"Manager Kim, lalabas lang muna ako saglit," paalam ng binata.
"Kaya mo ba?" tanong ng manager niya. Tumango ang binata. Nais niya kasing maglakad-lakad at sanayin ang sarili niyang may saklay.
"Wag mong kalimutan ang cellphone mo ha? Pag may nangyari sa 'yo tawagan mo kaagad ako ha?"
"Naiintindihan ko Manager Kim."
Binuksan niya na ang pinto para lumabas. Isang malaking ngiti ang gumuhit sa kanyang labi dahil sa kaligayahang nararamdaman nya nang makita nya muli ang labas ng kanilang bahay. Ilang araw rin syang nasa loob ng bahay at nanonood ng tv. Nagmumukmok sa nangyari sa kaniya. Ngayon nya lang naisipang lumabas muli. Laking pagtataka niya nang makita nya ang isang lalaki.
"Good morning Sir, may padala po para sa inyo," Inabot ng lalaki ang kahon.
"Paki pirmahan na lang po ito,"
"T-teka, kanino 'to galing?"
"Ay nako sir! Doon po ulit sa nagpadala sa inyo noong isang linggo,"
"Kilala mo ba? Anong pangalan?"
"Wala po bang note na ginawa?"
"Kung meron hindi na ako magtatanong sa 'yo. Hindi mo ba talaga alam?"
"Hindi ko po pwedeng sabihin sir. Wala po akong karapatan sa bagay na iyon. Sige po, aalis na po ako."
"Te-t-teka!!!"
Tuluyan nang umalis ang lalaki at naiwan ang binata sa tapat ng pintuan.
"Bakit ka sumisigaw Dino?" tanong ni Manager Kim. Napansin nito ang hawak na kahon ng binata. "May nagpadala na naman?"
Tumango ang binata. Tiningnan n'ya ang note na nakadikit sa regalo at binasa nya ito.
Goodmorning Dino!
Ngayon na lang ulit kitang nakitang ngumiti. Bagay na bagay talaga sa 'yo. Hihihi Pagaling ka!Hindi napigilang ngumiti ng binata dahil sa nabasa niya. Kahit lubos ang pagtataka n'ya kung sino ang nasa likod ng mga ito ay hindi maitatagong natutuwa talaga s'ya. Kahit papaano ay nababawasan ang lungkot n'ya at nakakalimutan n'ya ang tungkol sa sakit n'ya. Natutuwa s'ya dahil may isang tao pang sumusuporta at naniniwala sa kan'ya maliban kay Manager Kim.
"Buksan mo na 'yan," giit ni Manager Kim.
Bumungad sa kan'ya ang apat na cupcake na may design na letter sa taas. D-I-N-O ang nakasulat sa bawat cupcake na nasa loob ng kahon.
"Wow! Ang cute naman!"
Napaisip bigla ang binata sa nakita n'ya.
"Sino ka ba talaga? At bakit mo 'to ginagawa?"
---
BINABASA MO ANG
Feel My Heart
RomanceDino Villegas, kilala ang pangalan na ito sa larangan ng Dance Sport. Mapa-latin dance, rumba, jive, tango, waltz at kahit ano pa ay kayang-kaya niya kasama ang kapareha niyang si Cina Alcantara... Ngunit paano kung isang araw magkaroon ng problema...