IX. A Pair of Shoes

195 10 0
                                    

"Bakit ka nakangiti d'yan? Ha? Dino?" tanong ni Manager Kim sa binata. Kasalukuyang nagpupunas si Manager Kim ng mesa.



"Ha? Ano wala.."


"Teka? May padala na naman?"


"Oo Manager, heto o," turo ng lalaki sa hawak n'yang kahon.



"Aba, naghihinala na ako d'yn. Babae kaya yan o lalaki? Nako baka may masamang intensyon 'yang nagpapadala."



"Mukhang wala naman Manager Kim,"


"Anong wala?"


"Mukhang wala naman s'yang balak na masama. Mukhang mabait nga e."


"Ehhhh? Anong ibig mong sabihin?"


Ngumiti na lang ang binata bilang sagot. Tiningnan n'ya ang kahon ng regalo. Nagtaka sya ng makita nya ang isang pares ng sapatos.



"Sapatos?" tanong ni Manager Kim. "Wag mong sabihing alam n'ya ang size ng paa mo?"


"Hindi ko alam,"


"Grabe, stalker ba s'ya? Isukat mo nga ng malaman natin!"


Sinunod naman ni Dino ang utos ni Manager Kim. Umupo s'ya sa sofa at ibinaba ang saklay na kapit n'ya. Kinuha n'ya ang kabaak na sapatos at isinuot sa kanan nyang paa. Napalunok s'ya nang hindi magkasya ang sapatos sa paa n'ya. Masyadong malaki yung sapatos. Napangiti sya ng maalala n'ya ang mukha ng babae kanina.

"Hindi sya stalker Manager Kim, ito ang patunay."



"Nakita ko nga! Grabe! Sayang naman 'yan, hindi mo magagamit," giit ni Manager Kim. "...pero kung sabagay nag effort s'ya na regaluhan ka ng sapatos kahit hindi nya alam kung kakasya ba s'ya o hindi. Akala ko pa naman kakasya sa 'yo medyo maliit pala 'yang paa mo," dugtong pa n'ya.



Ibinalik na lamang ni Dino ang sapatos sa kahon. Kinuha n'ya ang kanyang saklay at pumunta sa kwarto n'ya. Itinabi n'ya ang kahon.



"Kahit ako, umasa din akong kakasya sa akin hahaha," bulong n'ya sa kanyang sarili.



Bigla n'yang nabitawan ang saklay n'ya sa kaliwa n'yang paa na naging dahilan ng pagsigaw niya ng malakas. Napaupo s'ya sa sahig. Wala s'yang magawa kundi indahin ang kirot ng paa n'ya. Maluha luha ang binata habang inaabot ang kanyang saklay.



Dali daling pumunta si Manager Kim kung nasaan si Dino nang marinig n'ya ang pag sigaw nito.


"D-dino? Anong nangyari sa 'yo?" puno ng pag-aalalang tanong ni Manager Kim.


"Okay ka lang ba? Kaya mo bang tumayo? Teka, tutulungan kita." Inabot ni Manager Kim ang saklay nito at tinulungang tumayo.



"Mas-sak-kit M-manager K-kim,"


"T-teka, dadalhin kita sa hospital. Tatawag ako ng ambulansya."



---

Feel My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon