"M-manager Kim..."
"Tara na Dino sa airport. Baka ma-late pa tayo sa flight natin! Naghihintay na ang partner mo d'un. Nakahanap na ako, siguradong maaayos niyo kaagad ang ipanlalaban niyong sayaw."
"Sinabi ko naman sa 'yo Manager Kim, kung hindi si Micah hindi ako pupunta!"
"Wala na tayong magagawa. Alangan namang baliwalain mo ang bansa dahil doon!" Wala nang nagawa si Dino kundi sumakay sa kaniyang kotse. Nagmaneho siya papuntang airport. Bukas ng gabi gaganapin ang kompetisyon nila kaya kailangan nilang pumunta ng maaga sa Amerika. Ngayon pang may bago siyang ka-partner at mag-ppractice pa sila.
Labag man sa loob ni Dino ay sumunod na lang siya sa mga sinasabi ni Manager Kim. Wala na naman siyang magagawa.
Hindi pa rin niya malimutan ang mukha ni Micah. Ang huling beses na nakita niya ito. Hindi niya matanggap na wala na ito. Noong marinig niya ang deretsong linya ay tinawag niya ang doktor. Lumabas siya sa kwartong iyon, ayaw niyang makita ang kalagayan ni Micah. Ayaw niyang malaman kung anong nangyari rito kaya umuwi siya ng kanilang bahay.
Pumasok siya sa loob ng eroplano. Maghiwalay ang upuan ni Manager Kim at Dino. Nasa likuran ni Dino si Manager Kim.
Umupo si Dino. Nakita niya ang isang taong naka-jacket at natutulog. May takip ito sa kaniyang mata. Mas pinili niyang hindi na lang alamin kung sino iyon dahil alam niyang hindi niya iyon kilala.
"Please fasten your seatbelt ladies and gentlemen. Please turn off your gadgets. We are going to fly now." Sinunod naman ni Dino ang sinabi ng babae at nag-seatbelt siya. Tiningnan niya ang katabi niya. Tulog iyon kaya hindi pa naka-seatbelt.
"Put your seatbelt on," sabi ni Dino sa katabi niya ngunit hindi siya naririnig nito kaya siya na ang nagkabit ng seatbelt ng katabi niya.
Nagsimula nang umakyat sa ere ang eroplano. Nakaramdam ng pagkalula si Dino dahil nga may Acrophobia siya. Napansin ni Dino na natutulog na rin ang iba.
"Are you okay, sir?" tanong ng stewardess sa kaniya. Tumango na lang siya. Ngumiti ang stewardess bago ito umalis.
Humawak siya sa magkabilang tabi ng kaniyang upuan. Nahihilo siya at nasusuka. Tiningnan niya sa likod si Manager Kim. Balak niya sana itong abalahin ngunit natutulog na ito. Umupo na lang ulit siya.
"Relax, Dino. It's just an airplane," bulong niya sa kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim at ini-relax ang magkabila niyang kamay sa upuan. Naramdaman niyang may humawak ng kamay niya. Tiningnan niya ang katabi niya. May takip pa rin ang mata nito kaya hindi niya makita ang buong mukha nito.
"Don't be afraid to fall. I swear, I'll catch you." Tila ba naging panatag ang damdamin ni Dino nang marinig niya ang mga salitang iyon mula sa katabi niya. Tanging malakas na pagtibok ng puso niya ang naririnig niya. Huminga siya ng malalim bago siya nakatulog.
"Gising na Dino, bababa na tayo." Minulat niya ang kaniyang mga mata at nakita niya si Manager Kim. Tiningnan niya ang katabi niya ngunit wala na ito.
"Nag-landing na kaagad? Hindi man lang ako nagising?" tanong ni Dino sa kaniyang sarili.
"Kunin mo na ang mga gamit mo para makaalis na tayo kaagad. Mag-checheck in pa tayo. Bilisan mo na." Kinuha ni Dino ang mga bagahe nila at lumabas na sa loob ng eroplano. Iniisip niya pa rin ang babaeng nakatabi niya kanina. Naalala niya ang sinabi nito.
"Don't be afraid to fall. I swear, I'll catch you."
Sumunod na siya kay Manager Kim. Sumakay sila sa taxi papunta sa Danchelsemmapert Hotel.
"Mamayang 8pm may dinner tayo together with your partner kaya mag-ready ka," utos ni Manager Kim kay Dino. Tumango na lang si Dino.
"Hindi mo ba tatanungin kung anong pangalan ng ka-partner mo?"
"Why would I? Probably, her name is not Micah," sagot naman ni Dino.
Natulog muna si Dino dahil pagod na pagod siya sa biyahe. Nagising siya bandang 7pm. Kasabay niyang bumaba si Manager Kim. Wala man siya sa mood ay sumunod na lang si Dino sa kaniyang Manager.
Pumunta sila sa isang magarang restaurant.
"Siya na yata 'yun," sabi ni Manager Kim habang tinuturo ang table kung nasaan ang magiging ka-partner ni Dino. Nakatalikod ito kaya hindi ito makita ni Dino. Napatigil siya nang humarap sa kaniya ang babaeng tinutukoy ni Manager Kim. Ilang segundo siyang hindi nakakilos dahil sa pagkagulat. Hindi niya alam ang gagawin niya. Parang kahapon lang nang makita niya itong mawawalan ng buhay pero ngayon, nasa harap niya ito at nakangiti.
Agad siyang lumapit sa babae at niyakap ito. Isang mahigpit na yakap na para bang ayaw niya nang bitawan muli ang babae.
"Surprise?" nakangiting sabi ni Manager Kim kay Dino.
"God knows how I missed you, Micah," bulong ni Dino rito.
"Hindi ako makahinga Dino," natatawang sabi ni Micah.
"I'm sorry, pero pwede bang ibalato mo muna sa 'kin ang moment na 'to? Akala ko nawala ka na sa 'kin. Akala ko iiwan mo na ako."
"Nangako ako kaya hindi ko iyon sisirain." Bumitiw na sa Dino sa pagkakayakap niya kay Micah at tiningnan niya ito sa mga mata.
"Micah Ramoscena, I really love you."
---
BINABASA MO ANG
Feel My Heart
RomanceDino Villegas, kilala ang pangalan na ito sa larangan ng Dance Sport. Mapa-latin dance, rumba, jive, tango, waltz at kahit ano pa ay kayang-kaya niya kasama ang kapareha niyang si Cina Alcantara... Ngunit paano kung isang araw magkaroon ng problema...