch of a hand
Well me, I fall in love with you every single day
I just wanna tell you I am...---
"Smile," paalala ulit ng lalaki sa kan'ya.
"Tsk. Alam ko, hindi mo naman kailangang paulit-ulitin sa akin," asar na bulong ng dalaga.
"Naasar ka na ba?"
"Pansin mo ba?"
Kahit inis na inis na ang babae ay hindi n'ya maalis ang ngiti niya dahil sumasayaw pa rin sila.
---
So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
Maybe we found love right where we are.---
Votes and comments are highly appreciated!
BINABASA MO ANG
Feel My Heart
RomanceDino Villegas, kilala ang pangalan na ito sa larangan ng Dance Sport. Mapa-latin dance, rumba, jive, tango, waltz at kahit ano pa ay kayang-kaya niya kasama ang kapareha niyang si Cina Alcantara... Ngunit paano kung isang araw magkaroon ng problema...