Last

292 13 6
                                    

"Hello papa?" tawag ni Micah sa kaniyang ama sa telepono. "Kumusta po? Si baby Jiffer kumusta po?" Kasalukuyan pa rin silang nasa America.


("Anong kumusta? Kayo ang kumusta? Nanalo ba kayo?")

"Hehehe abangan niyo na lang po sa dyaryo."

("So nanalo nga kayo? Congrats anak, masaya ako para sa 'yo. Namimiss ka na nga pala ni Jiffer, nagtatanong nga kung nasaan ka ang sabi ko nasa daddy niya. Ayun nagtatalon.")

"Salamat po papa. Sobrang saya ko po talaga papa. Hindi ko po inasahang mananalo kami kasi naman...Ayan naiiyak na naman ako." Dalawang araw na ang nakakalipas nang maganap ang World Dance sport Competition at nakuha nila ang titulo. Nag-extend sila ng isang linggo sa America, samantalang si Manager Kim ay umuwi na dahil aayusin niya pa raw ang mga papeles at siya rin ang kakausap sa mga interviews ng media.

("Pag-uwi mo rito tsaka ka na lang magkwento. Sabihin mo kay son-in-law, 'wag kang papabayaan kundi hindi ko siya bibigyan ng blessing.")

"Papa naman, mag-iingat po ako rito. Kayo rin po mag-ingat rin po kayo. Huwag po kayo masyadong magpapagod ha? I love you."

("I love you too, anak.") Pinunasan ni Micah ang kaniyang luha bago niya ibinaba ang telepono.

"Micah si papa ba ang kausap mo?" tanon ni Dino. Natawa naman si Micah sa pagtawag ni Dino ng 'papa' sa kaniyang tatay. Tumango siya.

"Sayang naman, hindi ko siya nakausap."

"Eh 'di pag-uwi na lang natin."

"Teka, Micah. Sino si Jiffer?" pagtatakang tanong ni Dino.

"My baby."

"M-may anak ka na Micah?" Gulat na tanong ni Dino.

"No, he's my baby brother. Ayaw niya kasing tinatawag ko siyang bunso, gusto niya baby. Kasi anak ko raw siya."

"Ganon? Hindi ko alam na may kapatid ka pala. Ang dami ko pa yatang hindi alam sa 'yo, Micah."

"It's not your fault. Ako naman 'tong hindi nagkukwento eh. Hayaan mo, ikukwento ko sa 'yo lahat ng nangyari sa buhay ko simula nung magkamuwang ako. Gusto mo?" Tumango si Dino at ngumiti. "Interesting..."

"Syempre, kukuwentuhan mo rin ako."

"Oo naman. Ano? Tara na ba?" yaya niya.

"Saan? Pwedeng pahinga muna tayo?"

"Sa Pilipinas ka na magpahinga. Sayang ang oras natin dito sa America," sabi ni Dino at hinila si Micah. Lumabas sila sa room nila at sumakay sa elevator papunta sa lobby.

"Dino! Bakit ang pangit mo?" pang-aasar ni Micah.

"Pangit ka d'yan."

"Promise, ang pangit mo ngayon. Naligo ka ba?"

"Huwag mo nga akong pinaglololoko, Micah. Nakita mo naman akong naligo kanina. Pinaamoy ko pa nga sa 'yo 'yung hininga ko eh." Namula naman si Micah sa sinabi ni Dino. Binelatan niya na lang si Dino.

"Itigil mo nga 'yan! Para kang bata!" sigaw ni Dino.

"Mahal mo naman," pang-aasar pa ni Micah at binelatan ulit si Dino. Pagod lang siguro si Micah kaya may saltik siya sa ulo ngayon at pinagtitripan si Dino.

"I said stop doing that." Pero imbes na tumigil ay binelatan pa rin ni Micah si Dino.

"Itigil mo sabi," seryosong sabi ni Dino. Nanliit naman ang mga mata ni Micah.

"Sige na nga ititigil ko na. Eto gusto mo?" Inilabas ni Micah ang dila niya at pinadaan sa pagitan ng taas at ilalim niyang ngipin na para bang nang-aakit. Tapos, ngumuso pa siya. Hindi nakapagpigil si Dino kaya ikinulong niya si Micah sa kaniyang kamay. Inilagay ni Dino ang kamay niya sa gilid ng elevator katabi ng ulo ni Micah. Tumingin si Dino sa mga mata ni Micah at nagsalita.

"Stop seducing me, Micah," deretsong sabi ni Dino.

"Why would I?" she smiled and put her arms around his nape. She kissed him. He responded.

Nakalimutan nilang nasa loob sila ng elevator kaya naman nang magbukas iyon ay nakita sila ng isang matandang babae.

"Oh my goodness! Don't do that here in elevator! Go and check-in! And don't forget to use condoms!" sigaw ng matanda kaya napatigil si Micah at Dino. Bago umalis ang matanda ay nagsalita pa ito. "Children nowadays. Tsk tsk very agressive," bulong pa nito. Nagtinginan naman silang dalawa at napangiti. Tila ba nag-uusap ang kanilang mga mata. Pinindot ni Dino ang 29th floor kaya muli itong sumara. He pulled her again and put his hands on Micah's cheek.

"Wanna continue?" tanong ni Dino na may pilyong ngiti sa kaniyang labi. Ngumiti si Micah at nagsalita.
Lumapit siya kay Dino at inilagay ang mga kamay niya sa bewang nito.

"I love you Dino."

"I know you do and I love you too Micah." He smiled and kissed her again.

THE END.

---

So, nasagot ko na ba ang tanong?

Don't forget to comment and vote! Thank you very much!

Feel My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon