"You fooled me Manager Kim," sabi ni Dino. Tumawa si Manager Kim bago siya nagsalita.
"Did I? So sorry about that Dino. Gusto ko lang makita kung paano ka mag-drama."
Kasalukuyan silang kumakain.
"Tell me, anong totoong nangyari Micah?" tanong ni Dino.
"Ahmm.. Ano kasi..."
"It's my plan kaya 'wag mo siyang sisihin. Bakit? Babawiin mo 'yung 'I really love you' mo sa kaniya?" pang-aasar ni Manager Kim kay Dino. Tiningnan ni Dino si Micah bago siya nagsalita.
"I will...never." Namula naman si Micah sa sinabi ni Dino. Ipinunta niya na lang ang atensyon niya sa kinakain niya. "Ano ba talaga ang plano mo?" tanong pa ni Dino kay Manager Kim.
"Calm down, ipapaliwanag ko."
"Begin."
"Di ba pinauwi tayo ng papa ni Micah? Noong nasa bahay na tayo nag-text ang papa niya sa akin na nagising na si Micah. Tapos nakaisip ako ng plano na magkunwari muna si Micah na hindi pa nagigising. The machine was fake, her death was fake. Ikaw lang kasi 'tong umalis agad eh. Ang drama-drama mo," paliwanag ni Manager Kim.
Naisip ni Dino na ibig sabihin lahat ng sinabi niya ay narinig ni Micah. Oh well, wala namang big deal doon. Tiningnan ni Dino si Micah.
"Ikaw ba 'yung babae kanina?" tanong ni Dino kay Micah. "Yung katabi ko sa eroplano?"
"Ahh.." Tumango si Micah. "S-sorry."
Ngumiti si Dino."No need. You were a big help. I can't imagine myself without you by my side," nakangiting sabi pa ni Dino habang inaalala ang nangyari kanina sa eroplano. Hindi naman mapigilan ni Micah ang kiligin lalo pa't alam niya nang mahal siya ng kaniyang hinahangaan.
"Ehem, excuse me. I'm still here," sabat ni Manager Kim sa kanila.
"Well then, good luck for tomorrow lovers." Tumayo si Manager Kim. "Mauna na ako sa Danchelsemmapert Hotel. Gusto ko muna kayong bigyan ng quality time. Goodbye." Naglakad na si Manager Kim papalabas."Then you'll be my partner?" tanong ni Dino kay Micah na kasalukuyang kumakain pa rin. Tumango ito.
"Hindi pa rin ako makapaniwala," mahinang sabi ni Dino sa kaniyang sarili.
"Ako rin naman," nakangiting sabi ni Micah. Tinapos nila ang kanilang pagkain pagkatapos ay lumabas na sa restaurant. Naglakad-lakad lang sila.
"Saan ka naka-check in?" tanong ni Dino.
"Doon din sa inyo."
"What do you mean?"
"Same hotel, different room. I'm rich after all," sabi naman ni Micah. Magkaroon nga naman ng doktor na ama, at sariling hospital sinong hindi magsasabing hindi siya mayaman?
Tumawa na lang si Dino.
"So, what are we?" tanong ni Micah.
Naguguluhan rin naman si Micah kung ano na sila ngayon."What do you mean?" tanong naman ni Dino.
"Is that your favorite line?"
"My favorite song," nakangiting sabi ni Dino.
"Are you a fan of Justin Bieber?"
"A little, but I am a fan of yours," sabi ni Dino kay Micah. Nagtaka naman si Micah. "Ako?"
"You're my favorite singer." Natawa naman si Micah. "I'm your number one fan."
"Huwag mo naman akong pakiligin masyado. Nakakapanghina eh!" sigaw ni Micah.
"But I'm good with this," pang-aasar pang sabi ni Dino bago niya hinawakan ang kamay ni Micah.
"I'm just being myself so be used to it.""Yeah right. Holding my hands without saying. Ang galing mo talagang mananching!"
"I know you love it."
"If you say so."
"Don't be hard to get. I know you love me," pang-aasar pa ni Dino. Hinataw naman siya ni Micah dahil talagang kinikilig na ito sa kayabangan ni Dino.
"You don't know how much I love you," sabi ni Micah na nakangiti.
"Well you're wrong. I know how much you love me and that is as much as I love you."
---
BINABASA MO ANG
Feel My Heart
RomanceDino Villegas, kilala ang pangalan na ito sa larangan ng Dance Sport. Mapa-latin dance, rumba, jive, tango, waltz at kahit ano pa ay kayang-kaya niya kasama ang kapareha niyang si Cina Alcantara... Ngunit paano kung isang araw magkaroon ng problema...