XIII. A Fan

183 13 2
                                    

Napuno ng katahimikan ang kwartong iyon. Nagpakilala ang doktor na siya ang may-ari ng hospital at siya rin ang gagamot kay Dino. Ayaw pumayag ni Dino dahil suko na siya. Ayaw niya nang mahirapan pa ang doktor at ang Manager niya, hindi niya na rin gustong pahirapan pa ang sarili niya kung mamamatay siya, mamamatay siya.


Umalis ang doktor at nagsabing bibigyan niya ng oras ang binata para makapag-isip ng tamang desisyon.



"Bakit ka ba gan'yan Dino? Mahiya ka naman sa doktor, sa amin! Kami 'tong nagpupursigi sa 'yo tapos gan'yan ka! Tulungan mo naman ang sarili mo!" sigaw ni Manager Kim sa binata.


"Paulit-ulit na lang ba tayo Manager Kim? Ito ang desisyon ko, ayoko nang mahirapan! Gusto ng Diyos na mamatay na ako kaya niya ako binigyan ng ganitong sakit! Gusto niya akong pahirapan! Ayaw na niya akong maging masaya! Bakit pa ako aasa kung wala ng pag asa?"


"Mali ka! Kailangan mo lang magtiwala! Kailangan mo lang magtiwala sa Diyos! Nandito rin ako lagi sa tabi mo, tutulungan kita at sasamahan hanggang sa gumaling ka kahit maubos na ang pera ko, magamot ka lang."



"Hindi ko kailangan ang Diyos! Hindi rin kita kailangan! Iwan mo na ako rito katulad ng pag iwan sa akin ng mga magulang ko! Diba mas maganda 'yon? Wala ng pabigat sa buhay mo!"



Nagulat si Manager Kim sa sinabi ni Dino. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng binata. Halos manginig ang kamay niyat mapaupo siya sa lapag. Nakayuko si Manager Kim habang hawak ang kan'yang dibdib at umiiyak.


"Minahal kita na parang anak ko Dino tapos sasabihin mong hindi mo ako kailangan..."


"Hindi ko na kailangan ng pagmamahal mo."


"Pakiramdam ko, ako ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganiyan. May masama ba akong nagawa sa 'yo para ganito ang iganti mo?"


"Hinayaan mo akong magkaroon ng pangarap na sisira sa akin."


"Pero ginusto mo 'yon! Diba? Pangarap mo 'yon! Hindi sa akin! Ikaw ang nagdesisyon!"


"Hinayaan mo ako!"


Napalingon ang dalawa ng biglang bumukas ng malakas ang pinto. Nakita nila ang isang dalagang papalapit kay Dino.


"Bakit ayaw mong magpagamot?" sabi niya sa binata. "Bakit? Sabihin mo sa akin! Bakit?" sigaw pa nito habang niyuyugyog ang balikat ng binata. Patuloy na tumutulo ang luha sa mata ng dalaga. Puno ng pagtataka ang mukha ni Dino dahil hindi niya alam ang dahilan kung bakit may isang babaeng umiiyak sa harapan niya. At ang babaeng 'yon ang alam niyang nagbibigay at nagpapadala sa kaniya ng mga regalo dati.


"Ang tanga tanga mo! Ayokong mamatay ka! Please magpagamot ka! Please Dino, please. Utang na loo, Dino." Hinampas-hampas pa niya ang dibdib nito. Si Manager Kim ay patuloy pa ring umiiyak sa sahig dahil sa nakikita niya.


"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'yung nagpa-picture sa 'yo dati! Ako 'yung nagpapadala sa 'yo ng mga regalo! Ako! Ako---Fan mo ako Dino! Hayaan mo akong makita kang sumayaw muli! 'Yun lang ang pangarap ko sa buong buhay ko, ang maging taga-hanga mo! Kaya please magpagamot ka! Ayokong makita kang nahihirapan, gusto kong gumaling ka..."



Puno man ng pagtataka ang mukha ng binata ay niyakap niya ang dalaga para patahanin ito. Mahigpit na yumakap ang dalaga kay Dino na para bang ayaw niya ng pakawalan pa ito. Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya at masaya siya dahil sa pakiramdam na iyon.


"Please, Dino. Parang awa mo na."


---

Feel My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon