"D-dino... Magiging okay rin ang lahat."
"Paano kung hindi Manager Kim?" tanong ni Dino. Pagkatapos nilang malaman na may nangyaring masama kay Micah at sa papa nito ay agad silang pumunta sa hospital. Nabangga raw ang sinasakyang kotse nila Micah ng isang truck. Nasa emergency room si Micah at kaniyang ama dahil malala ang natamo nito sa pagkabangga nila.
"Ngayon ka pa ba hindi magtitiwala sa Panginoon?"
"Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko Manager Kim."
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala niya kay Micah. Bakit nga ba ngayon pa ito nangyari? Ilang araw na lang ang kompetisyon pero may nangyari pang masama.Ilang sandali pa ay inilabas na sa emergency room ang ama ni Micah. Ipinasok ito sa ordinaryong kwarto.
"Okay na po ba siya Doc?" tanong ni Manager Kim sa doktor na nag-opera sa ama ni Micah.
"Oo, kailangan niya lang magpahinga. Mamaya rin ay gigising na siya."
"Salamat po Doc."
"S-si Micah po? Kamusta na?" tanong ni Dino sa doktor.
"Malubha pa rin ang lagay niya iho."
"Sabihin niyo sa akin Doc, kailan siya gigising?" tanong pa ni Dino. Sobra-sobra ang pag-aalala niya sa kalagayan ni Micah.
"Hindi pa namin alam. Maghintay pa tayo," sabi ng doktor at naglakad pabalik sa loob ng emergency room.
Napaupo na lang ulit si Dino dahil nanghihina ang tuhod niya. Mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba siya ay natatakot para kay Micah.
"Kasalanan ko 'to Manager Kim. Kung sana ay ako na lang ang naghatid sa kaniya imbes na sinundo pa siya ng papa niya, hindi sana mangyayari 'to."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Magtiwala lang tayo sa Diyos. Magiging okay si Micah."
Isang araw na ang nakakalipas. Nagising na ang ama ni Micah at siya na rin ang nag-aasikaso sa sarili niyang anak. Nailipat na si Micah sa ICU. Hindi pa rin ito nagigising at marami pa ring nakalagay na kung ano-ano sa katawan niya.
"Dino, umuwi muna kayo ni Kim at magpahinga. Ako nang bahala sa anak ko," sabi ng ama ni Micah.
"Hindi po ako aalis rito. Hihintayin ko pong magising si Micah," pagtanggi ni Dino.
"Pero Dino, kailangan mo munang magpahinga. Hindi ka pa kumakain. Sumama ka muna kay Kim. Bumalik na lang ulit kayo."
"Ayoko po."
"Huwag kang mag-alala, pag gumising na si Micah tatawagan agad kita."
Wala nang nagawa si Dino kaya sumunod na lamang siya. Umuwi sila ni Manager Kim sa bahay nila. Naligo lang at nagpalit ng damit si Dino. Hindi siya kumain dahil wala siyang gana. Pagkatapos ay pumunta ulit sila ng hospital.
"Manager Kim..." tawag ni Dino.
"Oh?"
"Hindi na ako tutuloy sa Amerika." Gulat na gulat ang reaksyon ni Manager Kim sa sinabi ni Dino.
"P-pero Dino, okay na ang lahat."
"Hindi pa okay si Micah."
"Maghahanap tayo ng magaling na i-papartner sa 'yo. May tatlong araw pa naman."
"Kung hindi si Micah, 'wag na lang."
"Pero pangarap mo 'yun, Dino. Mahalaga rin naman sa akin si Micah pero iniisip ko lang ang kapakanan mo. Sa kompetisyon lang iyon magbabago ang partner mo..."
"Si Micah ang gusto ko. Tapos ang usapan." Pumasok si Dino sa loob ng kwarto ni Micah. Si Manager Kim naman ay nag-aalala. Iniisip niya ang mga pinaghirapan nila. Paano kung hindi magising si Micah bago ang kompetisyon? Paano?
Hinawakan ni Dino ang kamay ni Micah at inilagay ito sa kaniyang pisngi.
"Hindi mo ako iiwanan 'di ba? Nangako ka sa 'kin, dapat tuparin mo. Gumising ka na Micah. Ayokong nakikita kang nakahiga lang diyan. Gusto kong nakangiti ka at tumatawa sa akin. Nadudurog ang puso ko dahil sa kalagayan mo ngayon. Panonoorin mo pa akong sumayaw 'di ba? Paano na 'yun kung nandiyan ka at nakahiga? Pupunta pa tayong Amerika at irereprisinta ang bansa kaya tumayo ka na diyan... Gumising ka na, please..." May tumulong luha mula sa mga mata niya.
"Please lang Micah, mamahalin pa kita..."
Nagulat siya nang biglang tumunog ang makina. Isang deretsong linya ang nakita niya. Hindi pwede 'to.
---
BINABASA MO ANG
Feel My Heart
RomanceDino Villegas, kilala ang pangalan na ito sa larangan ng Dance Sport. Mapa-latin dance, rumba, jive, tango, waltz at kahit ano pa ay kayang-kaya niya kasama ang kapareha niyang si Cina Alcantara... Ngunit paano kung isang araw magkaroon ng problema...