XVIII. Practice

166 12 0
                                    





"A-ate Kim, bakit hindi na lang ikaw ang partner ni Dino?" tanong ni Micah. Kararating niya lang sa bahay ni Dino dahil napagkasunduang nila na ngayon ang first day of practice nila. Kahit na siya na pumayag siyang siya na ang partner ni Dino, hindi pa rin maaalis sa isip niya na hindi niya kaya.



"Hala bakit ako? Aber, 32 years old na ako at 19 years old lang si Dino. Hindi pwedeng ako! Alam kong baby face ako pero hindi ko keri 'yan!"



"Hindi ko rin naman po kaya Ate Kim! Kung hindi mo kaya, paano pa kaya ako? Baka mabali ang mga buto ko!"



"Okay lang 'yan Micah! Subukan mo lang malay mo hindi mo pagsisihan sa huli ang bagay na ito." Tumango na lang si Micah bilang sagot. Naisip niya rin ang ibig sabihin ng sinabi ni Manager Kim sa kaniya. Pagsisisihan niya kaya ang gagawin niya?


"You're here." Napalingon si Micah sa nagsalita.


"Let's go. The time is running." Tumango na lamang si Micah at sumunod kay Dino. Ngumiti sa kaniya si Manager Kim at nagsalita.


"Galingan mo! Kaya mo 'yan!" Pumasok na sila sa loob ng dance studio. Ramdam ni Micah ang mabigat na atmosphere dahil sa kabang nararamdaman niya.


"Stretching and warm up."


"Ha?"


"Sundan mo lang ang ginagawa ko." Sumunod naman siya sa sinabi ni Dino.


"S-sige."


Stretching and warm up pa lang ay hirap na hirap na si Micah. Hindi niya kasi talaga forte ang pagsasayaw ng ballroom. Ginagawa niya ito dahil gusto niyang tulungan si Dino.
Kaya kahit gusto niya ng sumuko ay mas pinipili niyang tumuloy.


"Kailangan ba talagang matuto akong mag-split? Mababali ang buto ko niyan Dino eh!" sigaw ni Micah. Nakaupo sila sa sahig. Ang magkabila nilang paa ay magkadikit kaya pag inii-spread ni Dino 'yung magkabila niyang paa ay nadadamay sa pagbukaka si Micah.



Habang si Micah ay nahihirapan, si Dino naman ay tumatawa sa kaniyang isip dahil sa itsura ni Micah.


"Kailangan ba talaga nito? Ayoko na Dino!"


"Isa! Puro ka reklamo eh. Sa una lang mahirap, masasanay ka na rin"


"Masasanay ka diyan! Hindi naman ako masokista na okay lang kahit masaktan eh! Sabi ko naman sa 'yo, 'wag ako eh!"


"Lumapit ka na rito! Puro ka reklamo diyan!"


Natapos ang buong araw ng pag-eensayo nila Micah at Dino.


"Okay, we're done for today," sabi ni Dino kay Micah. Napahilata na lang si Micah sa sahig dahil sa sakit ng katawan at pagod.


"Tumayo ka na diyan! Para kang timang!" sigaw ni Dino.



"Bawal bang magpahinga sandali? Buong araw kaya tayong nag-practice! Ni hindi pa nga tayo kumakain eh!"


"Paano ka kakain kung nakahiga ka diyan?" sigaw ni Dino pero si Micah ay nakahiga pa rin sa sahig ng studio.


"Dalhan mo na lang ako rito. Please."


"Ano ako uto-uto? Tumayo ka na diyan!"


"Ayoko! Bahala ka kung ayaw mo 'kong dalhan! Bukas wala ka ng partner!" sigaw ni Micah.


"Tss.. Blackmailer." Lumabas na si Dino sa studio room at iniwan si Micah.


"Napakawalang puso talaga ng taong 'yon. Napagod ako ng todo tapos hindi man lang ako bigyan ng oras magpahinga?"


Hindi niya namalayang nakatulog siya sa studio room.


Minulat niya ang kaniyang mata. Umupo siya at naramdaman niya ang pananakit ng katawan niya.
Napangiti siya ng may makita siyang maliit na lamesa na may nakatakip na pagkain. Binuksan niya iyon at sumalubon sa kaniya ang amoy ng mainit pang sabaw na niluto ni Manager Kim. Napansin niya rin ang gamot na nasa gilid.


"Pain killers?" Napangiti siya at nagpatuloy na lang sa pagkain.


---

Feel My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon